Chapter 1
Ingrid's POV
"Pa, kahit gamot lang, maawa ka naman sa mga anak mo." Kahit na lumuhod pa ako sa harap niya'y gagawin ko. Laging mauuna ang mga kapatid kaysa sa dignidad at pride ko.
"Bakit hindi mo hingian ang Mama mo? Sapat lang ang pera ko para sa tuition ng mga kapatid mo," aniya sa akin.
"Wow, paano naman kaming nga tunay na anak mo, Pa?" Hindi ko maiwasang itanong kaya nilingon niya ako. Kita agad ang galit na lumagpas sa kaniyang mukha.
Sabi nila kayang tiisin ng anak ang magulang subalit kailanman hindi kayang tiisin ng magulang ang kanilang mga anak subalit I don't think that it's true. Kayang-kaya kaming tiisin ni Papa. Kung hindi pa ako pupunta rito'y paniguradong hindi niya kami maalala.
"Sinusumbatan mo ba ako, Ingrid?!" Galit na galit agad ito habang nakatingin sa akin.
"Hindi po sa ganoon, Pa. Sorry po, wala ring pera si Mama, Pa... alam niyo naman po ang kalagayan niya," mahinahon ko 'tong sinagot. As much as possible ay gusto kong maging kalmado.
"Kahit kailan ay pabigat talaga 'yang ina mo! Bakit kasi hindi pa mamamatay, perwisyo lang sa—"
"Pa," mahinahon kong sambit. Umirap lang siya bago niya padabog na iniabot ang ilang coins sa bulsa niya. Ang ilan ay nahulog pa sa semento kaya hindi ko na lang maiwasan ang mapakagat sa aking mga labi.
Isa-isa ko 'yong pinulot. Napapikit lang ako habang naririnig ko ang mga masasakit na salita galing sa kaniya, galit na galit dahil nagbigay ng pera ngayon.
"Thank you po, Pa," ani ko.
"Dapat lang! Pangkain na naging bato pa! Bakit hindi ka kasi nagtrabaho? Ang tanda mo na para manghingi-hingi pa sa akin!" Akala mo'y isang milyon ang ibinigay nito kung makasumbat subalit pinigilan ko na lang ang sariling magsalita. I should be thankful ay binigyan niya pa kami ng mga kapatid ko kahit na alam kong ang mga anak niya sa bagong asawa ang priority.
"Salamat po, Pa."
Ang dami pa nitong sinabi bago ako pinalayas sa harapan niya.
Bago umuwi sa bahay, bumili lang ako ng gamot ng mga kapatid bago naglakad patungo sa bahay namin na ilang kilometro pa ang layo sa bahay na tinitirahan ni Papa. Mayaman ang bagong asawa niya subalit hindi niya kami kailanman naalala. Ayaw din kasi kami ng asawa niya roon kaya galit siya kapag nagtutungo ako para manghingi ng pera.
Kung ako lang ay ayaw na ayaw kong nagpupunta roon subalit ayos lang kahit tapak-takapan nila ako, makakain lang ang mga kapatid, masagot lang ang mga pangangailangan ng mga 'to. Ayos lang na ako na lang, huwag lang ang mga ito. Hindi ko ata kakayanin kapag nakita ko silang tinataboy dahil lang humihingi ng kakarampot na atensiyon.
"Ate," nakangiting bati sa akin ni Irah nang makita ako.
"Irah, bakit naman lumabas ka pa? Binantayan mo na lang sana si Mama," sambit ko sa kaniya.
"Hinihintay ka po namin, Ate, nanginginig na kasi kanina pa si Sandro," aniya sa akin kaya nanlaki ang mga mata ko. Nawala ang pagiging kalmado ng mukha ko at nabitawan ang gamot. Kita ko si Sandro na nagchichill habang nakahiga sa higaan, nginitian niya ako subalit hindi na ako nakangiti pabalik sa sobrang taranta. Agad ko siyang binuhat para ilabas ng bahay.
Nang pumara ng tricycle, agad akong dinala nito sa malapit na hospital. Halos hindi ko alam ang gagawin habang pinagmamasdan si Sandro na nagchichill.
"Miss," tawag ko sa isang nurse. Ilan pa ang tinawag ko subalit masiyado silang abala sa mga tao sa hospital. Nang bigyan na ng atensiyon ang kapatid ko'y agad siyang dinaluhan ng isang doctor.
BINABASA MO ANG
Cut You Out
RomancePlay The Set #5 Hard. That's how Ingrid describes her life. She has a sister and brother that need her support, and a paralyzed mother whom she doesn't know how to take care of. A father that doesn't even want to support them. She thought that she'...