Prince's POV
Nang ipasok nila kami ni Uvrie sa itim na pinto, sinalubong kami ng isang babaeng blonde ang buhok na si Anjie. Nakangiti samin sya ng napakatamis pero mas kinabahan ako sa ngiting yun.
"Spin the wheel" utos nya samin. Unang pinaikot yun ni Uvrie at kulay Asul ang nakuha nya.
"Your opponent is a giant" ngayon ko lang napagtanto ang gusto nilang ipagawa samin. Pagsasabungin nila kami sa mga halimaw na yun.
"Hey you brat. Its your turn" tinulak pa ko nung isang lalaki papalapit sa roleta. Sinimulan ko na ring paikutin ito hanggang huminto sa kulay kahel.
"Tsk. Radioactive" napailing si Anjie. Bago pa man ako makapagtanong kung ano ang ibig nyang sabihin ay dinala na kami ni Uvrie papunta sa lugar ng paglalabanan.
Naghihiyawan ang mga tao.., parang bang sabik na sabik mapanuod ang palabas na kanina pa nila inaabangan.
"So ito pala yung game?" napasmirk si Uvrie habang pinagmamasdan ang kakapalan ng mga manunuod.
Josh played this game, ano na kaya ang nangyari sa kanya? Huminto lang ako sa pag mumunimuni ng bumukas ang isang tarangkahan sa hindi kalayuan samin.
Nakaramdam ako ng pagyanig ng lupa mukhang andito na yung giant na kakaharapin namin.
"Rrrrrraaaaawwwwwrrrr!!!!" isang malakas na ungol ang pinakawalan nya samin.
"Be prepared Prince"
"I'm born prepared"
Inilibot ko ang paningin ko sa paligid natanaw ko ang isang mahabang lamesa na may mga sandata. Pero sa tabi nun ay isang zombie na para bang nasunog.
"Prince" tawag sakin ni Uvrie/ Chesther na half brother ko. Tss hindi ako makikipagtulungan sa kanya noh. Hindi ko sya pinansin at agad na lumapit doon sa lamesa.
Nang harangin ako ng malaking zombie, bigla nya akong hinampas ng braso nya pero agad akong nakailag.
"Ano ba Prince!!!? Wag kang magpadalos dalos!!!" naghihiyawan na ang mga tao sa paligid namin.
Sumisigaw ng kung ano ano.
Dumulas ako sa pagitan ng mga hita ng malaking halimaw na toh.
*sliiddeee*
Napatingin ako doon sa sunog na zombie. Hindi sya gumagalaw pero umuungol lang.
"Rrrraaaawwwrrr" ungol lang sya ng ungol na parang may sariling mundo.
Pero ng papalapit na ko sa kanya ay nakaramdam ako ng kakaibang paghapdi ng balat ko.
"Ahhhhhhh!!!!!" napasigaw ako sa sobrang sakit. Para bang nasusunog ang balat ko. Biglang may bagay na humampas sakin kaya lumipad ako sa ere.
Nakita kong tatama ako sa isang solid na pader kaya napapikit ako. Pero mukhang hindi mangyayari yun, may yumakap sakin at para tinulak ako papalayo sa pader na yun. Kung kaya ay sumubsob kami pareho sa sahig.
"WOOOOOAAAAHHHHH!!!!" the crowd continue shouting na mukhang naeexcite na sa mga nagaganap.
"What do you think your doing?" hinihingal hingal pa si Uvrie habang nakatingin sakin.
"Tsk, dont look at me like your my older brother" isang malakas na suntok ang dumapo sa pisngi ko. Sa lakas pumutok pa ang labi ko.
"What the-"
"I'm your brother bastard!" napatahimik ako sa sinabi nya. Galit na galit na kasi ang mukha nito. Tinuturing nya kong kapatid? oh come on.
"Stop acting that your concern or what. Tss" pinunasan ko yung dugo sa labi ko. Maya maya nakaramdam na ko ng pagyanig ng lupa. Lumalapit na pala samin yung malaking halimaw na yun na kung makahampas kala nya langaw lang ako. Takte.
![](https://img.wattpad.com/cover/30529193-288-k93082.jpg)
BINABASA MO ANG
Last Breath: Zombie Rises II
ParanormalThe new generation of zombie survivors. Can they manage to survive from the outbreak? or will they be one of the Flesh eaters.