Outbreak 5

1.7K 65 5
                                        

Shane's POV


Dahan dahang binuksan ni Uvrie yung lid ng kinalalagyan namin ngayon.

Lumabas sya pero tanaw pa rin namin ang imahe nya. Nang masigurado na safe ang piligid ay lumingon sya samin at mukhang babalik na sana sa loob ng biglang nawala sya sa paningin namin.

"Kuya Uvrie!!!" tawag ni Kurt, napatakbo na kami sa labas. Medyo nasilaw kami sa liwanag na dala ng araw.


Maya maya hinila ako ni kuya Neil.

"Muntikan ka na nun ah."  sabat nya ng maka adjust na ang mata ko sa liwanag doon tumambad sa harap namin ang isang malaking zombie na kinatagorize ni Kurt na giants.


Pero ang tanong nasan si Uvrie?

"Umalis na tayo dito" nanginginig ang boses ni Kurt.


Dahan dahang lumapit samin yung malaking zombie. Maugat ang katawan nya na para bang puputok na yun.

"Nasan si Uvrie?" tanong ko sa dalawa. Doon umikot ang mga paningin namin sa paligid. At sa hindi kalayuan nakahandusay ang katawan nya.

"Rrrraaawwwrrr!!!" ungol ng higanteng zombie sa harap namin. Agad nagpaputok si Kuya Neil habang pinuntahan ko naman si Uvrie.


Wala naman syang kalmot o kagat puro galos lang ang tinamo nya. Nawalan rin sya ng malay.


"Kurt tulungan mo ko dali" inalalayan namin si Uvrie.Wala kaming sasakyan kaya kailangan naming maglakad. Pero paano kung maabutan kami ng mga halimaw na yan.


"Rrrraaawwrrr!!!" muling ungol nung halimaw mukhang nagagalit na sya.


"Bumalik na muna tayo sa yate" suwestyon ni Kurt. Wala na kaming ibang choice kundi yun ang gawin.


Pero malayo na kami sa yate.

Wala na bang ibang paraan?


"Kuya Neil tara na!!!" tawag ni Kurt kay Kuya Neil sumunod naman agad ito samin habang pinapaputukan yung higanteng zombie.

"Paano ba papatayin ang isang toh?" -Kuya Neil


"Sa ulo lang. Tulad ng ibang zombies kaso mahihirapan kang puntiryahin yun dahil napaka laki nya" sagot ni Kurt.


"Rrraaawwrrr!!!" nakasunod na samin yung halimaw.

"Takbo lang ng takbo!!" tsk pano ba toh? Uvrie gumising ka na.


"Doon sa building na yun! Pumasok tayo doon!" suwestyon ni Kurt.

Dali dali naman kaming pumasok sa lugar na yun. Siguro ito ang lugar kung saan nagsstay ang mga marino o sino mang nagtatrabaho dito sa Port.

"Tsk nakasunod pa rin sya" sabi ni kuya Neil habang pinapaputukan yung halimaw na nakasunod samin.

"Tara na dalian natin-" bigla kaming nagulat ni Kurt ng buksan namin abg isang pinto doon.

Last Breath: Zombie Rises IITahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon