Jeanne's POV
Hininto ni Stephen ang sasakyan para mas makita ni Alonzo ang kagandahan ng lugar. Well maganda pa rin naman ito kahit medyo may bahid na ng kaguluhan.
"Sayang noh, kung wala sanang outbreak pwede tayong mag enjoy dyan" saad ni Josh habang hinihimas ang likod ni Alonzo.
"Ou nga kuya eh. Sabi sakin dati ni kuya Roppie pupunta kami dito someday" lumungkot ang mukha nito. In a young age nagsasuffer na tong bata dahil sa epidemyang toh.
"Tara na, maghanap na tayo ng hotel na matutuluyan" sabi ni Prince. Nakatanaw parin si Alonzo doon sa State fair. Siguro pangarap talaga ng bata na toh na makapag laro dyan.
Nagsimula na ulit umandar ang sasakyan, ng may makita akong pamilyar na babae.
"Teka? si Arjane ba yan?" napatingin silang lahat sa direksyon na tinitignan ko. Isang babae ang nakatayo sa isang motor habang kumakain ng ice cream.
Pagdaan namin malapit sa kanya nginitian nya kami.
"Are we going to confront her?" tanong ni Kirk ng makalagpas na kami sa kanya.
"Tama! She killed-" napahinto si Janica ng tignan ko sya ng masama. Andito yung bata eh.
"What do you want to do? Patayin din natin sya? Magiging katulad nya lang tayo iniisip nyo ba yun?" -Stephen.
"Stephen is right, kahit naman paghigantihan natin sya hindi na maibabalik ang buhay na nawala na" Josh tries to calm the atmosphere inside the car.
"Hindi ba kayo nagtataka kung bakit nandito din si Arjane sa Sacramento?" napatahimik kaming lahat ng magsalita si Prince. Nakalimutan naming wala na pala kami sa Pilipinas. Ano nga kaya ang binabalak ni Arjane dito?
"It maybe the cure" saad ni Janica.
"Tama lahat tayo iniisip na nandito ang cure pero bakit nya yun gustong makita knowing na parang gusto nya ang nagaganap ngayon" May point si Josh.
"What if? Andito sya to keep the cure for herself?" biglang napapreno si Stephen kaya medyo napatilapon kami sa harap.
"Ano ba!!! Mag ingat ka naman!" sigaw sa kanya ni Prince. Mabuti na lang at nahawakan ni Josh si Alonzo.
"Tama!"
"Huh? anong tama?" tanong ni Janica kay Stephen.
"Tama si Kirk!"
"Tama ako? Well siguro? hahaha" napakamot na lang sa ulo si Kirk.
"Hinahanap nya yung cure para sa sarili nya. Kapag sya ang unang makahanap nun nasa kanya ang choice kung wawakasan ba nya ang epidemyang toh o hindi. Besides my immunity sya at hindi na maaapektuhan ng virus" kung ganun?
"So binabalak nyang hindi tuldukan ang problemang ito for her sake." saad ko sa sinabi ni Stephen na kinatango naman nya.
"Bakit naman nya gagawin yun? Ayaw na ba nya magkaroon ng normal na buhay?" tanong ni Janica.
"This world is like a rotted egg. Full of crimes, corruptions, poverty and diseases. So maybe the best way to get away from it is this outbreak" Napatingin ako kay Prince na ngayon ay nakatingin na sa bintana ng kotse.
"The bottomline here is hindi lahat ay ayaw mangyari toh. Somebody is wishing this to happen." dagdag pa ni Kirk.
Stephen started the engine and continue our journey to find a safe place to stay.
-------
"The Citizen Hotel" bago pa man kami makapasok ng lobby ay sinalubong na kami ng mga zombies.
"Josh buhatin mo si Alonzo" agad naman akong sinunod ni Josh. Inayos ko na ang grim reaper para sa nalalapit na labanan.
"Prince lead them to our room!" hinagis ni Stephen kay Prince ang isang card key. Tumango naman si Prince. Mabuti naman at hindi na sya nag inarte ngayon.
*ssswwwwooosssshhhh*
Lumilipad na sa ere ang mga palaso ni Kirk. Mabuti na lang at nireretrieve nya yung mga ginagamit nyang palaso kung hindi wala na syang magagamit.
Nang maayos ko na ang grim reaper pinukpok ko ang dulo nito sa sahig para makagawa ng ingay. Naglapitan naman sakin yung mga halimaw at sa isang wasiwas ko nito at nahati sila sa dalawa.
"Prince go!" nang makakita na ng safe way ay inalalayan ni Prince sila Janica na makaakyat ng hagdan.
Naglapitan sa kanila yung ibang zombies kaya agad akong humarang sa mga halimaw at iwinasiwas ang grim reaper sa kanila.
Stephen is busy fighting the other zombies. Basag yung mga bungo ng mga zombies dahil sa baseball bat na hawak hawak nya.
That baseball bat, Cedric alam kong nakaalalay ka ngayon sa kuya mo.
"Guys tara na!!" yaya samin ni Kirk. Nauna na sya samin then sumunod kami ni Stephen. May mga zombies na sumunod samin sa hagdan kaso hindi sila makaakyat. Kapag sinusubukan nilang humakbang, naaout of balance sila.
"Room 308!" sigaw ni Stephen. Sa dulo ng hagdan nakatayo si Prince at sumesenyas na sumunod sa kanya. Takbo lang kami ng takbo.
"Ayan na malapit na tayo!" turo ni Kirk doon sa magiging kwarto namin. Nagulat na lang kami ng biglang bumukas yung isang pinto na katabi ng magiging kwarto namin. Inuluwa nun ang isang lalaki na may dalang shotgun.
*blllaaaaagggg*
Nabangga ni Kirk yung lalaki kaya sumubsob sila pareho sa sahig.
"Aray" kumalabog ang sahig. Mukhang masakit yun ah.
"Kurt! are you ok?" isa namang babae ang lumabas din sa pintong yun. Napatigil sya ng makita kami.
"Bakit Shane?" tanong ng isa pang lalaki na parang pamilyar sakin.
"Chesther?" napatingin yung lalaking yun kay Prince. Magkakilala sila?
"Oh? Hi stepbrother"
-----+++++-----
A/n: Guys sa mga hindi makamove on sa pagkatalo ni Pacman kahapon. Hingi tayo kay Mich Liggayu ng tips. Hahaha.
Vote and comment for fast UD.
Pero sana naman magcomment kayo diba?
BINABASA MO ANG
Last Breath: Zombie Rises II
ParanormalThe new generation of zombie survivors. Can they manage to survive from the outbreak? or will they be one of the Flesh eaters.
