Outbreak 16

1.5K 55 4
                                    

Stephen's POV

"Kuya" may naririnig akong pamilyar na boses pero hindi ko naman makita kung kanino.  Madilim ang buong lugar,  na para bang walang kabuhay buhay.

"kuya" yun na naman sya.  Yung boses na yun.

Isang matinding liwanag ang sumilaw sakin.  Mula roon ay lumabas ang isang taong matagal ko ng gustong makita.


"Kuya Stephen"


"Cedrick" agad akong tumakbo papunta sa kapatid ko at niyakap sya.  Andito na ang kapatid ko,  sinusundo na nya siguro ako.


"Cedrick sinusundo mo na ba ako? " nginitian nya ako at umiling.

"Hindi pa kuya.  Andito ako para paalalahanan ka na lagi lang akong nakabantay sayo.  Na wag kang mapanghihinaan ng loob" bigla syang nagliwanag at unti unting naglalaho sa hangin.

"Teka Cedrick!!! "

"Kuya,  tulungan mo yung mga kaibigan mo.  Mas kailangan ka nila ngayon. Ipikit mo kuya ang mga mata mo,  magbilang ka ng tatlo at sa pagmulat mo makikita mo na sila. " at tuluyan na nga syang nawala.

"Kuya Stephen,  naniniwala sila sayo.  Kaya wag mo silang bibiguin" iyon ang huling salitang narinig kong sinabi ni Cedrick.  Hanggang....

"Stephen!  Stephen! " nakarinig na naman ako ng ibang boses.  Kilala ko yung boses na yun.


Sinunod ko ang sinabi ni Ced,  pumikit ako at nagbilang.

1

2

3

Pagdilat ng mga mata ko mukha ni Jeanne ang nakita ko. Umiiyak sya.


"Thanks God! " isang mahigpit na yakap ang binigay sakin ni Jeanne.  Sa likod nya nakatayo sina Prince at Dianne.

"What happened while I'm asleep?" natahimik silang lahat.  Sa hindi kalayuan ay nakaupo si Kirk kasama sina Shane,  Kurt,  Uvrie at isa pang lalaki na kasama kanina ni Dianne. Teka?  asan si Janica?

"Where's Janica?" nilibot ko pa ang mga mata ko sa maliit na silid na yun. 

Ang pagkakatanda ko may humila ng buhok nya tapos.....  Sh*t!

Bumitaw ng pagkakayakap si Jeanne at napatingin sa sahig.

"She's dead" napatingin ako doon sa lalaking nagsalita. 

"What?  Is that true? " tatayo na sana ako ng biglang sumakit ang braso ko.  Kainis,  nakalimutan kong infected nga pala ako ng virus.

"Totoo yun,  When she's got bitten ilang minuto lang ay natulad na sya sa iba. " malungkot na paliwanag ni Dianne.  Napapikit na lang ako sa galit at napasapak sa sahig.  Hindi ako umabot. Kung mas binilisan ko lang sana,  kung nailagan ko lang sana yung malaking braso na tumama sakin.  Edi sana buhay pa si Janica.


"Dont blame yourself.  Wala rin naman kaming nagawa para iligtas sya. " napasandal na lang si Prince sa pader at tumingin sa kisame. "And we will going to lose another friend kapag hindi pa rin natin nakukuha ang pesteng cure na yan" another friend?  ako na ba yun? Malamang ako nga kasi ako lang naman ang infec- napatigil na lang ako sa iniisip ko ng biglang umubo si Uvrie.  Ubo sya ng ubo na hanggang dugo na ang nilalabas nya.

Last Breath: Zombie Rises IITahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon