Chapter 45

1.6K 31 5
                                    

Chapter 45

Ingrid’s POV

“Naihatid mo na sila?” tanong ko.

“Yup, they said their thanks one more time,” sambit niua na nasa kalsada lang ang mga mata. Hindi ko naman mapigilan ang mapangisi roon, mukhang badtrip nga talaga but he still manage to talk to me.

“Salamat,” ani Indigo.

“San?” tanong ko.

“Sa pagwelcome sa mga kaibigan ko.”

“Sandok,” ani ko na natawa dahil kita ko ang itsura niyang kunot na ang noo.

“Pangit kabonding,” aniya.

“Nino?” tanong ko.

“Ikaw, sino pa ba kausap ko rito?” napipikon niyang tanong. Napatawa naman ako dahil madalas ay siya naman ang ganito.

“Ninoy,” ani ko kaya sinamaan niya ako ng tingin.

“Para kasing sira,” inis niyang sambit na hindi na talaga ako pinansin.

“Galit ‘yarn?” natatawa kong tanong sa kaniya. Nagpatuloy naman ako sa pangungulit subalit hindi niya na ako pinapansin pa. Napatawa naman ako nang mahina habang nangungulit.

“I love you,” bulong ko sa kaniya kaya napahinto siya sa paglabas sa kotse. Mahinang mura ang pinakawalan niya at hindi na natuluyan sa pagpasok sa bahay. Napahagikhik naman ako dahil sa reaksiyon nito.

“Alam na alam mo talaga kung paano ako paamuhin no? Badtrip sa’yo,” reklamo niya na tinignan pa ako nang masama.

“Wala bang pa-‘mahal din kita’ riyan, Loads?” nakangisi kong sambit. Napatitig lang siya sa akin. Nawala ang ngiti sa mga labi ko at ramdam na rin ang lakas ng tibok ng puso.

“I love you. Malala,” aniya bago unti-unting nilapit ang mukha sa akin. Hindi naman ako nakagalaw lalo na nang dumampi na ang labi nito sa akin. Ramdam ko lang ang init ng puso habang dinadama ang init ng kaniyang pagmamahal.

Nahinto lang kami nang makarinig ng katok mula sa bintana.

“Bawal po bold dito,” ani Sandro.

“Sandro, ‘yang bunganga mo, huh!” banta ko sa kaniya kaya agad siyang napanguso.

“Kayo kasi, Ate! Hindi tinted ‘yang kotse mo, Kuya, kitang-kita kayo ng mga kapitbahay,” aniya sa akin na tinuro pa ang ilang kapitbahay namin na nagchichismisan sa isang gilid habang nakatingin sa kotse. Ramdam ko naman ang pamumula ng mukha dahil dito.

Halos gusto ko ng magpalamon nang pumasok kami sa loob. Buong linggo tuloy ay kami ang usapan mula sa labas. Mabuti na lang din ay hindi naman nakakarating sa school kaya lang ay talagang nakakahiya kapag dumadaan kami at naririnig ko ang mga usapan nila tungkol sa amin ni Indigo.

Cut You OutTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon