Kirk's POV
Safe kaming nakadating sa bahay nila Josh. Sya lang daw ang tao ngayon dito dahil nasa ibang bansa ang mga magulang nya at nag iisa syang anak. Hindi na sya naghire ng maid dahil kaya naman nyang alagaan ang sarili nya. It seems the title being the nicest guy on school that was crowned to him was really true.
Tahimik lang kaming mga boys na nakaupo sa malambot na sofa nila Josh. Nasa Cr pa ang mga babae at naliligo. Ewan ko ba sa kanila pero pinauna na nila kaming magpalit ng damit. Malamang pinahiram kami ni Josh ng damit nya dahil bahay nila toh.
"Ok lang kaya sya?" Josh break the silence. Alam kong si Stephen ang pinapatungkulan nya. The guilt flashes through hus eyes. Kahit din naman ako nagiguilty din.
"He tries to be a hero. Insanity hits his head." Prince hissed and get the remote of the tv and on it. Mukhang ayaw nya ng pag usapan yung nangyari kanina.
"Bullsh*t!" napatingin kami sa screen ng tv kung bakit sya napamura. Kanina pa pala sya nag hahanap ng channel na bukas pero puro rainbow screen lang ang lumalabas.
"Mukhang wala ng lokal news? Sorry wala akong cabol dagdag gastos lang kasi yun eh." napakamot na lang si Josh sa ulo nya. Sa sobrang inis ni Prince ay napasandal na lang sya sa sofa at pinikit ang mga mata.
"May landline ba kayo Josh?" tanong ko. Ngayon ko lang naalala na kontakin ang pamilya ko. Siguro dahil sa shock na dinulot ng nangyari kanina. Napatayo din si Prince na mukhang ngayon lang din naalala.
Tinuro naman nya kung saan nakalagay yung telepono.
"Ako muna ah!" wala na kong nagawa dahil agad na syang nakatalon mula sa sofa papunta sa telepono. Nagsimula ng magdial si Prince mukhang kinakabahan pa sya dahil nanginginig ang kamay nya.
"Walang sumasagot. Nagriring lang eh." Prince ended the call after 5 dials. Naupo ulit sya sa sofa at mukhang matutulog na. Ako naman ang nagdial after ilang rings ay may sumagot.
[Hello?] napangiti ako ng marinig ang boses ni Mama. I'm glad that she's safe.
"Hello Ma, si Kirk toh. Ayos lang ba kayo?" narinig ko ang pagsobs ni mama. Mukhang alalang alala na sya sakin.
[Salamat sa Diyos at ayos ka lang anak. Asan ka ngayon? Papasundo kita sa papa mo. Ayos ka lang ba?]
" Im fine ma, Andito ako ngayon sa bahay ng schoolmate ko. Sa harap ng school, sunshine road." agad tinawag ni Mama si Papa at sinabi nga na sunduin ako. Pero sinabi kong ipagpabukas na lang dahil maraming mga zombies ang nagkalat sa harap ng eskwelahan. Nawala yung tinik sa lalamunan ko ng malamang safe ang pamilya ko. Nakausap ko din si kuya na sya ng bahala kila mama at papa kaya wag akong mag alala.
After that call ay umupo na ko sa sofa. Nakita kong palabas si Josh ng kitchen nila at may dalang cups of coffee. Nilapag nya yun sa mini table. Mukhang tulog na si Prince dahil sa sobrang pagod.
"Josh tinawagan mo na ba yung mga magulang mo?" I ask curiously. Kasi diba dapat tawagan na nya.
"Remember nasa ibang bansa sila? Roaming yung gamit kong pangcontact sa kanila. Sadly naiwan ko yung phone ko sa school nung nagkagulo na." Napatango na lang ako sa sinabi nya. Kahit yung akin naiwan ko din sa school.
Kumuha ako ng kape sa lamesa at humigip. Masarap sa pakiramdam yung init na pumapasok sa katawan ko. Lumalakas din kasi yung ulan sa labas kaya medyo lumalamig na yung temperatura.
