Outbreak 12

1.5K 62 3
                                        

Josh's POV

Tinatahak namin ngayon ang mahabang hallway. Sa likod ko ang tatlong malalaking lalaki. Feeling ko nga bibitayin na ko eh.



Nakakarinig na rin ako ng mga ingay ng mga tao. Parang ang saya nila, yung tipong parang may party.



Sa dulo ng hallway na yun ay natanaw ko ang isang itim na pinto.




"Give us a good game ok" tinapik ako nung isang lalaki na sa sobrang lakas ay para na nya akong tinulak sa pintuang iyon.





"What game?" nanginginig kong tanong sa kanila.



"Open the door and you will find out" dahan dahan kong binuksan ang pintuan. Sa loob nun ay isang magandang babae na blonde ang buhok. Sa tabi nya ay isang roleta.





"Hi, I'm Anjie. You can now spin the wheel" ano toh? nasa game show ba ko? Color wheel yung nasa harapan ko. Paglingon ko sa likod andun pa din yung tatlo at sinenyasan akong paikutin na yung roleta.




Nanginginig man ay pinaikot ko yun. Pinagmasdan ko ang paghahalo halo ng mga kulay dahil sa bilis ng pag ikot.




"Green" sambit nung babae.



Napatingin ako sa kanya habang tinatanggal yung green sa roleta. Sa likod nung kulay na yun ay isang larawan.




"You are lucky ah." sabat ng isang lalaki sa likuran ko.





"You will fight a Spitter" sabi ni Anjie bago pa man ako makasagot ay hinila na ko ng dalawang lalaki sa isa na namang pinto. Nakarinig ako ng sigawan, pagpasok namin sa pintong yun ay may isa pa pero iba ito sa mga nauna. Rehas lang ito kaya kita ang labas.







"Our next game is Asian vs Spitter!!!" sabi nung Mc yata nila? Bumukas ang rehas na pinto at tinulak ako ng dalawang lalaki palabas.




Sandali akong nabulag sa liwanag ng mga ilaw. Marami akong naririnig na sigawan ng mga tao.





"Fight!Fight!Fight!!!"



"Huh? ano toh?" bulong ko sa sarili ko ng makaadjust na sa liwanag ang aking mga mata. Para akong nasa Araneta collisium. Nakapalibot ang mga tao at nag iingay. Habang ako ay nasa gitna at pinapanuod nila. Sa kabilang bahagi ng kinalalagyan ko ay isa ring rehas na pinto. Bumukas ito at naglabas ng isang halimaw.







"Wahhhh!!!" napaupo ako sa takot. Hanging ang panga nito at parang may bumubula pa sa loob ng bibig nya.





"Would you Survive or will you be the zombie's next meal?" tanong ng Mc sakin.



Nagsimula ng lumapit yung halimaw sakin ng bigla syang mangdura. Agad akong umiwas, nakita kong umusok yung likidong yun ng tumama  sa sahig.







"Ggrrraaaawwwrrr!!!" ungol nung zonbie. Anong klaseng laro toh? Labag toh sa human rights. Takbo lang ako ng takbo, hindi ako pwedeng lumapit sa halimaw na yan. Habang tumatakbo ako pinapaulanan nya ako ng laway nya kadiri.







"Hey!!!Stop runnning and fight it booooo bbboooo boooo!!!" sigawan ng mga manunuod. Aba? sila kaya dito.




Pinagtatapon na nila ko ng mga bagay bagay. Mga lata ng soft drinks, popcorns at iba pa.





Last Breath: Zombie Rises IIMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon