Uvrie's POV
Nagising ako dahil sa pag alog ng kinalalagyan ko. Minulat ko ang mga mata ko at nasa loob na ko ng kotse. Madilim na sa labas, si Shane ang nagdadrive habang katabi ko naman si Kurt sa back seat.
Teka? Nasan si kuya Neil?
Inadjust ko ang mga mata ko sa dilim ng paligid. Tahamik lang ang buong byahe namin.
"Gising ka na pala" napatingin ako kay Shane na nakatingin naman sakin gamit ang front mirror ng sasakyan.
"Ahh? ano bang nangyari? Nasan si kuya Neil?" umiba ang reaction ng mukha nya at nagfocus na sa pagmamaneho.
"Wala na sya" kalmadong sagot nya.
Anong wala na sya?
"Saan pumunta?" muling tanong ko.
"Uvrie" tawag nya sakin ramdam ang lungkot sa mga salitang yun. Doon ko lang naisip na baka-
"Patay na si kuya Neil" naistatwa ako sa sinabi ni Shane. Parang kanina lang.
Kinwento nya sakin yung mga nangyari nung nawalan ako ng malay hanggang sa makasagupa nila yung giant at yung spitter.
At naiinis ako sa sarili ko dahil lahat yun nangyari habang natutulog ako.
"Dont blame yourself. Ginawa nya yun para iligtas si Kurt. Kahit naman siguro ikaw gagawin mo yun. " napakagat na ko sa lower lip ko dahil sa inis.
"Kamusta si Kurt?" alam kong masakit ito kay Kurt.
"Ayan nakatulog na ng umiiyak. Bigyan lang natin sya ng time at space. Tiyak makaka get over din sya" kalmadong paliwanag ni Shane. Ou nga pala sanay na sya sa ganito. Nawalan sya ng biological parents ng bata pa sya tapos namatay din yung mga umampon sa kanya dahil sa outbreak.
"Saan nyo nakuha ang sasakyang toh?"
"Sa may parking ng building malapit sa port." humikab sya at para bang pagod na pagod na.
"Ihinto mo muna ang sasakyan. Ako na muna ang magdadrive"
"Sigurado ka ba?" tinanguan ko sya kaya inihinto nya ang sasakyan.
Pumunta ako sa driver seat habang lumipat naman si Shane sa tabi nito.
"Uvrie, kapag ako namatay please wag kang iiyak ah?" pinahid ni Shane ang luha sa pisngi ko. Hindi ko napansin na naiyak na pala ako.
"Ano bang pinagsasabi mo?" kumunot na ang noo ko.
"Alam mo ba? Bago mamatay si kuya Neil nakangiti sya. Makikita mong wala syang pinagsisihan sa mga nangyari. Payapa nyang nilisan ang mundo. Gusto ko ganun din ako kapag namatay na ko." hinawakan ni Shane ang kamay ko na nakahawak sa manubela.
"Marami na kong naranasan na trahedya Uvrie. Kanina ko lang narealize ang sagot sa tanong ko dati. Kung bakit ako nagsa suffer ng ganito. Kung bakit ako nawalan ng mga mahal sa buhay." ngumiti sya at tumingin saking mga mata.
"Uvrie, nalaman ko na ang sagot" naluluha na sya pero pinipilit nya pa ring ngumiti.
"Siguro kung hindi yun nangyari sakin. Hindi ako magiging matatag ngayon. Siguro matagal na kong naging zombie. Siguro hindi na kita nakilala, kayo nila Kurt at Kuya Neil. Panget mang sabihin pero naging thankful na din ako sa mga nangyari." tinigil ko ang sasakyan at pinahid ang luha sa mga mata nya.
BINABASA MO ANG
Last Breath: Zombie Rises II
ParanormalThe new generation of zombie survivors. Can they manage to survive from the outbreak? or will they be one of the Flesh eaters.
