Outbreak 4

1.6K 62 4
                                        

Janica's POV

"Mapagkakatiwalaan ba natin yang stinky pig girl na yan?" bulong ko kay Jeanne. Nakalabas na kami sa slaughter house at ngayon ay tinatahak ang masisikip na iskinita ng lugar na toh.


"Wala tayong ibang choice hindi naman tayo taga dito." inisnaban ko na lang si Jeanne. So far naman wala pa kaming nasasalubong na zombies. Pero kanina talaga doon sa labas ng mabahong lugar na yun ang dami eh. Sayang pa naman yung guy kanina gwapo eh. Kaso pinaulanan kami ng bala eh. bwisit. Besides my Stephen na ko ayyiiee.

"Hoy! anong nginingiti ngiti mo dyan?" siniko ako ni Kirk tapos nakangisi pa ang loko.

"Wala ka ng pake doon tss" inisnaban ko sya at finlip ang buhok ko.


"Tama muna ang daldalan may zombies oh" nilagay ni Prince ang daliri nya sa mga labi nya sign na manahimik kami.


Napatingin ako sa harapan, may horde ng zombies na pagala gala.


Sumenyas yung babaeng nakasuot ng pig skin na sundan namin sya. So sumunod naman kami sa kanya.


Ang baho talaga ng babaeng toh. Kadiri.


"When I said run, run ok" ano daw? maya maya nagbilang na yung mabahong babae tapos biglang.

"Wwaaaahhh sandali!" ang sama lang mang iwan ba naman. Para lang kaming mga elementary student na hinabol ng aso, kanya kanyang takbo eh.

"Rrraaawwwrrrr!!!" lumingon ako sa likuran ko humahabol na samin yung mga zombies.

At grabe ako pa ang nasa hulihan walang pakundangan.


"Tara na nga, lingon pa ng lingon eh" hinawakan ni Kirk yung kamay ko. Ewan ko ba pero parang nakaramdam ako ng kuryente.


"Sh*t dumadami na sila" narinig kong sabi ni Stephen. Paglinga linga ko medyo dumadami na nga sila.


"Enough of running lets face them" pabidang sabat ni Prince. Inangat pa nya yung bakal na tubo na hawak hawak nya.

"Prince is right" napatingin kaming lahat kay Stephen.


"Tama ako? ahhh ehhh ou nga tama ako hahaha" napaface palm na lang ako sa inasal ni Prince.

"Tara laban na!" sigaw ni Jeanne kunyari wala na lang kaming narinig mula kay Prince. Bumuo kami ng bilog sa gitna ng bilog na yun ay si Alonzo at yung babaeng mabaho.


Pumwesto si Jeanne sa likurang parte ng bilog habang nasa unahan naman si Stephen.

"RRRAAAAWWWRRR!!!" iwinasiwas ni Jeanne yung grim reaper ni Earl. Limang ulo agad ng zombies ang lumipad sa ere.

Grabe ilang beses ko na ring napapanuod si Jeanne na nag eensayo sa grim reaper na yan tuwing natutulog ang lahat  pero mas astig pala kapag nasa aksyon na.

*Flashback*


"Hayst. Bakit ba ang init sa Pilipinas kahit gabi na" Napansin kong wala si Jeanne sa higaan kaya antok na antok akong bumaba sa kusina para kumuha ng tubig. at icheck kung nasa baba sya.

Last Breath: Zombie Rises IIMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon