Prince's POV
Ang bilis ng pangyayari sa isang iglap lang nawalan na ng ulo si Kier.
Napasigaw na si Annie habang nanlumo si Kirk mula sa kinatatayuan nya.
Tsk nanganganib na kami dito. Agad akong lumapit kila Kirk at sinubukan itong hilahin. Kailangan kaming makaalis dito.
"Kirk!!! tara na!!" nakatulala lang sya at nakatingin sa katawan ng kuya nya.
"Prince!!! papalapit na satin yung mga zombies!!" alalang alala na sabi ni Annie. Nilingon ko yung malaking zombie na pumatay kay Kier. Hindi ito gumagalaw na tipong may inaantay.
Pero yung ibang zombies naglalakad na papalapit samin.
"Kirk!!! ano ba!!! halika na!!" hindi nya ko sinagot nakatulala pa rin sya. Hanggang.....
*slap*
"Alam ko masakit para sayo. Ganun din naman samin. Pero hindi ngayon ang tamang oras para tumunganga. Mawawalan ng saysay ang pagkamatay ng kuya mo kung mamamatay din tayo dito! Pakinggan mo naman kami Kirk!!!" turan ni Annie kay Kirk but out of no where biglang nawala sa tabi namin si Annie.
Pag angat ng ulo ko.
"Rrrraaawwwrrr!!!" parang lapis lang ng binali ng isa pang malaking zombie ang katawan ni Annie. Bumuhos samin ang dugo nito na parang shower sa Cr.
"AAAAAAAHHHHHHHH!!!" napaupo si Kirk sa sahig at sigaw ng sigaw habang hawak ang ulo nya. Para na syang nababaliw.
Dalawa sila?
Nilingon ko ang isang zombie na pumatay kay Kier nakatayo lang ito. At sa likod namin ay isa pang zombie na hawak hawak pa ang katawan ni Annie.
"KUYA!!!!" tatakbo sana si Kirk ng hawakan ko ang braso nya. Kinakain na pala ng ibang zombies ang katawan ni Kier. Nakakabaliktad sikmura ang mga nakikita ko ngayon.
Si Kier tapos si Annie? Sino na samin ang susunod?
Nakita kong aabutin na kami nung zombie na pumatay kay Annie kaya agad akong umiwas at buong lakas na hinila si Kirk palabas ng Convinience store na yun.
Nararamdaman ko ang yabag ng malaking zombing humahabol samin. Tulala pa rin si Kirk habang tumutulo ang mga luha nya. Binuksan ko ang pintuan ng kotse at isinakay si Kirk.
"Rrrrrraaaawwwrrr!!!" mabuti na lang mabagal ang higanteng zombi na toh dahil na rin siguro sa laki ng katawan nya. Kung tutuusin ay baka patay na kami ngayon.
Sumakay na ko sa kotse at pinaharurot ito. Nalagasan kami ng dalawang kaibigan dahil sa wala? Wala man lang kaming nakuhang pagkain bullsh*t!!!!
"Tang*na!!!!" sinagasaan ko lahat ng zombing makita ko sa daan. Pinagpapalo ko na rin ang manubela.
I did'nt expect this.
Paglingon ko kay Kirk wala na itong malay. Mukhang hindi kinaya ng utak nya ang mga nakita namin kanina. Sa harap ba naman nya pinatay ang kapatid nya.
Bigla akong nakaramdam ng pag agos ng mga luha sa aking mga mata. Pinipilit kong magpakatatag pero ang totoo naduwag din ako kanina.
Nasa mga damit pa namin ang dugo ni Annie.
Napaka walang kwenta ko, hindi ko man lang sya naligtas kanina.
At sigurado akong pinagpefiestahan na ng mga halimaw na yun ang mga katawan ng mga kaibigan namin.
--------
Neil's POV
"Oh kuya Neil kamusta ang status sa labas?" tanong ni Shane habang kinukuha samin ni Uvrie ang mga supply na nakuha namin sa isang mall.
"Naku masyadong mapanganib ngayon sa labas. I suggest na wag na muna tayong lumabs. Aabot naman siguro yang mga nakuha namin ng tatlong araw eh. Ang daming naglaganap na malalaking zombies." umupo ako sa sofa para makapag pahinga.
"I have a theory na nag eevolve ang mga zombies dahil sa virus. And that's be a bad news sa lahat ng survivors." nagsimula ng maghalungkat si Kurt ng pagkain sa mga plastic bag na dala namin.
"May mga nakalaban ba kayo ni Uvrie?" Concern na tanong ni Shane sakin. Pumasok na pala kasi si Uvrie sa kwarto nya. Magpapahinga na siguro.
"Ou tatlo. Mabuti na lang sniper ako kaya napasabog ko ang mga ulo ng mga zombies na yun hahaha." Tinanggal ko na ang shot gun ko na nakasabit pa sa likod ko.
"Tsaka ang laking tulong din ni Uvrie. Magaling talaga syang humawak ng riffle noh?" dugtong ko pa. Napatango na lang si Shane at nagpa alam na lang na aayusin ang mga supply namin. Siguro magkaaway na naman tong dalawa.
Nabaling ang tingin ko kay Kurt na kumakain ng chips. Nakapatong sa hita nya yung paborito daw nyang unan.
Ewan ko ba pero nawiwili ako dito kay bunso. Ang cute nya kasi lalo na kapag nag memake face sya.
"Doon na nga lang ako sa kwarto ko." saad nya ng mapansing nakatingin ako sa kanya.
"Hoy! Hoy!! Wala bang thank you dyan? Binuwis ko ang buhay ko para sa chips na yan ah." napahinto naman sya at hinarap ako ng naka poker face.
"Si kuya Uvrie din naman ah." at tinalikuran na ko. Aba bastos. Tumayo ako at hinila ang damit nya. Nagpupumiglas naman sya at pilit na tumatakbo ng hindi umaalis sa kinatatayuan nya dahil nga hawak hawak ko ang damit nya.
"Ano ba!!! Let me go!" hahahaha ang cute lang para syang bata.
Bigla ko syang binitawan kaya sumubsob sya sa sahig. Hahaha
Pagharap nya sakin.....
T_____T <------ Kurt. May mga luha sa mga mata nya. Para ding kumikintab yun dahil sa luha.
Bigla syang nagpout at namumula pa ang tenga.
"I hate you kuya Neil!!!" then biglang tumakbo papasok ng kwarto nya. Narinig ko pa ngang nilock nya yun.
Hayst ang cute talaga ng bunso namin. Mamaya ko na lang sya kakausapin at magsosorry. But for now magpapahinga muna ako.
------
A/n: Sayonara Annie. </3
At ikaw naman Neil wag mo ng pagtripan si Kurt.
Vote and comment for fast UD.
BINABASA MO ANG
Last Breath: Zombie Rises II
ParanormalThe new generation of zombie survivors. Can they manage to survive from the outbreak? or will they be one of the Flesh eaters.
