Prince's POV
Muli na naman kaming napadapa mabuti na lang at nahila pababa ni Stephen si Janica. Pagkatapos nya kasing kawayan yung tao doon sa labas pinaulanan ba naman kami ng bala?
"His insane!!! My ghad!" ani ni Janica habang hawak hawak pa ang dibdib nya.
"Let's get back to the helicopter mas safe pa tayo doon eh" Sabi ni Josh.
"Kung gusto mo palang maging safe edi sana hindi ka na lang sumama dito" saad ko kay Josh. Ano pa't pumunta kami dito kung gusto lang naman naming maging safe all the time.
"Enough of that. Hindi na tayo pwedeng bumalik sa helicopter, we need to get going" -Jeanne.
"Let's try that direction" turo ni Stephen doon sa kaliwang parte ng mabahong lugar na toh. Kainis bakit ba feeling ko sya ang leader ng grupo na toh? bwisit.
"Chillax lang Prince, mas kailangan nating magtulungan ngayon." Kirk pat my shoulder.
Nagkibit balikat na lang ako at sumunod sa kanila. Malaki din tong lugar na toh, nawala na din ang ingay sa labas. Siguro nakain na yung taong yun, buti nga sa kanya.
"Kuya Prince ano yun?" napatingin ako sa tinuro ni Alonzo.
"Sh*t!"
"Ano yun Prince may problema ba?" tanong sakin ni Jeanne.
"May zombing baboy!" turo ko doon sa karne ng baboy na gumagalaw.
"Weh? meron?" napatakbo na papalapit sakin si Josh at Kirk.
"Sh*t ou nga!" dagdag pa ni Kirk. Napatigil kami saming kinatatayuan habang pinapanuod yung zombing baboy sa second floor ng building na toh.
Mayamaya dahan dahan itong tumayo.
"Who the hell are you people?!" isang batang babae na mukhang 14 years old ang bumulaga samin. Nakapatong sa ulo nya ang ulo ng baboy. Para syang nagcostume ng totoong pig skin. Kadiri.
"Ui who the hell daw oh?" sarcastic na tanong ni Kirk samin.
"Baliw pala mga tao dito eh. Kailan pa ginawang costume ang pig skin? ewww." maarteng reklamo ni Janica.
"Kausapin na lang natin sya instead na problemahin natin ang itsura nya" lumapit si Jeanne doon sa weird na babae.
"Are you aliens? What kind of language you used?" seryosong tanong nya samin. Tss mga banyaga nga naman. Mukha ba kaming alien? sa gwapo kong toh?
"Were Asians, Filipinos" sagot sa kanya ni Jeanne.
"Filipinos? yuck your from that slave country ah? How pathetic" aba sumosobra na toh ah. Sya nga mukhang tanga sa suot nya eh.
"Maka pathetic naman toh. Hoy! Miss Piggy or what ever you are. Your more pathetic on how you look than us" inis na sagot ni Janica. Napatingin naman sa sarili nya yung babae.
"Morons, this is a disguise to lure that f*cking flesh eaters outside you know." nagpameywang pa yung babae samin. Nakakapikon na talaga.
"Am? sorry to interupt you but can you help us find the way where we can find foods? Our little brother was hungry" napakamot pa si Josh sa pisngi nya. Siguro iniisip nya kung tama ba yung grammar nya.
"Am? sure" ano daw? napatingin kaming lahat doon sa babae. Parang namumula pa ito. Anong himala ang naganap? Parang kanina ang taray taray nya pa tapos ngayon para syang maamong tupa.
"What's your name?" nahihiyang tanong nung babae.
"Josh, he is Josh" mabilis na sagot ni Kirk.
"Ahhh? wait for me Josh" biglang umalis yung babae sa kinatatayuan nya. Before we know it andito na sya sa harapan namin.
"I'm Tanya single and ready to mingle" bigla nyang hinila ang kamay ni Josh.
"Eww ang baho" biglang sinamaan ng tingin ni Jeanne si Janica.
"Can you just show us the safest way?" iritang tanong ni Stephen. Na tinaasan naman ng kilay nung Tanya.
"Follow me"
--------
Uvrie's POV
"What the f*ck was that?" tanong ko kila Kurt. Mabuti na lang at nakapasok kami sa isa sa mga malalaking boxes dito pantalan.
"Exploader yun. Jeez muntikan na tayo doon." -Kurt
"So dito muna tayo sa loob?" tanong ni kuya Neil.
"Just for awhile hanggang mawala na yung usok sa labas" muling sagot ni Kurt.
"I hope Dianne is ok" napatingin kami kay Shane. I will never get worried about that girl.
"Guys I think something is wrong?" -Kuya Neil.
"This big box is moving" -Kurt.
This big fish barrel is moving continuesly.
May earthquake ba?
"Kailangan ba nating lumabas?" tanong ni Shane.
"Its too risky, dito muna- Waahhhh" biglang natumba si Kurt dahil parang may kumalabog doon sa bandang likod nya.
"Ang sakit ah. Bwisit ano ba kasing meron sa labas?" iritableng tanong ni Kurt.
"Sige lalabasin ko. Just stay here"
"Sasama ako Uvrie" nilingon ko si Shane. "No, kaya ko na toh" wala naman syang nagawa kaya tumahimik na lang sya.
"Ingat ka kuya Uvrie ah" tinanguan ko na lang si Kurt. Lumapit na ko doon sa lid ng fish barrel na kinalalagyan namin. Iaunhook ko na sana yung lock ng kinalalagyan namin ng makarinig ako ng ingay mula sa labas.
--------++++--------
A/n: Vote and Comment for fast UD
BINABASA MO ANG
Last Breath: Zombie Rises II
Siêu nhiênThe new generation of zombie survivors. Can they manage to survive from the outbreak? or will they be one of the Flesh eaters.
