Chapter 10

1.2K 22 8
                                    

Chapter 10

Ingrid’s POV

“Malas,” bulong ko sa sarili nang makita ang malakas na pagbuhos ng ulan. Kung kailan wala akong dalang payong at kung kailan pauwi na saka naman bumuhos ito. Halos mag-iisang buwan na na pumapasok at araw-araw may baon na payong, ngayon pa talagang wala saka bumuhos.

I just hate the rain lalo na kapag nakikita ‘yong ibang magulang na sinusundo ang kani-kanilang anak noong bata pa. Habang ako ‘yong nananatili lang sa isang tabi dahil bukod sa walang sundo, wala ring dala-dalang payong.

“Ingrid, sabay ka na,” ani Steffanie sa akin na ngumiti pa. Nakita ko ang ilang kaibigan namin no’ng senior high na nasa loob. Hindi ko na agad gusto ang ideyang sumabay sa kanila..

“Oo nga, Ingrid, wala naman sina Jayvee at Sarah. Wala kang pagseselosan.” Narinig ko pa ang tawa nila na para bang nang-iinsulto. Hindi ko naman mapigilan ang pagkunot ng noo dahil do’n subalit tipid lang akong ngumiti.

“Hoy, grabe kayo, may bago na ‘yang si Ingrid. Binigyan pa nga siya ng cellphone,” sambit naman ni Steffanie. Gusto kong ipagtanggol ang sarili subalit ano pa ba ang use gayong makikitid ang utak ng mga ito.

“Oh, edi mababayaran na niya utang niya sa’yo?” tanong nila na nagsitawanan pa. Tumawa rin si Steffanie dahil do’n.

“Hindi naman ako naniningil gayong barya lang naman ‘yon sa Dad ko but if she will, why not?” tanong pa ni Steffanie na nilingon ako. Kaunti na lang ay makakabayad na rin ako sa kaniya. Malaki rin naman ang pasasalamat ko na tinulungan niya ako.

“Sana all may Dad, ‘no, Ingrid?” natatawang sambit ni Juliane bago niya ako nilingon. Napakuyom naman ako ng kamao dahil sa mapang-insulto nilang tingin.

“Ano sasabay ka ba?” tanong pa nila sa akin. Umiling lang naman ako roon.

“Bahala ka, ikaw din. Matatagalan kang umuwi sa lakas ng buhos ng ulan,” anito. Bago pa ako makapagsalita ay dumating si Indigo na siyang nakangiti.

“’Yan, sabi ko kasi sa’yo uulan ngayon. Hindi ka nakikinig,” natatawa niyang sambit sa akin. Saka lang napansin na may mga kausap ako. Napatikhim naman siya at malapad na ngumiti sa mga ito. Kita ko naman ang pag-awang ng labi ng mga kaibigan at ang pabalik-balik na tingin nila sa amin ni Indigo.

“Kaibigan mo?” tanong ni Indigo sa akin. Kailanman ay hindi ako nagkwento sa kaniya tungkol sa mga ito.

“Yup, we’re friends!” nakangiting saad ni Steffanie. Malambing din ito kung makatingin kay Indigo kaya sa hindi ko malamang dahilan, nakaramdam ako ng kakarampot na iritasiyon.

“I’m Steffanie,” ani Steffanie bago niya nilahad ang kamay kay Indigo. Isa-isa rin silang nagpakilala rito habang mangha pang nakatingin kay Indigo.

“Indigo,” nakangiti ring saad nito.

“Sabay na kayo sa amin, malakas ang buhos ng ulan,” aniya sa malambing na tinig. Alam ko na agad na interesado ito kay Indigo base sa kaniyang mukha.

Cut You OutTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon