Kirk's POV
"Kirk ang dami nila!!!" sigaw ni kuya Kier habang tinatakbuhan namin ang mga zombies na gusto kaming kainin.
"Kuya takbo lang ng takbo!!" parang kanina lang hindi sila gumagalaw tapos ngayon kulang na lang magmarathon kami kasama ang mga panget na yan.
Hindi ko magagamit ang pana ko sa ganitong sitwasyon. Sino ba namang archer ang gagamit ng pana at palaso habang tumatakbo. It just no used.
"Kirk!! pumasok tayo doon sa kwartong yun!!" turo ni kuya Kier sa isang kwarto na bukas. Dali dali kaming pumasok doon at nilock ang pinto. Naririnig pa namin ang pagkalabog ng pintuan.
I think safe na kami sa ngayon.
"Kirk?" inangat ni kuya ang kamay nya na para bang may tinuturo. At sa direksyon na yun.
"Rraaawwwrr!!!" tatlong zombies ang naglalakad papunta sa amin. Yung isa mukhang school nurse pa dahil sa suot nito.
Kumuha ako ng palaso at inilagay sa pana ko. Mabuti na lang at nakakuha kami ng spare arrows sa mall ni Prince ng kumuha kami ng supplies.
I release the arrow at tumama ito sa noo ng isang zombie. Hinampas naman ni kuya Kier ng palang dala nya ang isa.
At ngayon isa na lang ang natitira. Yung zombie nurse.
Nang aamba na sya samin ay winasiwas ni kuya ang pala sa mukha nung zombie nurse. Umikot pa ang ulo nito at nagtalsikan ang mga ngipin.
Napaupo ako sa sahig at napahawak sa ulo ko. Kailan ba matatapos ang bangungot na toh?
"Clinic pala toh. So siguro may mga medicine dito na pwede nating magamit." nag ikot ikot si Kuya Kier sa buong kwarto. Nang makarinig kami ng malakas na pagsabog mula sa labas. Kanina pang may sumasabog sa lugar na toh. Bigla tuloy sumagi sa isip ko yung weird na babaeng nagligtas samin sa Mall. Yung maraming dalang bomba.
"Kirk ayos ka lang?" tinanguan ko si Kuya. Tumayo na ko mula sa pagkakaupo at nag ikot ikot na din sa kwartong yun. Nawala na ang mga kalabog mula sa labas. Mukhang nakuha ng pagsabog kanina ang atensyon ng mga zombies.
Wala namang epesyal sa kwarto na toh maliban sa mga gamot na nandito. Nagtingin tingin na rin ako ng mga bote ng gamot. Pero wala naman akong alam sa mga ganito. Seryoso naman si kuya na naglalagay ng mga gamot sa isang supot na nakita nya. Ou nga pala Medicine ang kinukuhang course ng kuya ko. Malamang marami sya alam tungkol sa mga yan.
Pagkaraan ng ilang minuto naming pamamalagi doon ay napagpasyahan na naming lumabas. Tinugnan muna namin kung safe na ba at wala ng mga zombies. Nang maasure namin ay dali dali na naming tinungo ang gym nagbabakasakaling makikita namin ang iba doon. Pero mukhang ibang tao ang makikita namin sa daang tinatahak naming magkapatid.
Annie's POV
Nakahinga na kami ng maluwag ng mahawi na ang usok na pumapalibot samin. Pero hindi pa rin tapos ang kalbaryo naming lahat. Napapalibutan kami ng mga zombies. Hindi kakayanin ni Prince mag isa, gusto man naming tumulong kaso wala kaming armas para makipaglaban.
BINABASA MO ANG
Last Breath: Zombie Rises II
ParanormalThe new generation of zombie survivors. Can they manage to survive from the outbreak? or will they be one of the Flesh eaters.
