Zombie 14

1.9K 75 3
                                    

Stephen's POV


Nakatambay kami ngayon sa isang coffee shop. Pinatay na namin yung mga empleyadong zombies na nandito.

Nasa counter si Earl at gumagawa ng kape. Si Dianne naman ay nakaupo sa harap ko at nilalantakan ang buong banana chocolate cake na nakita nya sa ref.


"You want some?"   alok nya sakin kaso tumanggi ako. I dont really like sweets.

Kanina para syang psycho na magaling humawak at magtapon ng kutsilyo. Ngayon naman para syang bata na tuwang tuwa sa matamis.

Looks is really decieving.


"Coffee?" naglapag si Earl ng tasa ng black coffee sa lamesa. Nginitian ko na lang sya para magpasalamat.

"Earl, I just want to ask. Yung kanina? How can you do that?" saglit na nagkatinginan sina Dianne at Earl. Imposible, mukhang kaedad lang naman ni Jeanne si Dianne pero ang galing na nitong humawak ng kutsilyo. At si Earl? yung bagay na yun.

"Ahhmmm? Pano ba? Are parents are hired killers kaya nagagawa namin yun." lalo akong naguluhan sa sagot nya.

"We are trained, bata pa lang kami para maging bihasa doon." sumubo ng cake si Dianne at tumingin sakin. Pagkalunok nya ng Cake bigla nyang tinutok yung tinidor sa lalamunan ko.

Napalunok ako.

"We were raised by a hired killer couple." tinignan nya ako ng matalim. Kaya pala hindi sila bilib sa gobyerno dahil una pa lang against na sila dito.


"Umiba ba ang tingin mo samin Stephen?" inakbayan ako ni Earl. Pero hindi pa rin nawawala ang ngiti nya.

"Ano nga pala surname mo? Ilang araw ka na naming kasama hindi pa namin alam fullname mo. Kami Gerasol." bakit bigla nyang natanong?

"Sarmiento" I answer flatly.

Nag iba ang ekspresion ng mukha ni Dianne ng marinig ang apilido ko. Ano bang meron?


"Woah? Sarmiento ka?!" napatayo na rin si Earl at napatingin kay Dianne.

"Bakit?" tinignan ko silang dalawa. Ano trip nila?

"Kuya yung Diary pakiabot." nagmadaling kinuha ni Earl ang isang plain na notebook mula sa camping bag nya.

The pages of the notebook are tea brown.

"Are you related to Kaito Melvin Sarmiento?" seryoso ang boses ni Dianne ng magtanong sya.


Si Lolo yun ah? bakit kilala nila si lolo? Sasagot ba ko ng ou? Pano kung, tsk pera. Siguro gusto nila ang pera ng kompanya. Pero sa panahong toh hindi na mahalaga yun.


"Hahahahahahaha" napatingin kaming dalawa ni Dianne kay Earl. Why is he laughing?


"Why are we acting that we dont really know this guy?" sinamaan sya ng tingin ni Dianne. Naguguluhan na ko sa kanila.


"Your spoiling the show." napailing iling na lang si Dianne. At tumingin sakin.

"Sa totoo lang, kilala ka talaga namin. Your an elite student right? CEO of Sarmiento Corp. in a very young age. Target to be eliminate." huh? eliminate?

Pinagpapawisan na ko dahil sa dalawang toh. Are they paid to eliminate me?

Nakatingin lang sila sakin and that stares giving me creeps.


"Hey bro, were just messing around. Hindi ka namin papatayin noh. Kaya relax ka lang dyan. Interesado kami sayo hindi dahil sa pera ng pamilya nyo kung iyon ang iniisip mo. Si Kaito kasi na lolo mo ay kaibigan ang lolo namin na Si Miles." nakahinga ako ng maluwag sa sinabi ni Earl. Pero totoo? magkaibigan ang mga lolo namin before?


"This diary was owned by lolo Miles. Andito lahat ng details sa pakikipag laban nila sa mga zombies isang dekada na ang nakakaraan." inabot sakin ni Dianne ang lumang notebook na pagmamay ari daw ng lolo nila.

"Gusto sana naming makilala yung mga apo din ng iba pa nilang kaibigan. Lalo na yung apo ni Bryan. Lagi kasi syang binabanggit ni lolo sa diary." I scan the Diary at nagulat ako sa mga nakita. Yung surnames ng mga kaibigan ni lolo. I know I saw it before.


Manalili

Munguerza


Olano


Bigla kaming nakarinig ng malaking ungol mula sa labas. At sa hindi kalayuan. Isang higanteng zombie ang pagala gala. Siguro 6'5 yung laki nya at ang lapag ng katawan. Mukha syang higanteng sumo wrestler.


"Ano yan? Lokohan? pano nagkaroon ng ganyang kalaking zombie?"

------+++++++-----

A/n: Vote and comment for fast UD.

Last Breath: Zombie Rises IITahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon