Prologue
-10 years after the outbreak
Nasanay na ang lahat ng tao na mabuhay kasama ang mga zombies.
Parang normal na lang ang makakita ng mga ito.
Tinulungan ng ibang bansa ang Pilipinas para kahit papaano ay makabangon sa trahedyang naganap sampung taon na ang nakalipas.
Binakuran nila at nilagyan ng napaka taas na pader ang buong Maynila para maihiwalay ito sa ibang lugar na puno ng infected na tao.
Tinawag na Central City ang buong Maynila, naging normal ang pamumuhay ng mga survivors doon. Habang sa labas ng matataas na pader ay kakaibang tanawin. Magulo at napaka delikadong lugar ang matatanaw.
Halos lahat ng bansa sa buong mundo ay ganun ang ginawa. Nagpatayo ng matataas na pader para kahit papaano ay magkaroon ng ligtas na lugar malayo sa mga halimaw na kumakain ng tao.
Habang hindi pa nahahanap ang gamot sa sakit na halos lumipon ng sangkatauhan.
7 years old ako nung magsimula ang outbreak. Kahit na napakabata ko pa noon. Hindi mawala wala sa utak ko ang kahindik hindik na naganap noon.
At ngayon, nagkaroon na rin kami ng pamilya ko ng normal na pamumuhay kahit papaano.
Ngayong school year nagbukas na ulit ang Blue Pegasus Academy. Isang paaralan para sa mga Elite pero ngayon ay naging semi private school na lang. Eskwelahan ng nakakatandang kapatid ko dati bago sya mamatay sa loob ng paaralang iyon.
At ngayon magtatransfer ako sa eskwelahan na ito para makita ang huling lugar kung saan nakitang buhay ang kapatid ko.
At dito mag uumpisa ang kwento ng buhay ko. Ang adventure ko sa loob ng paaralang iyon.
Blue Pegasus Academy....
Ano nga bang meron ang eskwelahan na ito?
Bakit parang may nararamdaman akong iba dito?
I will find it out soon.
Wait for me, BPA.
-----------
A/n: Malapit ng magbukas ang Blue Pegasus Academy. Welcome sa lahat ng bagong estudyante!
Btw please, tulungan nyo naman ako gumawa ng book cover oh. Hindi pa ko makakapag start ng story kapag wala pang book cover. Kaya please helllpp me. Huhuhu.
BINABASA MO ANG
Last Breath: Zombie Rises II
МистикаThe new generation of zombie survivors. Can they manage to survive from the outbreak? or will they be one of the Flesh eaters.