Uvrie's POV
"Uvrie pakitignan tignan nga si bunso.Mukhang may sakit eh." napailing iling pa si kuya Neil na pumasok sa kwarto nya. Maya maya lumabas na si Kurt mula sa silid nya at nagpalinga linga pa at tumakbo sa kusina.
Sinundan ko sya at ayun parang daga na naghahalungkat ng pagkain.
Sumandal lang ako sa may pinto at pinabayaan sya. Pagkatapos nyang makuha ang isang box ng cookies ay humarap na sya.
"Oh!!! kuya Uvrie naman eh. Nang gugulat ka" nakahawak pa sya sa dibdib nya.
"Sabi ni kuya Neil may sakit ka daw ah? Parang hindi naman?" napakamot sya sa batok nya at napayuko.
"Ano kasi? ahhh?-" halatang halata na umiisip sya ng palusot.
"Wag ka ng umisip ng palusot dyan. Kamusta na pala ang mga research mo?" nginitian nya ko ng nakakaloko.
"Wala pa kong masyadong nalalaman? But may theory ako na kung pupunta tayo sa lugar kung saan unang kumalat ang sakit. Baka makakita tayo doon ng kasagutan." nagsimula na syang kumain ng cookies.
"Saan ba yan?" biglang nabilaukan si Kurt kaya kumuha agad ako ng tubig para sa kanya.
"Seriously? Hindi mo alam? eh halos yun na nga lang ang ipalabas sa tv ng magsimula ang outbreak eh." aba malay ko? hindi naman ako mahilig manuod ng tv.
"Hindi ako mahilig manuod ng tv. I just find out about the news sa mga usap usapan ng mga tao." sagot ko sa kanya.
"Hayst., sige na nga. Sa America nag umpisa ang outbreak, specifically sa California."-Kurt.
"Kurt diba may sakit ka? Tara pahinga ka na." out of no where biglang dumating si kuya Neil at inalalayan palabas ng kusina.
Ano yun?
Pero ang mas mahalaga ngayon ay yung sinabi ni Kurt.
Kung may makikita kaming sagot mula sa lugar na yun.
Pero ang tanong, paano kami makakapunta sa lugar na yun?
"Uvrie can we talk?" napalingon ako kay Shane
na tahimik lang palang nakikinig samin kanina.
--------
Josh's POV
"Stay here what ever happens ok?" hindi ko ba alam kung ano ang gustong ipabatid ni Stephen. Pero bigla na lang sya umalis sa pinagtataguan namin at nilapitan si Annie.
Then, pinaghahampas nya yun ng baseball bat.
Hindi ko magawang tignan ang scenario na yun. Ang sakit lang na makita mong ginagawa yun sa kaibigan mo.
Naglapitan na rin kay Stephen yung ibang mga zombies na nginginain kanina. Yung isa mukhang buntis pa yata.
Kailangan kong tulungan si Stephen. Pero paano? eh hindi ko pa nga maigalaw ng maayos ang napilay kong braso.
Magsstay na lang ba ko dito? At panunuorin si Stephen na mag isang nakikipaglaban?
Hindi pwede yun!!! I need to do something.
Inikot ikot ko ang paningin ko para makakita ng anu mang bagay na magagamit ko.
Pero wala talaga...
BINABASA MO ANG
Last Breath: Zombie Rises II
ParanormalThe new generation of zombie survivors. Can they manage to survive from the outbreak? or will they be one of the Flesh eaters.
