Zombie 26

1.8K 61 4
                                        

Stephen's POV

Tahimik lang ang buong byahe namin ni Josh. Pagtingin ko sa kanya mula sa front mirror tulog na pala sya.


Kanina pa din kami paikot ikot sa buong Metro Manila pero wala pa din akong makitang safe na mapagkukunan namin ng supply.

Medyo hirap nga ako sa pagmamaneho dahil maraming zombies ang nakakalat sa kalsada. May mga abandonado ding kotse na nakabalandra sa daan.

"Hayst? ano ba naman oh?" napapakamot na lang ako sa ulo ko. Desserted na ang mga lugar na mapuntahan namin.


Nang biglang tumigil ang sasakyan.


Napapalo ako sa manubela.

"Tsk! wala ng gas? bakit hindi ko tinignan kanina?"

sinandal ko ang ulo ko sa harapan ng manubela. Nasa gitna kami ngayon ng kalsada. Mabuti na lang wala na kong nakikitang mga zombies dito.

"Stephen? May problema ba? bakit ka tumigil?" nagkusot kusot pa si Josh ng mata nya.

"Out of gas" poker face kong sagot sa kanya.

Lilinga linga naman sya sa paligid at mukhang nakahinga sya ng maluwag na walang zombies sa paligid.


"Baba na lang tayo para makahanap ng gasoline station." parang may choice pa kami? Kaya bumaba na kami ng kotse. Dala ko ang base ball bat ni Cedric, si Josh naman ang look out ko. Hindi pa rin magaling ang pilay nya.

Tahimik lang kaming naglalakad sa gilid ng kalye hindi kami pwedeng gumawa ng anumang ingay at baka mamamatay kami ng di oras.


"Stephen!!! ayun oh! May gasoline station na may katabing Mini Mart." masayang turo ni Josh. Mukhang sinuswerte pa rin kami.


"Oh? ano yun?" curious na tanong ni Josh. Nang mapagtanto ko kung ano yun ay hinila ko agad sya para makapag tago.


May mga grupo ng zombies ang nanginginain sa isang gilid ng gasoline station. Pero ang pinaka agaw pansin ay ang isang babaeng zombie na gumagapang. Yung katawan nya parang nabali. Ang best description ko sa itsura nya ay mukha syang The Grudge.


Napahawak sa bibig nya si Josh at nagsimula ng umiyak. Nanginginig din ang kamay at katawan nya.


Para syang nakakita ng multo.


"Di-ba? si Annie yan?"


------

Kurt's POV

Tahimik lang akong nagreresearch dito sa kwarto ko. Nakakalat ngayon sa kama ang mga papeles na nakuha namin dati sa isang ospital. Andito ang mga pagsusuri sa virus bago pa lumala ang lahat. Sinubukan kasi ng mga doctor na gamutin ang mga taong na inffect but in the end of the story, natulad lang sila sa mga halimaw na sinusubukan nilang gamutin.

Biglang bumukas ang pinto at pumasok si kuya Neil. May dala syang baso.

"Oh bunso pahinga ka muna dyan." inabutan nya ko ng isang baso ng hot chocolate.

"sige kuya" humigop ako ng liquid na yun at umupo naman si kuya Neil malapit sa study table.

"Musta ang pagreresearch? May bagi ka na bang nalaman?"- Kuya Neil.


"Yup. Another kind of zombie. Exploder ang tawag sa kanila. Sa mga tiyan nila ay nagkakaroon ng chemical reaction dahil sa mga acid na nilalabas ng katawan kapag namatay na ang isang tao. Dahil dito bigla bigla na lang silang sumasabog." inabot ko sa kanya ang litrato nun na nakuha ko sa isang information page mula sa america na na hack ko.


"Kadiri naman toh. Eh yung sa virus?" nilapag ko na ang baso sa study table at hinarap sya.

"Sa ngayon? wala pa kong masyadong nalalaman. Base sa mga international news, sa ibang bansa talaga nagsimula ang outbreak diba? Tapos kaya na damay ang Pilipinas dahil may eroplanong nagcrush dito na punong puno pala ng infected people. " humawak ako sa chin ko.


"Kung pwede lang tayong makapunta kung saan unang nagsimula ang outbreak malamang makikita natin ang kasagutan." sagot ko sa kanya.

"Sa tingin mo ba bunso nandoon ang cure?"

"Hindi pa ko sure. Pero sigurado akong may makukuha tayo doon na mapapakinabangan natin para matigil na tong epidemyang toh." bumalik na ko sa harap ng mga papeles.

"Bunso" nilingon ko si kuya Neil ng tinawag nya ang pangalan ko. Nagulat na lang ako ng sobrang lapit na pala ng mga mukha namin.

"May chocolate ka pa sa labi." pinahid nya yun. Bakit ganun? parang may kakaiba?

"Bakit ka namumula bunso? Nilalagnat ka ba?" hinawakan nya ang noo ko. Iniwas ko ang ulo ko sa kanya at muling humarap sa mga papeles.


"Ano bang nangyayari sakin? Hindi naman ako bakla! I'm sure na 100% straight ako. Nagkakacrush nga ako sa mga babae eh. Ou hindi ako nag gf kasi mas priority ko ang pag aaral ko before. Pero hindi ibig sabihin nun na-" biglang tumayo ang mga balahibo ko ng may humawak sa balikat ko.

"May problema ba bunso? Parang balisa ka?" otomatik na napatalon ako mula sa kama papalayo kay Kuya Neil. Kumunot naman ang noo nya sa ginawa ko.

Lalapit pa sana sya ng pigilan ko sya.


"Dyan ka lang kuya. Ano kasi ahh ehh may sakit ako. Baka mahawa pa kita." umubo ubo ako para mas maniwala sya.

"Ganun ba? Ikukuha kita ng gamot may nakuha yata kaming gamot sa ubo ni Uvrie. Teka lang-" hindi nya pa natatapos ang sasabihin nya ay pinutol ko na sya.

"Wag ka ng mag alala kuya. Napagid lang siguro ako. Pahinga lang toh magiging ayos din ako. Sige labas ka na para makapagpahinga na ko." sasagot pa sana sya ng lapitan ko sya at ipagtulakan palabas ng kwarto sabay sara nito.

Napasandal na lang ako sa pinto.


"Kurt, ano bang nangyayari sayo? Nababakla ka na ba? Tsk hindi wala toh. Lalaki ako!!! Dapat matigil na toh kung ano man toh."


-----------


A/n: Vote and comment for fast UD


Last Breath: Zombie Rises IITahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon