Janica's POV
Naglalakad lang kami sa kahabaan ng gubat sa likod ng Academy. Hindi ko naisip na ganito pala ang likod ng school na pinapasukan ko. Tinignan ko si Stephen na naglalakad sa unahan ko. Kawawa naman sya, alam ko kung gano nya kamahal si Cedric. Sya na lang ang nag iisang pamilya ni Stephen, pero ngayon kinuha pa si Ced sa kanya.
"Stephen pano mo nabuksan yung locked kanina gamit lang yung hairclip? May pagka, alam mo na. Akyat bahay?" biro ni Prince. Inakbayan nya pa si Stephen.
"A lock is like a puzzle." tinanggal nya yung pagkaka akbay ni Prince at nauna ng maglakad.
Puzzle ah? Hmmmm. Ou nga pala. Stephen is good at solving puzzles.
"Janica right? Hi I'm Kirk Lance Olano" inabot sakin ni Kirk yung kamay nya. Sa totoo lang, kilala ko sya. Sino bang hindi makakakilala sa kanya? He is an archery super star. At alam ko namang kilala nya rin ako dahil varsity player din ako tulad nya.
Tinanggap ko yung kamay nya pero ngiti lang ang binigay ko. Mukhang nakuha naman nya na ayokong magsalita kaya nginitian na rin nya ako inreturn at lumapit doon sa babaeng kasama nya kanina.
Tahimik lang kaming lahat dahil baka maka attract pa kami ng mga zombies ng biglang kumulog. What a bad day.
Sumilong kami sa malaking puno ng mangga. Bahagyang nabasa ang mga damit namin dahil sa ulan.
"Badtrip naman oh? hayst." reklamo ng babaerong si Prince. Na kahit kailan talaga ay pinaka kinaiinisan kong tao sa BPA.
"Malayo pa ba yung bahay nyo Josh?" tanong ni Jeanne.
"Ewan ko lang? Hindi pa kasi ako dumaan dito pauwi." napakamot na lang si Josh sa basa nyang buhok. So mukhang naliligaw kami ganun? Ang malas talaga oh.
"Saan ka ba nakatira?" kalmadong tanong ni Stephen.
"Sa sunshine road"
"Malapit nga lang yun sa front gate ng school. So kung nasa likod tayo? hmmm? Dito ang daan paikot." sabay turo ng direksyon.
"Sigurado ka ba dyan? Baka mapahamak tayo ah." tanong ni Prince.
"Edi wag kayong maniwala sakin kung may doubt kayo." bakit ang kalma kalma lang ni Stephen ngayon.
"Mas ayos na siguro yun kesa naman hindi natin alam kung san ba talaga tayo pupunta diba?" may point si Kirk tsaka kilala ko si Stephen alam ko ang ginagawa.
Nakapag decide na din ang lahat na tahakin yung direksyon na tinuro ni Stephen kahit ang lakas ng ulan. Sabi kasi ni Stephen sensitive sa ingay ang mga zombies so magiging advantage namin ang ulan laban sa mga halimaw na yun. The noise of the rain will cover us from the walkers.
Medyo lumalamig na din ang ihip ng hangin at basang basa na kami. Nakita kong inakbayan ni Prince si Jeanne. Hindi talaga ako makapaniwala na nakipag relasyon si Jeanne sa cassanova na yan.
"Nakikita ko na yung kalsada!" dali daling tumakbo si Josh na agad naman naming sinundan. Pero bago pa man makalayo si Josh samin hinila na sya ni Kirk.
"Shhh" napatingin kami sa kalsada, maraming zombies ang naglalakad ng walang direksyon doon. May mga kumakain at mayroon ding gumagapang pa.
Walang gustong magsalita samin. Hindi na kasi ganun ka lakas ang ulan. Nag uungulan ng parang hayop ang mga halimaw na nagkalat sa kahabaan ng kalsada. Tila lahat ay nag iisip ng plano kung paano namin iyon malalagpasan.
"We dont have enough choice, we need to fight. San ba yung bahay nyo dito?" mahinang tanong ni Prince kay Josh.
"Medyo malayo pa dito. Kailangan nating umikot diba?" napa ismid na lang si Prince sa sagot ni Josh. Kung medyo malayo pa hindi kami pwedeng kumilos na lang ng basta basta.
"Kailangan natin ng pwedeng sakyan para mapabilis tayo." Kirk suggested.
"Kaso malamang nasa parking lot ang mga sasakyan natin. Babalik pa tayo ng school." ani ko at hindi yun magandang ideya. Pwedeng mas nagmultiply na ang population ng mga zombies sa BPA.
"Hindi na tayo pwedeng bumalik. Mas mapanganib na doon." sabi nung babaeng may dalang frying pan.
"Hindi rin tayo pwedeng makipag laban ng harapan sa mga zombies na yan. Magigong risky ang planong yun. Pwedeng mapahamak ang iba satin." napahawak si Jeanne sa chin nya at malalim na nag iisip.
"What if?" napatingin kami kay Stephen na mukhang may naisip ng plano.
"Wag ng pasuspense." sagot sa kanya ni Prince.
"What if idistract natin sila." idistract? paano?
"Wait? wag mong sabihin na isa satin ang magdidistract sa kanila tulad ng mga napapanuod natin sa tv na magpapaka bayani para lang makatakas ang iba. " tanong ni Prince kay Stephen na tinanguan naman nya.
"G*go ka ba? magsasacrifice ka ng isa satin." medyo lumakas na yung boses ni Prince kaya agad syang hinawakan ni Jeanne.
"Para sa kaligtasan ng nakakarami" kalmadong sagot ni Stephen. Bigla nya kaming tinalikuran dala dala ang baseball bat nya. What is he thinking?
"Kukunin ko ang atensyon nila. Tumakbo na kayo agad." nanlaki ang mga mata namin sa sinabi nya.
"May iba pang paraan diba? meron pa. Wag yung ganito." sabi ko sa kanila pero hindi sila sumasagot.
"Hindi tayo pwedeng abutan ng gabi dito. Mas mapanganib yun. " Stephen said as he rush towards the street. Hahabulin ko sana sya ng bigla akong hawakan ni Kirk at Prince. So pumapayag sila sa ganito?
Napatingin ako kay Jeanne na naiiyak na.
"Ting! Ting! Ting!" Napatigil ako sa pagpupumiglas ng marinig namin yung kakaibang tunog na yun.
"Oh my ghad" napahawak sa bibig nya yung babaeng kasama namin. Si Stephen nakatayo sya sa isang metal post. Hinahampas nya yun ng baseball bat.
"RRRRRAAAAAWWWWWRRRRR" naglakasan ang ungol ng mga zombies. Nagsimula silang magtakbuhan sa direksyon ni Stephen.
Napatingin kami sa langit. Ewan ko ba pero napangiti ako sa nakita. Mas dumilim ang langit at mas bumuhos ang malakas na ulan.
Naramdaman kong may humawak sa kamay ko at hinila. Naging advantage namin ang ulan para hindi mapansin ng mga zombies ang pagtakbo namin. Pero si Stephen? nilingon ko ang direksyon nya pero mas napaiyak na lang ako sa nakita.
------+++++++------
A/n: Hehehe naku sana magustuhan nyo ang UD na toh. Vote and comment pwis.
BINABASA MO ANG
Last Breath: Zombie Rises II
ParanormalThe new generation of zombie survivors. Can they manage to survive from the outbreak? or will they be one of the Flesh eaters.