Prince's POV
I shake my head, para matanggal ang mga alikabok sa buhok ko. Medyo naalog ang ulo ko sa pagsabog na yun.
"Guys ayos lang kayo?" I mangage to stand pero kumikirot pa rin ang ulo ko.
"Prince dito, tulong!!" pinuntahan ko agad yung humihingi ng tulong. Si Annie pala, naipit ang isang hita nya sa malaking tipak ng bata.
"Sandali lang, aalisin ko yung bato" buong lakas kong binuhat yung bato hanggang maialis ko ito.
"Salamat, kala ko mamamatay na ko eh." niyakap nya ko. Takot na takot sya at umiiyak na.
"Nasan na ang iba? Sina Jeanne?" inikot ikot ko ang paningin ko. Pero puro usok lang ang nakikita ko.
"I dont know. Kanina magkatabi lang kami ni Josh then-" lalong napaiyak si Annie. "Nasan na si Josh?"
"Rrrraaawwwrrr" sa hindi kalayuan naka aninag ako ng anino ng tao.
"Ano yun?" hindi mapakali si Annie ng marinig sya ng ungol.
"Tsk" mukhang zombie toh ah.
Wala akong armas na pwedeng magamit, tapos injured pa si Annie.
"Prince anong gagawin natin?" tanong sakin ni Annie ng makita naming dumadami na ang mga anino.
Nakuha ng pagsabog kanina ang atensyon ng mga zombies.
Ano bang gagawin ko?
"Rrraaawwrrr" maya maya nagsitumbahan na lang ang mga anino. Tapos dalawang anino na lang ang natirang naglalakad. Yung isang anino maliit.
At yung isa may hawak na bagay na hugis karet.
At ng makalapit na samin ang dalawang aninong yun.
"Jeanne?" dala dala nya ang armas ni Earl na grim reaper at sa tabi nya ay ang batang si Alonzo.
-----
Kirk's POV
"Kirk ayos ka lang ba?" tanong sakin ni kuya Kier. Tinanguan ko lang sya. Napatingin ako sa lugar ng pagsabog, punong puno ito ng usok.
"Kuya sila-" napatingin na lang sya sa ibang direksyon. Hindi pwedeng.
*Flashback*
"Kilala kita ah? ikaw yung babaeng nasa Mall na maraming bomba" saad ko doon sa babaeng nasalubong namin.
"Ahhhh? Ikaw yung may pana diba?" bigla syang nag evil smile samin. Tapos biglang hinablot yung supot ng gamot na dala ni kuya Kier at pinagbabasag.
"Hoy!! anong ginagawa mo!!!" lalapitan na sana sya ni kuya ng maglabas ito ng isang bomba.
"Alam nyo ba kung ano toh? Time bomb toh." sabay pindot nito sa buton kaya nagsimula ng umandar ang oras nito.
"Bitawan mo yang bomba na yan!!!" sa halip na bitawan yun. Dinilaan nya lang ako at tumakbo.
"Habulin natin sya, nasa kanya pa ang ibang gamot at baka may mapahamak pa syang iba dahil sa bombang dala nya." sabi ni kuya kaya hinabol namin sya. Hanggang makita ko sila Josh. Kinawayan nya pa ko. Sumigaw ako na umalis sila doon, habang sumesenyas naman si kuya Kier. Pero mukhang hindi nila naintindihan. Ang sumunod na nangyari tumalsik na lang kami ni kuya Kier dahil sa lakas ng pagsabog.
*End of Flashback*
"Kuya puntahan natin sila" papasok na sana ako sa makapal na usok na yun ng hawakan ni kuya ang braso ko.
Why is he shaking his head?
"Hindi ko kayang irisk pa ang buhay mo. Ikaw na lang ang natitira sakin Kirk." mas lalong humigpit ang pagkakahawak nya sa braso ko.
Pero paano naman ang mga kaibigan ko?
"Kirk!!!" napalingon kami ni kuya. Dumating si Janica kasama si Stephen? His alive? and with another girl.
"Stephen? your alive!"
"Long story. Nakita mo na ba sila Jeanne?" napakagat ako sa labi ko. Hindi ko alam kung paano sasabihin sa kanila.
"Yes, but unfortunately theirs a weird girl with lots of bomb on her body and blow that place where the others are." si kuya na ang sumagot sa tanong na hindi ko masagot.
"My Ghad!!!! Are they ok?"- Janica.
"I'm going in. My brother is in there." pipigilan pa sana ni Stephen yung isang babae pero wala syang nagawa.
"I will go too" sumunod naman si Janica kay Stephen.
Naiwan kaming dalawa ni kuya sa labas ng makapal na usok. Gusto ko ding pumasok pero si kuya,. pero nagiguilty naman ako na andito lang ako sa labas.
----
Third Person's POV
"Lalalalalalalalalalala" pakanta kanta lang ang isang dalaga habang nagsasabugan ang paligid nya.
Pasayaw sayaw pa sa ritmo ng musikang kinakanta nya.
May mga zombies na naglapitan sa kanya pero hindi sya nabahala. Ngumiti lang sya ng napaka tamis at nag hagis ng mine cracker sa mga halimaw. At sa isang iglap ay nabura na ito sa kanyang daraanan.
Palabas na sana sya ng eskwelahan ng matanaw nya ang isang grupo ng mga survivors na nakikipag laban sa mga zombies.
Gumuhit sa kanyang labi ang ngiti. Pagkatapos nun ay naghagis sya ng bomba sa mga zombies.
Napatingin sa kanya ang mga survivors at nagpasalamat.
"Hi Arjane nga pala hehehe. Naliligaw kasi ako eh." nagpout pa sya sa isang lalaki.
"Ahhh ganun ba? Sige sama ka na lang sa grupo namin. Tutal niligtas mo naman kami eh." lihim na napangiti ang dalaga. At sumakay na rin ng kotse kasama ang mga survivors na yun.
----------
A/n: Vote and comment for fast UD
BINABASA MO ANG
Last Breath: Zombie Rises II
ParanormalThe new generation of zombie survivors. Can they manage to survive from the outbreak? or will they be one of the Flesh eaters.