"Josh, can you guide me to your kitchen? Gusto ko sana kayong ipagluto." pababa si Annie mula sa hagdan na medyo basa pa ang buhok. Nakasuot sya ng malaking tshirt na malamang ay sa daddy ni Josh. Agad naman syang sinamahan ni Josh sa kusina.
Lumapit ako sa may bintana ng bahay at hinawi ang asul na kurtina nito. Sa labas ay kita ang pagsayaw ng mga sanga ng puno sa malakas na ihip ng hangin. Malakas din ang buhos ng ulan at ang ingay ng kulog. Pero makikita mo pa din ang anino ng mga halimaw na palakad lakad sa kalsada.
Jeanne's POV
"Bakit kayo pumayag sa plano nya?!" Tanong sakin ni Janica. Andito kami ngayon sa guest room, pinababa ko na si Annie dahil mukhang hindi nya rin alam ang gagawin.
"Nagiguilty din ako Janica. Bestfriend ko si Stephen pero hindi ko man lang sya pinigilan." nung nakita pa lang namin yung kalsadang puno ng mga zombies sinabi na sakin ni Stephen yung plano nya. I tried to stop him pero buo na ang desisyon nya. Pero nangako sya sakin, hindi sya mamamatay. Yun kasi ang pinangako nya kay Ced bago man lagutan ng hininga ang kapatid nya. Patuloy lang sa pag iyak si Janica. Ang nagawa ko na lang ay yakapin sya. Pati tuloy ako napaiyak na din. Pero knowing Stephen? alam kong tutuparin nya yung pangako nya.
"I can't believe this! He sacrifice for our sake!" Janica sobbing in may shoulders. Hinaplos ko ang buhok mahaba nyang buhok. Para kumalma sya.
A few minutes later mukhang nakatulog na si Janica. Why is she so concern of Stephen? May gusto ba sya sa bestfriend ko?
Dahan dahan ko syang inihiga sa kama. At kinumutan, masyadong marami ang nangyari sa araw na ito. Bigla kong naalalang kontakin sila Papa. Napatakbo ako sa sala seeing Annie uses the phone. May mga luha pa sya sa mga mata. And then she ended the call. Mukhang hindi good news ang natanggap nya dahil patuloy lang sya sa pag iyak. Kinocomfort naman sya ni Josh at Kirk.
Nagsimula na kong idial ang telephone number sa bahay. Pero walang sumasagot, nakaramdam ako ng kaba. Na baka napahamak na sila sa bahay.
Nang biglang mag cut ang connection. Kung kanina may nagriring ngayon wala na.
"Jeanne are you ok?" hinawakan ni Kirk ang balikat ko at ang sumunod na nangyari ay napaiyak na lang ako sa dibdib nya. Naramdaman kong niyakap nya ko.
-----
Stephen's POV
Bahagya akong nagising dahil sa liwanag na tumama sa mga mata ko. Pagdilat ko kulay cream na kisame ang bumungad sakin. Nagsimula kong iikot ang paningin ko. Nasan ako? Hindi ko naman toh kwarto.?
Umupo na ko sa kama at doon naramdaman yung sakit ng katawan ko. Napangiwi pa ko at hinawakan ang likod ko. May bandages na nakalagay sa katawan ko at ulo.
Ang huling naaalala ko hinahabol ako ng mga zombies tapos may liwanag na tumama sakin?
"Oh? well mukhang gising ka na? Hello there!" isang babaeng nakaleather jacket ang kumuha ng atensyon ko.
------+++++-----
A/n: Guys napost ko na yung mga pics ng mga casts sa Fb ko. Iship nyo na po yung love team na gusto nyo at bibigyan ko sila ng moment nila.
Follow me on facebook. John Francis Tupaz (toppie)
Vote and comment guys.
BINABASA MO ANG
Last Breath: Zombie Rises II
ParanormalThe new generation of zombie survivors. Can they manage to survive from the outbreak? or will they be one of the Flesh eaters.
