Outbreak 10

1.7K 78 4
                                        


Prince's POV



"Is that true? half brother mo yung lalaking yun?" kanina pa tanong ng tanong si Janica at kanina pa din ako tango ng tango.






"How? when? wh-" napatigil na lang sya ng hawakan ni Jeanne ang balikat nya.





"Leave him alone" straight forward na sabi ni Jeanne. Napaflip na lang ng buhok si Janica at pumunta kila Stephen.






Andito na kami ngayon sa kwarto ng Citizen Hotel at sa kabilang room ay yung step brother kong si Chesther.






Its been awhile since we met. Bata pa kami nun pero hanggang ngayon yung galit ko sa kanya hindi pa rin nawawala.







"Prince if you want someone to talk too. Andito lang ako ok" hinawakan ni Jeanne ang nakayukom kong kamay.







"Salamat Jeanne ah." niyakap ko sya at ganun din sya sakin.








Iniwan naman kami ng iba at pumunta sila ng kusina para mabigyan kami ng time ni Jeanne na makapag usap ng maayos.






Kinwento ko sa kanya lahat ng mga nangyari after Mom left us.








14 years old ako nun ng malaman ko kung saan nakatira si Mommy. Kahit galit na galit ako sa kanya nun dahil sa pag iwan nya samin ni Daddy ay may part sa puso ko na gustong gusto ko syang makita.



Then pumunta ako sa bahay na tinutuluyan ni Mommy sa Pasay.





*Flashback*






"Ang dami palang mga bahay dito? Saan kaya yung address na toh?" napakamot na lang ako ng ulo habang hawak hawak ang kapirasong papel kung saan nakasulat ang address ni Mommy.





First year high school pa lang ako nun at nagcommute lang ako dahil ayokong malaman toh ni Daddy.





Kanina pa din ako tanong ng tanong pero puro mali naman yung mga tinuturo nila. Kaya mas lalo akong naligaw.







Sa sobrang pagod at uhaw umupo muna ako sa isang mahabang kahoy na nasa harapan ng isang tindahan. Bumili ako ng softdrinks at nagpahinga muna doon.






"Nagcutting class pa ko para dito hayst." maya maya may isang lalaki na kaage ko lang ang bumili din sa tindahan. Naka jersy shorts lang sya at walang pang itaas. Pawis na pawis sya, mukhang galing sa paglalaro sa araw.






"Hey bro! bagong lipat ka ba dito? Parang ngayon lang kasi kita nakita eh. Chesther pala" umupo sya sa tabi ko sabay abot ng kamay nya na tinugon ko namn.






"Ahh? Hindi eh. May hinahanap lang ako dito. Prince pangalan ko." sagot ko naman sa kanya.







"ows? Ano hinahanap mo? Chicks ba?"




"Chicks? Hindi noh. Marami akong ganun sa school namin" sagot ko.





"Eh ano ba hinahanap mo? O sino?" sumipsip sya sa straw para mainom ang softdrinks nya sa plastik.






"Ito oh. Alam mo ba yang address na yan?" binigay ko sa kanya yung kapirasong papel.







"Ahhh? alam ko toh. Tara samahan kita" nagsimula na sya maglakad kaya sumunod naman ako. Malayo layo rin ang nilakad namin hanggang makarating kami sa maliit na bahay. Hindi naman sya panget parang simple lang.






Last Breath: Zombie Rises IIMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon