Prince's POV
Napatingin kami sa pinto sa loob ng kwartong kinalalagyan nila Janica at Josh. Malakas ang kalabog na nanggagaling dito.
"I not going to die here!" inangat ni Janica yung raketang hawak nya.
"Please help us" hingi ng tulong samin ni Josh. Theirs no time to waste. Pero hindi ko alam kung paano sila matutulungan hanggang isang malakas na ingay ang gumulat sakin.
"Jeanne step back" pinaghahampas ni Stephen yung jelusy na nakaharang sa bintana. Naku Prince bakit hindi mo naisip yun? Edi sana ikaw ang bayani ng dalawang babae dito.
Hiniram ko yung walis tambo na hawak ni Jeanne at tinulungan si Stephen sa plano nya.
"Hurry!!" biglang hinampas ni Janica ng dala nyang raketa ang ulo nung zombie na lumapit sa kanya. Sh*t nakapasok na pala sila.
"Please wag kayong lalapit sakin. Kung hindi mapipilitan akong saktan kayo." aba? pinakikiusapan pa ni Josh yung isang zombie. Ang bait na bata.
"Hey dalian nyo!" sigaw ni Stephen. Nabasag na pala namin yung mga jelusy at pwede na itong lusutan ng dalawa. Takot man pinauna pa rin ni Josh si Janica na makalabas. Kung ibang tao lang toh, wala ng ladies first ladies first uunahin na agad ang sariling kapakanan.
Pagkalabas na pagkalabas ni Josh ay dali dali na kaming tumakbo. Hindi namin alam kung saan basta malayo sa mga halimaw na yan.
"May alam pa ba kayong safe place to hide?" tanong ni Janica. Walang makasagot sa tanong nya. Meron pa bang safe place sa panahong toh?
"On my house, siguro naman pwede na rin yun. Malapit lang yun dito sa Academy. " Josh suggested. Agad naming tinungo yung front gate pero hindi pa rin yun safe daanan.
"Rrraaawwr" isang malakas na hampas ang binigay ni Jeanne sa isang zombie na nagtangkang lumapit. Habang tumatagal nagmumultiply ang number ng mga halimaw na toh.
"We must think and act fast" sabi ni Stephen habang hinahampas nya ng baseball bat ang mga zombing naglalapitan samin.
"Sa faculty room! Malamang alam ng mga teachers ang dapat gawin!" tinuro ni Josh ang faculty room but in his surprise puro zombies na ang laman nito.
"Mukhang walang maitutulong ang faculty." Turan ni Stephen.
"Sa fire exit ng Academy. Pwede tayo doon pumunta." Jeanne guided us to the fire exit. Hindi masyadong pinupuntahan yung lugar na yun sa school dahil doon daw tinambak yung mga katawan ng mga namatay na estudyante ng BPA long long ago.
Sabi pa nga ng iba, nagmumulto ang mga yun tuwing hating gabi. And that idea gives me a chills.
"Stephen asan si Cedric? We must save him." napatigil sa pagtakbo si Stephen. Mukhang hindi nya alam ang isasagot kay Janica. "Am? Janica kasi-" Jeanne search for the most approriate words to use ng magsalita si Stephen. "His dead" Stephen answer flatly.
"I'm sorry" biglang niyakap ni Janica si Stephen. Woah? close na close ah.
Pinagpatuloy na namin yung pagpunta sa fire exit after that drama. And what we find there is totally awesome.
Josh's POV
Si Kirk ba yun? Kinusot kusot ko pa ang mga mata ko. Si Kirk nga talaga yun. Ang archery superstar ng Blue Pegasus Academy.
Sa likod nya ay isang babae na may hawak na frying pan.
Marami na ding zombies ang nakahandusay sa paligid.
"Woah? Ang astig!" puri sa kanila ni Prince. I know this guy. Cassanova toh eh at sikat sa mga babae. Kadalasan sya ang bukam bibig ng mga babaeng estudyante ng BPA.
Nilapitan na namin sila. At agad na nagtanong si Jeanne.
"Kirk, I'm glad your safe too. Tara na at lumabas ng school hindi na safe dito." Ou nga pala parehong varsity sina Jeanne at Kirk.
"Jeanne hindi tayo makakadaan sa fire exit. Its locked." napatingin kami sa pintuan na hindi kalayuan samin. Nakalock nga ito.
"Kanina pa kami dito pero hindi namin yan mabuksan." paliwanag nung babaeng kasama ni Kirk.
"I think I can open it" napunta ang atensyon namin sa kasama naming lalaki na niyakap ni Janica kanina.
"Wait? May susi ka ba nito Stephen?" tanong ni Janica sa kanya.
"Wala" he answer flatly.
"Kalokohan. Eh kung wala naman pala pano mo yan mabubuksan?" hindi nya pinansin ang sinabi ni Prince. Naglakad lang sya papalapit sa exit door at hinawakan ang lock.
"Sino mayroon sa inyong hairclip?" nakatinginan kaming lahat. Hanggang may inabot yung babaeng kasama ni Kirk doon sa Stephen.
Nagpipigil pa ng tawa si Prince na mukhang ginagawang katatawanan ang ideya ni Stephen.
Kinakalikot nya lang yung lock ng hairclip ng makarinig kami ng hind magandang ingay.
Specifically ungol.
"Raawwr!" isang horde ng zombies ang papunta sa direksyon namin.
"Hey Stephen! Matagal pa ba yan?" hindi pinansin ni Stephen si Prince. Nakafocus lang sya sa lock na sinusubukan nyang buksan.
"Wag mo nga syang guluhin! Tulungan mo na lang kami sa pagpatay ng mga halimaw na toh!" sigaw ni Janica kay Prince. Natahimik na lang sya at tumingin sakin. Hala? ano naman ginawa ko?
"You goody goody. Paki abot yang sanga ng puno sa tabi mo." napalingon ako sa gilid ko at isang sanga nga ng puno ang nandoon. Dali dali ko itong inabot sa kanya dahil mukhang badmood na sya.
Nagsimula na ang laban nila. Kirk gives them cover. Bago man makalapit ang ibang zombies ay pinapana na nya ang mga lalaking zombies. Si Jeanne naman buong lakas na hinahampas ng walis tambo ang ulo ng mga flesh eater na toh. Ganun din ang ginawa ni Prince gamit ang sanga ng puno na inabot ko sa kanya. Si Janica naman pinapatay nya yung mga zombies na nakakalusot kila Jeanne.
"I didnt imagined before na magiging ganito ang mundo." napatingin ako doon sa babaeng may dalang frying pan. Kahit ako hindi ko inaasahan ang ganitong scenario.
Kamusta na kaya sila Mama at Papa? Ayos lang kaya sila? Yung kapatid ko?
"Its unlocked. Tara na!" Stephen shouted. Pinauna na kami ni Kirk na makapasok habang pinipigilan nyang makalapit ang mga zombies.
Sa likod ng Academy,. Ay parang gubat, puno ng tuyong dahon ang lupa. Malamig ang hangin na umiihip dito. Honestly, ngayon lang ako nakapunta dito. Pinagbabawal kasi ang mga estudyanteng pumasok dito. At wala namang naglakas loob na pumasok dito dahil sa rumor na kumakalat about this place.
Sabi nila........
Dito daw nilibing yung mga estudyante ng BPA dati. Pero wala namang makapagsabi kung pano sila namatay.
"Guys, tara na? baka kasi alam nyo na. Yung mga zombies?" Sabi samin ni Kirk. Nakapasok na pala sya.
-------++++++-------
A/n: Hayst nakapag UD din. Hehehe sorry po ah. Nao author's block po ako eh. hihihi Vote and comment po.
BINABASA MO ANG
Last Breath: Zombie Rises II
ParanormalThe new generation of zombie survivors. Can they manage to survive from the outbreak? or will they be one of the Flesh eaters.
