Stephen's POV
Ewan ko ba pero parang ang weird ng paligid ko ngayon. Hindi dahil sa mga zombies sa paligid kundi sa dalawang babaeng kasama ko.
"Stephen? sino ba yung hinahanap natin?" naka yakap si Janica sa braso ko. Habang si Dianne ay nauuna na samin.
"Am? Arjane ang pangalan nya. Kasama sya sa grupo namin." napatango tango na lang si Janica .
"Nasan na ba kasi ang babaeng yun. tsk" ewan ko ba pero mukhang badtrip na tong si Dianne. Lahat ba naman ng zombies na masalubong namin kung hindi nya ginigilitan ng leeg ay tinatadtad nya sa ulo ng kutsilyo.
"Stephen? ang weird nya noh?" biglang lumingon si Dianne samin. Mukhang narinig nya yata si Janica.
Tinaasan nya lang kami ng kilay at naglakad ng muli.
Ano ba naman toh. -____-"
"Hoy babae, kung ayaw nyong mamatay dyan pareho. Tigil tigilan nyo yang paglalandi nyo. " tumaas na rin ang kilay ni Janica sa sinabi ni Dianne. May point nga din naman sya, hindi ako masyadong makakakilos kung naka angkla ang braso ni Janica sakin.
"Ang kapal naman ng mukha mong sabihan kami na naglalandi!!!" humiwalay na sakin si Janica at hinarap si Dianne. Patay gulo toh.
"So anong tawag nyo sa ginagawa nyong dalawa? " nagcross arm na si Dianne at tinaasan si Janica ng kilay. Ito namang si Janica hindi rin papatalo.
"Inggit ka lang. Palibhasa wala kang lovelife." ano daw? Kami bang dalawa ang tinutukoy ni Janica doon?
"Tsk, I dont need one" tinalikuran sya ni Dianne. Tapos bigla na lang hinila ni Janica yung buhok ni Dianne.
"Wag mo kong tinatalikuran! Kinakausap pa kita!" -Janica
"Let go of my hair you bitch!!" nagsimula na silang magsabunutan sa harap ko.
Ano bang dapat kong gawin? Hindi ako sanay na may dalawang babae na nag aaway sa harapan ko.
"Ikaw ang bitch!!!"
"Ikaw kaya!! Slut!!"
"Hey tama na yan!!!" aawatin ko na sana sila ng bigla akong masuntok ni Dianne. Ang sakit.
"Wag kang makisali dito!" ano bang gagawin ko?
Naglalapitan na samin yung mga zombies.
"Hey! tumigil na kayo sa pag aaway." biglang may sumipa sakin sa tiyan. Kaya napaupo ako sa sahig. I really can't handle girls.
*Booommm!!* napatigil lang silang dalawa sa pagsasabunutan ng may bigla na namang sumabog.
"Tara na!!!" biglang tumakbo si Dianne sa kinaroroonan ng pagsabog. Gulo gulo pa yung buhok nya.
"Hoy Stephen tara na!" hinila na ko ni Janica.
--------
Jeanne's POV
"Anong nangyari-" inangat ko ang ulo ko mula sa sahig. Wasak wasak ang buong paligid. Naramdaman kong may likido na tumulo mula sa ulo ko.
Hinawakan ko ito at laking gulat ko ng makitang dugo ito. Sinubukan kong makatayo at nagawa ko naman. Medyo hilo hilo pa kong naglakad lakad. Nasaan na ang iba?
BINABASA MO ANG
Last Breath: Zombie Rises II
ParanormalThe new generation of zombie survivors. Can they manage to survive from the outbreak? or will they be one of the Flesh eaters.