Kurt's POV
"Parang masyadong delikado tong gagawin natin?" sabi ni kuya Neil habang nakatingin sa magulong tanawin dito sa Batangas Port.
"I think kuya Neil's right. Tignan nyo ang daming zombies dito." dagdag pa ni Shane.
Tinignan ko ang reaction ni kuya Uvrie pero parang wala lang sa kanya yun.
"We went all the way here. Ngayon pa ba tayo uurong? Lagi ako dito dati bago mag umpisa ang outbreak. May yacht dito na magagamit natin papuntang America." paliwanag samin ni kuya Uvrie. May point din naman sya. Ang kailangan lang naming gawin ay malagpasan ang mga zombies na yan at safe na makarating sa yacht na sinasabi nya.
Malayo layo din ang nilakbay namin para makapunta dito sa Batangas Port. Kaya it's no turning back.
"Ok ok. Gawin na natin toh." hinanda na ni Shane ang katana.
"Bunso wag kang lalayo sakin ok? humawak ka lang sa damit ko." seryosong sabi sakin ni kuya Neil. Hayst ginagawa na naman nya akong bata.
"Tara na!" naunang tumakbo si kuya Uvrie at pinaputukan ng dala nyang riffle ang mga zombies. Inaassist naman sya ni Shane habang nakasunod kami ni kuya Neil sa kanila.
"Rrrrraaaawwwrrrrr!!!!" isa isang nagtumbahan ang mga zombies na nasasalubong namin. May mga sumabog ang ulo at meron ding nawalan ng ulo.
Maraming mga metal boxes na nakakalat sa paligid. Doon siguro nilalagay ang mga isda o anumang bagay na dinadala sa ibang lugar.
Yung ibang mga zombies naman naka uniporme pa at naka hard hat. Mukhang dito sila nagtatrabaho dati.
*Bbbaaaanng!!!* napahawak ako sa tenga ko sa lakas ng putok ng shot gun ni kuya Neil. Parang kada putok nun ikabibingi ko.
Napapansin kong medyo basa na ang sementong dinadaanan namin. Marami na ding balde baldeng isda ang nakakalat sa paligid.
At ang baho nun dahil mukhang nabubulok na.
"Kurt!!!" hindi ko napansin ang isang nabubulok na tuna sa dinadaanan ko kaya otomatikong sumubsob ako sa basang semento.
"Rrraaawwwrr!!!" agad akong napalingon sa likod ko. Malayo pa naman ang mga zombies. Mabuti na lang puro walkers lang ang nandito.
"Bunso ayos ka lang?" inalalayan ako ni kuya Neil para makatayo. Kadiri ang langsa ng damit ko.
"Ayos lang naman-" naout of balance ulit ako pero this time nasalo na ko ni kuya Neil.
"May sugat yung tuhod mo. " pagtingin ko sa tuhod ko umaagos na doon ang dugo ko. Meron din akong gasgas sa siko.
"Kurt are you ok?" tanong sakin ni Shane. Binalikan pala nila kami.
"Tara na. Baka maabutan pa tayo ng mga yan." sabay turo ni kuya Uvrie sa mga walkers sa likod.
"Sumakay ka na lang sa likod ko. " umupo sa harap ko si kuya Neil. Napa isip pa ko kung sasakay ako pero ng marinig ko ang ungol ng mga zombies ay agad na kong sumampa sa likod nya.
![](https://img.wattpad.com/cover/30529193-288-k93082.jpg)
BINABASA MO ANG
Last Breath: Zombie Rises II
ParanormalThe new generation of zombie survivors. Can they manage to survive from the outbreak? or will they be one of the Flesh eaters.