Josh's POV
"Guys tama lang ba na iwan natin si Tanya doon?" tanong ko sa kanila pero mukhang walang gustong sumagot.
"Were heading to the capitol" kalmadong sabi samin ni Stephen. Wala talagang gustong magsalita about sa nangyari kay Tanya.
"Nagugutom na ko kuya" hinila hila ni Alonzo ang damit ni Kirk sila kasi ang magkatabi ngayon. Ewan ko ba pero parang pati yung bata naging immune na sa mga nangyayari.
"Daan muna tayo sa tindahan o anumang mapagkukunan ng pagkain Stephen" ani ni Kirk.
"Ayun mukhang may Grocery store doon" turo ni Kirk.
"Teremok Grocery Store" basa ni Jeanne sa pangalan ng tindahan.
"Sino ang bababa at kukuha ng pagkain?" tanong samin ni Janica.
"Ako na lang" volunteer ni Stephen.
"Sasama ako" saad ni Jeanne.
"Hayst ako din" nagtaas ng kamay pa si Prince.
"Lahat na lang kaya tayo?" sarcastic na sabi ni Janica.
"Hindi pwede wag na nating isama si Alonzo sa loob. Ganito na lang, Josh at Janica maiwan kayo dito sa sasakyan kasama si Alonzo." aapila pa sana si Janica pero tinignan sya ni Stephen.
"Basta kahit anong mangyari wag kayong lalabas ng SUV. Josh ikaw na bahala dito ah" tinanguan ko si Stephen bago nya sinara ang pinto at pumasok na sa grocery store.
"Kainis! Ginawa pa kong baby sitter" pagdadabog ni Janica. Napailing na lang ako at napabaling ang tingin kay Alonzo. Natutulog na pala ang batang toh. Napagod siguro sa mga nangyari kanina.
"Am Janica yung si Tanya" tinignan ako ng masama ni Janica at tinaasan ng kilay.
"Ayokong pag usapan yan Josh" bumaling na lang sya ng tingin sa labas.
"Bakit ba ayaw nyong pag usapan yun? Sinamahan nya tayo kanina para-" inilagay nya ang kamay nya sa mukha ko.
"Kanina nagtaka din ako kung bakit ganun na lang ang reaction ng iba. Na hindi man lang nila pinansin yung pagkamatay nung mabahong babae na yun. Pero narealize ko na kung talagang gusto nya tayong tulungan hindi sya gagawa ng ikapapahamak natin. Remember, bigla na lang syang nagsabi na tumakbo tayo kung iisipin mo masyado yung risky. Pwede namang magstay muna tayo doon hanggang mawala na yung zombie horde and thinking na may kasama tayong bata" napaisip din ako sa sinabi ni Janica. So the truth is gusto kaming ipahamak ni Tanya?
"Una pa lang ayaw na nya satin dahil Asians tayo. Ewan ko lang sayo mukha ka kasing amerikano." inayos ni Janica ang buhok nya.
"Alam kong naramdaman na yun ng iba kanina. At yung bumaril doon sa babae? Ay yung lalaking kinawayan ko back to that slaughter house" nanlaki ang mata ko sa sinabi nya.
"What do you mean?"
"Ang slow mo talaga. I have a theory na sya talaga ang target nung lalaking yun. Look andoon yung lalaki sa slaughter house at ganun din yung babaeng mabaho. Tapos kanina sya lang yung binaril. Bakit hindi nya tayo binaril kahit nasa loob na tayo ng SUV? Kasi nga hindi tayo ang target nya" -Janica.
BINABASA MO ANG
Last Breath: Zombie Rises II
ÜbernatürlichesThe new generation of zombie survivors. Can they manage to survive from the outbreak? or will they be one of the Flesh eaters.