A/n: Mga kwis sorry kung medyo maikli yung chapter 1 natin. Ganito kasi kwento nyan, nag aupdate ako ng Zombie 1 tapos bigla akong inutusan ni ate bumili ng merienda. Kaya yun pagbalik ko nawala na lahat ng tumatakbo sa utak ko hahaha. Ito po yung kaduktong ng chapter 1 .
Enjoy reading.Stephen's POV
"Kuya hindi Movie yan. Balita yan from States. May zombie outbreak na doon."What? Napatitig ako sa tv screen. Is this for real?
"Ang galing noh. Magkakatotoo na yung mga kwento ni Lolo Melvin satin." pumapalakpak pa yung loko kaya binatukan ko.
"G*go!!! Ang saya mo pa dyan. Kita mo na ngang nagkaka outbreak na." kinuha ko yung remote at inilipat yung channel sa local news.
"Under critical stage na po ang America. Sa mga oras pong ito ay ginagawan na ng paraan ng kanilang gobyerno ang pagkalat ng sakit. Pinapaalam ng World Health Organization na umiwas sa taong infected ng virus. Dahil kasalukuyang pinag aaralan pa ito at hinahanapan ng gamot. Pinapaalalahanan ang buong Pilipinas na mag ingat at kumalma dahil ginagawa na ng Malancañang ang lahat para hindi makapasok ang naturang sakit sa bansa. Mag babalik ang News flash to go para sa dagdag impormasyon ayon sa epidemya." Literal akong napanganga sa napanuod ko. Totoo nga? Walang halong biro. May zombie outbreak talaga?
Nanginginig yung kamay ko habang hawak hawak yung remote.
"Kuya ayos ka lang?" napatingin ako kay Ced. Loko toh parang natutuwa pa sa mga nangyayari.
"Kuya Stephen, calm down. Sabi nga sa news gagawin ng Malacañang ang lahat para hindi makapasok ang virus dito sa Pilipinas."
"Sana lang. Alam mo naman ang gobyerno natin."
sagot ko sa kanya.
----------
Many days had past. At normal na mga araw pa rin naman ang lumilipas.
Monday ngayon at nasa school ako at nag aaral.
Wala yung teachers namin dahil may Faculty meeting sila. Kaya ang ingay ng room namin dahil lahat sila nagdadaldalan.
Syempre hot topic yung zombie outbreak ngayon sa School. Halos buong Campus yan ang pinag uusapan.
Pano daw kung makapasok yung virus dito sa Pilipinas?
Ano ang gagawin mo?
Nangalumbaba ako at tumingin sa labas ng bintana. Tanaw ko ang kabuuhan ng school mula roon.
Sabi sa news medyo malala na daw ang America ngayon.At pasalamat na lang tayo dahil nakahiwalay ang Pilipinas sa ibang bansa. Kaya ayun maraming tao from states ang lumikas papuntang Pilipinas.
Nakatutok naman 24/7 ang gobyerno sa mga paliparan kung sakaling may mga pasaherong infected ng virus.
"Stephen, ano gagawin mo pag nagkaroon na ng outbreak dito sa Pilipinas?" umupo sa table ko si Jeanne. She's my crush since Elementary. Kaso bestfriend ko sya kaya hindi pwede. Besides may boyfriend yung tao.
"Pati ba naman ikaw? Tsk tsk" hindi ko sya nilingon at patuloy lang akong nakatingin sa labas.
"Ang snob mo talaga hahaha!!!" bigla nyang ginulo yung buhok ko at tawa ng tawa. Sya lang yung nakakagawa nyan sakin. Tulad nga ng sabi nya SNOB ako kaya walang gustong lumapit sakin.
At wala naman akong pakielam kasi hindi ko sila pinagkakatiwalaan.
Alam ko yung mga galaw ng bituka ng mga yan. Kakaibiganin ka lang kasi may makukuha sila sayo.
Kung hindi dahil gwapo/maganda ka, mayaman, sikat o kaya matalino.
Kunyari kaibigan ka pero hindi mo alam sinisiraan ka nyan patalikod.
At iba doon si Jeanne. Kahit snob ako kinaibigan nya pa rin ako. Natatandaan ko nga nung nasa Elementary pa kami maraming bata ng gustong makipag kaibigan sakin pero sya lang yung lumapit at nakipagkilala.
Actions speak louder than words ika nga nila.
And from that day. I admired her for being so brave.
"Hoy!!! Step!!! Wala ka na naman sa wisyo mo!!!" inalog alog nya pa ko.
"Ano ba!!! Tsss. doon ka na nga sa upuan mo."
"Pikunin ka talaga hahaha. Sige na nga at baka maistorbo ko pa yang pagdeday dream mo." ginulo nya ulit yung buhok ko bago umalis. Yung babaeng yun talaga hindi ba nya alam na ilang oras ang ginugol ko sa salamin maayos lang tong buhok ko.
Kinuha ko yung cellphone ko sa bag at ginamit itong salamin para makita ko ang mukha ko.
-____-"
Amp*ta.
Mukha akong narape sa itsura ko.
Inayos ayos ko yung buhok ko. Nang biglang mapatigil lahat kami sa aming ginagawa.
Tumunog yung speaker na ginagamit ng school kapag nag aanounce ng bagay bagay.
"Students be calm and evacute the school premises. Again stay calm- " napahinto yung nag aannounce at nakarinig kami ng pagkabasag.
"Wag kang lalapit!!!!! Tulong!!! tulong!!!!! Aaaaaaahhhhhhhhh!!!!!" napatahimik kaming lahat hanggang nawala na yung ingay mula sa speaker.
Tulala ang lahat.
Walang makapag salita.
Hanggang......
"AAAAAAHHHHHHHHHHHHHH" nagtakbuhan palabas lahat ng mga kaklase ko. Nag uunahan, nagpapanic, nagkaka apakan na. Lahat gustong makalabas ng school. Lahat gustong makaligtas.
Napatingin ako sa labas ng bintana. Nagkakagulo na rin sa may school ground. Pati sa ibang building ganun na din.
Bigla akong nagulat ng may humawak sa braso ko.
"Ano ba Step?!!! Magpapakamatay ka na ba? tara na!!!" Nakita ko si Jeanne na may hawak na walis tambo. Magwawalis pa ba sya sa oras na ganito?
"Si Cedric., puntahan natin yung kapatid ko." naalala ko si Ced. Sana ayos lang yung kapatid ko.
"Sige pero kumalma ka muna. Hindi makakatulong kung magpapanic ka dyan." huminga ako ng malalim. Tama si Jeanne,.
Kami na lang pala ang nandito sa room. Pero sa labas kitang kita namin ang pagragasa ng mga estudyanteng nagmamadaling makalabas.
"We need to find a safe route. Hindi tayo pwedeng makisabay sa mga nagpapanic na yan." bigla nyang hinila yung kamay ko.
Nakaramdam ako ng kuryente na dumaloy sa katawan ko.
Paglabas namin ng kwarto, nakakahindik balahibo ang tumambad samin.
Yung hallway punong puno ng dugo at mga zombies na kumakain ng tao.
Mga zombies na nakasuot ng uniform na tulad ng suot namin ni Jeanne.
Mga schoolmates ko. Mga Zombies na.
--------+++++++++------
A/n: Finally nakapag UD na din haha. Vote and comment mga kwis.
Jeanne Lucero- paki search na lang sa fb.
BINABASA MO ANG
Last Breath: Zombie Rises II
ParanormalThe new generation of zombie survivors. Can they manage to survive from the outbreak? or will they be one of the Flesh eaters.