Zombie 9

2.1K 90 0
                                        

Kirk's POV

Nakatulala lang si Prince na para bang nakakita sya ng multo? o Zombies?  Tinignan ko yung direksyong yun, mayroong mga zombies na palakad lakad doon.

Hinanda ko na ang pana at palaso ko, ngayon ko lang napansin na konti na lang pala ang natitirang palaso ko.

Nakatulala pa rin si Prince, ano bang nangyayari sa kanya?

"Rrrraaawwwr!" ungol ng mga zombies na naglalakad ng papalapit samin.

"Prince what's the matter?" inalog alog ko sya at mukhang bumalik na rin sya sa katinuan.

I took aim sa zombies na malapit na samin. I release the arrow. Sapol yung zombie sa noo at natumba sa sahig. Hinila ko agad si Prince sa ibang direksyon na walang zombies. Ano bang nangyayari sa isang toh?


"Rraaawwwrr!" napahinto ako sa pagtakbo ng makita yung zombie na nasa harapan namin. Ang laki nya? as in ang laki talaga. Hindi normal.


"Kirk umiwas ka!" napasigaw na si Prince and its too late. Ang sunod kong naramdaman tumilapon na lang ako sa ere at tumama sa pader.


Ininda ko yung pagtama ko sa pader. Napatingin ako kay Prince na kinakalaban yung malaking halimaw. Pinaghahampas nya sa ulo yung zombie ng dala nyang iron pole. Pero parang hindi yun tumatalab sa zombie na toh.

"Rraaawwwrrr!" napunta yung atensyon ko sa mga zombies na humahabol samin kanina. Sh*t! hindi kami pwedeng mamatay dito.

"Aaahhhhhh!!!" nanlaki ang mata ko ng makita si Prince. Nakaangat na sya sa lupa at hawak hawak ng malaking zombie ang ulo nya na mukhang gusto itong durugin.


"Alam ko, dahil ganun din naman ang nararamdaman naming lahat. Pero wag kang papatalo sa pakiramdam na yun. Dahil ikakapahamak mo yan."


"AhhhhHhh Kirk! Tumakas ka na!!!!" Hindi, hindi ko syang pwedeng iwan dito. Masakit man ang katawan sinubukan kong abutin yung pana ko na tumilapon din sa hindi kalayuan. Hindi ko sya pwedeng hayaang mamatay dito.


"Kirk may pamilya ka pang babalikan. Ako wala na kaya wala ng saysay na iligtas mo pa ko. KAYA TUMAKAS KA NA!!! AHHHHHHHHH!" anong sinasabi nya? Kumuha ako ng palaso at nagtook aim.

"Raaawwrrr!" papalapit na rin yung mga zombies sa direksyon ko sh*t. Pero kailangan kong magconcentrate. Huminga ako ng malalim at pinakawalan ang palaso.


Kaso daplis lang. Kainis. Napatingin sakin yung malaking halimaw na yun. "RRRRRAAAAAAWWWWRRRRR!" inihagis nya si Prince at tumungo sa direksyon ko. Napalunok na lang ako.


"KIRK! UMALIS KA NA DYAN!!" Prince manage to warn me. Hinahawi lang nung malaking zombies yung ibang zombies na madaraanan nya. Hinigpitan ko yung pagkakahawak ko sa pana ko.


Concentrate Kirk. I took another aim. Ngayon naman tinarget ko yung gitna ng mga mata nya.


Nabasa ko sa Bible na sa gitna ng mata tinamaan ni David si Goliath ng bato gamit ang isang sling.

I breath deeply and releases the arrow.

Kapag hindi yun tumama, katapusan ko na.

---------


Stephen's POV

Kasalukuyan kong pinupunasan yung baseball bat ni Ced ng pumasok si Dianne sa kwarto.

"Mukhang mahal na mahal mo yang baseball bat na yan ah? Nung na sagasaan ka namin yakap yakap mo pa rin yan." tumabi na sya sakin at umupo na rin sa kama.

"Ito na lang ang natitirang alaala sakin ng kapatid ko."


"Ah? Sorry for that. Namatay ba sya dahil sa outbreak?" tumango lang ako bilang sagot.

"I know how it feels. Namatay din ang mga parents namin dahil sa outbreak na toh. And my brother have no choice but to kill them para sa safety naming dalawa." nakatingin lang sya sa kawalan habang nagkukwento.


Bigla syang humarap sakin at nginitian ako. She looks tough putside but vulnerable inside. Parang si Jeanne. I hope their safe.

"Guys! gusto nyo bang sumama sakin sa pagkuha ng supplies?" Earl suddenly appears in front of us.


Tumango naman ako at si Dianne. Kailangan ko ding tumulong sa kanila para pasasalamat sa pagligtas nila sakin at pagkupkop. Nag ayos na kami ng gamit at bumaba.


Bitbit ang baseball bat ni Ced, I feel safe. Alam kong nasa tabi ko lang ang kapatid ko.


"Ready? sakay na!" Isang padjero truck ang bumungad sakin. Nakaconceal ang mga bintana nito at maraming  electric wires na nakapalibot sa buong sasakyan. Yung gulong naman may pointed object na nakatusok sa gitna ng mga gulong.

"Nga nga ka noh? Hahaha. Ako ang may gawa nyan." proud na proud na sabi ni Earl. Napatawa na lang si Dianne at sumakay na sa harap ng kakaibang sasakyan.


"Sakay na Stephen. Hehehe." sumakay na rin ako sa may likod at pinaharurot na ni Earl ang sasakyan.


"Sa inyo tong padjero?" nakatinginan yung dalawa sa tanong ko at biglang nagtawanan. Anong nakakatawa dun?

"Honestly, ninakaw lang namin toh.haha" nagpupunas pa ng luha si Dianne ng sagutin ako.

Ninakaw lang nila? Diba illegal yun? Pero sa panahong toh, mahalaga pa ba ang batas ng gobyerno eh para ngang wala silang ginagawang aksyon sa epidemyang toh.


"Oh? bat natahimik ka?" tanong sakin ni Earl habang nakatuon pa rin ang mga mata sa kalsada.

"Napaisip lang ako. Bakit walang ginagawang aksyon ang gobyerno."  napabuntong hininga si Dianne at nagsalita.


"Sa tingin mo sa ganitong panahon uunahin pa ba nila ang ibang tao bago ang sarili nila at ang pamilya nila?" napatingin ako sa mukha ni Dianne na kita sa front mirror. I saw anger on her eyes.


"Una pa lang wala ng pakielam ang gobyerno sa mga mamamayan. Ang mahalaga lang sa kanila ay ang pera ng bansa. " sagot ni Earl. Hindi na ko muling nagsalita at tumingin na lang sa labas ng sasakyan.

-------++++++------

A/n: Vote and comment po para mapabilis ang UD natin. Salamat. hehe

Last Breath: Zombie Rises IIMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon