Annie's POV
"Nasaan na kaya yung si Janica?" nagtanong tanong ako sa mga kasama namin sa evacuation site na ito. Pero hindi daw nila napansin ang hinahanap ko.
"Ate! ate! Hinahanap mo po yung magandang babae diba? Yung mukhang koreana." nilapitan ako ng isang batang lalaki. Umupo ako para kausapin sya.
"Ou eh. San mo sya nakita?" nginitian ko sya at hinawakan ang ulo.
"Kasama po sya ng kuya ko. Tara po." bigla nyang hinila ang kamay ko at tumakbo. Kuya daw? naku ahhh.
Dinala ako nung bata sa kabilang side ng school kung saan naroon ang hardin. Nakita ko si Janica doon na nakaupo at may kasama nga lalaki.
"Ate! Yung kaibigan mo hinahanap ka na!" nagulat pa silang dalawa at napatingin sakin.
"Ohh? Annie. Bakit?" binigyan ko lang si Janica ng sino yan look. With matching nguso pa. Kaya napatingin sya doon sa lalaki.
"Aahhh? Si Roppie nga pala kaibigan ko. Taga South West High sya. Varsity din." napatango tango na lang ako. Kung varsity din sya malamang nagkakilala sila ni Janica sa taunang sports feast.
"Hi I'm Annie." nginitian nya lang ako.
"Bakit mo pala ako hinahanap?" tanong ni Janica.
"Aiii ou nga pala. Kung gusto mo daw sumama tatawagan namin yung telepono kina Josh. Baka nandun na sina Kirk." Napatayo na si Janica at nagpagpag ng jeans nya.
"Sige, am? Roppie kita na lang tayo around." hinawakan na ko ni Janica at hinila. Nagwave lang si Roppie samin.
"Crush mo?" napahinto bigla si Janica sa paglalakad nya at humarap sakin.
"Anong pinagsasasabi mo?" nakakunot na ang noo nya ngayon katakot.
"Wala lang? " mukhang nasobrahan ako doon sa crush crush thingy na yan dahil kay Jeanne.
"Halika na nga.!!" muli na nya akong hinila.
Pagdating namin sa tent namin. Nakatayo roon yung dalawa at mukhang hinihintay kami. May sinasabi si Jeanne kay Josh. At si Josh naman tatangotango lang pero halata sa mukha nya ang pamumula.
"Hoy! Ano na naman ba yan?!" gulat sa kanila ni Janica pero hindi naman nya yun intensyon. Hay naku basta ganun.
"Huh? Wala ah. Hindi ka crush ni Josh. Hindi tala-" napanganga na lang si Josh sa sinabi ni Jeanne. Napatigil din sya sa sasabihin ng marealiaze nya ang sinabi. Napaface palm na lang ako. Habang si Janica kumunot lang ang noo.
"Are you in drugs?" - Janica.
"Yes."- Jeanne
"Seriously?" nanlaki na ang mata ni Janica.
"I mean no. Yes, no. Hehehe" -,-" ang gulo ni Jeanne.
"Guys tara na? Baka hinihintay na nila Prince ang tawag natin." pasimpleng nauna si Josh na pasipol sipol pa. Hahaha nakakatawa sila.
--------
Prince's POV
"Nasaan sila?" yun agad ang tanong namin ni Kirk pagka uwi ng bahay. Medyo gulo ang mga gamit sa sala. Parang pinwersa ding buksan ang pinto.
"Sh*t! Wag naman sana." pano kung pinasok na sila ng mga zombies dito?
"Theirs no blood. Diba good sign yun?" tanong ni Kirk. Inilagay na namin sa sahig lahat ng mga supplies na nakuha namin mula sa grocery.
"Sana nga." nagpahinga muna kami sa sofa at napatingin sa kisame. Nasan na ba yung mga yun?
"Kirk! andyan ka ba?!!" napabalikwas ng tayo si Kirk at dali daling pumunta ng pinto. Pagbukas nya nun, isang lalaking puno ng lupa ang bumungad sa kanya.
" kuya? Anong nangyari?" agad inalalayan ni Kirk ang kapatid at sinara ang pinto ng bahay.
May hawak hawak syang pala. Inupo ni Kirk ang kapatid nya sa sofa. Sorry Josh mukhang madudumihan ang sofa nyo.
"Nasan sila Mama?" nakayuko lang yung kuya nya at nagsimula ng umiyak.
"They passed away" nanlaki ang mata ni Kirk. Hinawakan ko sya sa balikat. Alam ko ang nararamdaman nya ngayon.
"Kuya? Kala ko ba poprotektahan mo sila?" hinawakan ni Kirk ang kuya nya sa kwelyo.
"Sinubukan ko Kirk. Pero masyado silang marami. " lalong bumuhos ang luha ng kuya ni Kirk.
Napaupo na lang sa sahig si Kirk habang umiiyak na parang bata.
"Kirk, masakit din sakin yun. Hindi lang ikaw ang anak dito. Muntikan akong mabaliw kanina habang nililibing ko sila. Ako mismo ang pumatay sa kanila para hindi sila matulad sa mga halimaw na yun. Sorry kung masyado akong mahina para protektahan sila." niyakap na ng kuya nya ang umiiyak na kapatid. Ang saklap lang ng nangyari sa pamilya nila.
Pero hindi lang naman sila ang nakakaranas ng ganito sa panahon ngayon.
"Sorry kuya" nagyakapan na ang magkapatid. Napangiti na lang ako. Mukhang naiintindihan na ni Kirk ang sitwasyong kinalalagyan namin ngayon.
Biglang nagring ang telepono kaya sinagot ko yun. Boses agad ni Josh ang narinig ko.
"Hello? Kirk? Prince? si Josh toh. Hello? walang nagsasalita eh."- Josh
"Pero naka incall?" - Jeanne.
Napangiti ako ng marinig ang boses ni Jeanne. I'm glad that they are safe.
"Hoy! Josh! si Prince toh. Asan kayo?"
"Aray naman Prince. Wag kang sumigaw. Kanina hindi ka nagsasalita dyan tapos naninigaw ka. Andito kami sa isang evacuation site. Pinalikas kami ng mga sundalo eh." paliwanag nya.
"Ayos lang ba kayo dyan? Paka usap naman kay Jeanne" narinig kong ibinigay ni Josh ang telepono kay Jeanne.
"Oh? Prince. Are you safe? Dont worry ayos lang kaming apat dito. " Thanks God.
"Ayos lang din kami ni Kirk. Andito yung kuya nya sa bahay." nilingon ko sina Kirk. Tinanong nya kung sina Josh tong kausap ko kaya nag approve sign ako.
"About pala sa parents ni Kirk. Alam na ba nya?" mahahalata mo sa boses ni Jeanne ang pag aalala.
" yup he knows." ilang saglit na tumahimik kami hanggang magsalita ulit sya.
"Kinukuha na nung sundalo yung telepono. Puntahan nyo na lang kami dito sa Fukagi Elementary school. Hindi kalayuan sa BPA. sige bye Prince. Keep safe." at tuluyan na ngang naputol ang linya.
"We are going to Fukagi Elementary school"
-----++++++-----
A/n: Vote and comment mga kwis para mapabilis ang UD.
BINABASA MO ANG
Last Breath: Zombie Rises II
ParanormalThe new generation of zombie survivors. Can they manage to survive from the outbreak? or will they be one of the Flesh eaters.
