Prologue

7.8K 100 4
                                    

Prologue

Ingrid's POV

"Congratulations, Ms. Ingrid," nakangiting bati sa akin ng isa sa mga nakatrabaho ko.

"No, I must say congrats to all of us, ang galing niyo! I wish for your success." Ngumiti rin ako para ibalik sa kanila ang mainit na salubong nila sa akin.

"Ang humble talaga, Ms. Galang," nakangiti nilang saad sa akin.

Nahinto ako nang makita si Indigo na siyang nasa tapat ko.

"Good afternoon, Mr. Cornel," bati ko sa kaniya.

"Good afternoon." Balik niya sa aking bati. Pasimple ko siyang tinitigan. He's still handsome katulad noon pero ang mga mata'y mukhang tumalim na ngayon. Nanunuot sa aking buto ang mga tingin nito kaya napatikhim ako at nag-iwas ng tingin. Ang epekto nito'y ganoon na ganoon pa rin.

Nagpatuloy na lang ako sa paglalakad hanggang sa makarating sa tv show na pag-gegguest-an.

"Let's welcome our famous teacher-producer, Ms. Ingrid Galang!" pagwewelcome ng guest sa akin.

"Anong pakiramdam na ang sucessful ng first ever movie niyo po, Ms. Galang?" nakangiti nitong tanong sa akin.

"I'm really thankful for everyone who help me here. Masaya ako. Sobra. And it's not possible without our team," ani ko na ngumiti rin.

"Grabe, ang sabi ng marami'y ang galing mo raw! How did you handle the team after Mr. Polido left?" tanong niya. Umalis kasi ang producer at muntikan ng hindi matuloy ang movie. Pinush lang talaga namin dahil nasa kalagitnaan na kami at sayang naman ang budget. Assistant producer lang ako pero dahil do'n ay ako ang naghandle ng team.

"It was hard..." ipinaliwanag ko naman ang lahat ng ganap no'ng nawala si Mr. Polido para maghandle.

"How's working with JL?" tanong pang muli nito.

"He's a good. Mabait din na bata. Madaling pakisamahan," sambit ko. Alam ko na tungkol sa mga artista na ang itatanong nito and I don't really mind. It will be a great exposure.

Nang matapos ang interview ay lumabas na rin naman ako. Simula ng tumapak ako rito sa media star tila naging isang maliit na mundo na lang ang kinaroroonan naman ni Indigo. I know I should move on dahil may iba na ito. 'Yon naman ang ginawa ko. Nagmove on but now that I saw him again. Hindi na naman siya mawala sa aking isipan.

Nakita ko kasi 'tong nasa labas at kumakain lang ng kwek kwek habang nakikipagtawanan sa ilang katrabaho. Nang makita niya ako'y unti-unting nawala ang ngiti mula sa kaniyang mga labi. Nanginig ang kalamnan ko nang lumapit siya sa akin o baka assuming lang ako?

"Ingrid," tawag niya sa akin nang pumapara na ng cab.

"Gusto mo bang ihatid na kita?" tanong niya sa akin kaya nilingon ko siya.

"Gabi na," aniya. That's obvious. I don't know what's wrong with him but I don't know what's wrong with myself either dahil napapayag niya ako.

The next thing I know iniaayos niya na ang seatbelt ko.

Kapagkuwan ay tinuro ko lang ang bahay na tinitirhan ko ngayon. Tahimik lang kaming dalawa tanging tibok nga lang ata ng puso ang naririnig ko. I wonder what will happen kung kami pa rin hanggang ngayon.

Bago ko pa maalis ang seatbelt ay nagsalita na siya.

"I miss you..." pabulong na saad niya. Ang lahat ng emosiyong pinipigilan ko kanina pa'y parang isang bulkang tuluyang sumabog.

"I fucking hate you, you know," ani ko sa kaniya. I said I won't cry again just because of him but look at me crying just because of what he said. I never expected that I'll hear that from him again.

"I hate you too..." Fuck. I never knew that words can hurt me like this. Para bang ang pira-pirasong puso'y lalo pang nawasak.

"But I still love you..." pabulong lang na saad niya na rinig na rinig ko.

"Bakit ka umalis?" tanong niya sa akin.

"Sa ilang libong pinili kita, isang beses ko lang pinili ang sarili ko pero... iniwan mo pa rin ako," aniya habang nakatitig sa akin. Pakiramdam ko'y nanunuot ang tingin nito sa aking kalamnan.

"Sa isang beses mo akong tinalikuran, unti-unti akong nawasak, Indigo... Isang beses lang 'yon pero pulidong-pulido nang tuluyan akong magiba," umiiyak kong saad. Mas lalo pang tumulo ang luha nang unti-unti niya akong yakapin.

Cut You OutTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon