Zombie 12

2.1K 89 12
                                        

Josh's POV


"I hate this place!" nagpapadyak pa si Janica. Dinala kami ng mga sundalong yun sa isang school na ginawang evacuation site. Maraming mga survivors dito. Lahat sila may kanya kanyang tent. May mga batang naghahabulan pa.


"We have no choice. Andito na tayo eh. Atleast dito secure tayo." binuhol ni Annie ang tali na komokonekta sa tent namin sa isang bakal para maitayo yun.

"Besides look. Para tayong nasa normal na community." tuwang tuwa si Jeanne habang pinapanuod ang mga batang naglalaro.

"Eh pano sina Kirk? Yung kuya nya?" may point si Janica doon. Mag aalala samin sila Prince pag uwi nila.


"I saw a landline kanina doon sa guard house. Pwede nating tawagan yung landline nila Josh sa bahay nila mamaya." Sagot ni Jeanne.


"Kain muna tayo. Oh" inabutan kami ni Annie ng sandwitches at bottled water na pinamimigay sa mga tao dito.


"I can't imagine myself sleeping on the floor. Ghad!" napaupo na si Janica sa sahig at nagsimulang kumain. Yun lang ang problema, pinrovide lang nila kami ng foam, unan at kumot.

"You can have my pillow para mas maging comfortable ka." sabi ko kay Janica.

"No need. Hayst. Maglalakad lakad lang muna ko." nagkatinginan na lang kaming tatlo habang naglalakad ng palayo si Janica.

"Nakauwi na kaya sila Kirk?" tanong ni Annie sakin. Mukhang nag aalala na sya sa dalawa.

"Ou nga pala Annie? Diba kayo ni Kirk ang magkasama nung nakita namin kayo? May dala ka pa ngang frying pan nun eh. hehe." natatawang saad ni Jeanne.

"Yup, he save me. Nasa cullinary class kasi ako nun ng magsimulang kumalat yung zombies sa BPA."- Annie.

"Eh bakit namumula ka dyan?" Napatingin ako kay Annie dahil sa sinabi ni Jeanne. Namumula nga yung pisngi nya.

"Hala? Hindi noh!" winawasiwas pa nya yung mga kamay nya. Pero lalo lang namula ang pisngi nya.

"Hahaha Halatang halata ka Annie. Crush mo noh?" tumaas taas pa yung kilay ni Jeanne.

"Halata talaga? Sino bang hindi magkakacrush sa kanya? Archery superstar kaya sya tsaka ang gwapo pa." Hahaha ang cute lang ni Annie.

"Ikaw Josh? Sino crush mo?" nanlaki ang mata ko sa tanong ni Jeanne.

"Aahh? Eeehhh?" napakamot na lang ako sa pisngi.

"Ui? Sino Josh?" pangungulit pa ni Jeanne. Lumapit na rin si Annie sakin.

"Ahh? wala eh?" napatingin na lang ako sa ibang direksyon.

"Wala? Imposible. Sige sino na lang crush mo saming tatlo?" ano bang trip nitong si Jeanne.

"Ou nga Josh? Sino?" pati ba naman si Annie? Ito ang problema kapag puro babae ang kasama mo eh.

"Ahhh? Si- Janica" napasmirk sina Annie at Jeanne sakin. Wala na kong choice eh? Sya lang ang wala dito.


"Ang type pala ng nice guy na si Josh ay yung mga tough girls na tulad ni Janica." napapatango pa si Annie nyan habang hawak ang chin nya.

Last Breath: Zombie Rises IIMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon