Chapter 34
Ingrid’s POV
After a while ng pag-aaral ulit ng film. Nagulat na lang ako nang tawagan ako ni Mr. Polido para kuhaning assistant producer niya. Alam ko na madalas ay kailangan talaga ng bachelor’s degree ‘yon kaya nagulat talaga ako nang balitaan niya.
“You’re very creative, Ms. Galang, I saw the pontential on you,” anito nang tanungin ko kung bakit. Sumubok lang din naman kasi akong mag-apply sa iba’t ibang company. Well, freelance nga lang dahil hindi ko rin naman kayang talikuran ang pagiging guro.
Nasakto pa na bakasiyon pa rin ang shoot para sa film ni Mr. Polido kaya masaya ako nang tanggapin ‘yon. Ang ibang katrabaho rin naman kasi’y kilala ko na rin dahil nagtungo sila sa Neuva Ecija noong nakaraang bakasiyon.
I just wore my usual clothes bago ako lumabas para magtungo na sa paggaganapan ng shoot.
“Yup, papunta na akong shoot, Anak. Opo, see you next week,” nakangiti kong bati kay Raya na siyang nasa Neuva Ecija na ulit. Ayaw din kasi niyon dito. Hindi matagalan ang usok at polusiyon. Pero kahit paano’y nagtagal siya rito ng isang buwan. Araw-araw nga lang na sila ni Jolie ang magkasama.
Ngayon lang ulit ako bumalik dito sa manila nang kunin akong assistant producer ni Mr. Polido. Ayaw ko rin kasing palagpasin ang pagkakataon lalo na’t bakasiyon pa rin naman.
Simula rin noong nakapag-isip-isip ako, sinubukan ko na ring ilayo ang sarili kay Indigo. Ganoon din naman siya kaya hindi rin ako nahirapan.
“Good morning, Ms. Galang,” bati sa akin ng ilan. Hindi ko naman maiwasan ang mapangiti habang binabati rin sila pabalik. Hindi naman sila mahirap pakisamahan dahil halos lahat ay propesiyonal.
“As usual ang ganda talaga ni Ma’am,” nakangiting saad ni Mr. Reyes sa akin. Tumawa naman ako bago napailing sa mga ‘to.
Nagsimula naman na rin ang shoot kalaunan. Napagplanuhan na rin naman kasi namin ang mga ‘to. Habang nasa shoot nga lang ay may mga ideya pa ring pumapasok sa isip ko na isinasuggest ko naman kay Mr. Polido.
“That’s kinda cool. You’re really good with this one, Ms. Galang,” aniya sa akin. Hindi ko naman maiwasan ang matuwa sa papuri nito. Kilalang-kilala rin naman kasi si Mr. Polido bilang teacher ng mga amateurs na filming producers. Kahit nga ata sa kalye ay may nakukuha ito. Basta makitaan niya ng potensiyal kahit wala kang degree, ayos lang sa kaniya.
Kaya I was really overwhelm nang sabihin niya na kukunin niya ang akin. Nakakataba ng puso.
Ayos naman ang shoot namin no’ng unang araw. Masaya ang team dahil may mga kwela ring actor na kasama. Idagdag mo pa ang ilang staff na katrabaho namin. It was actually fun shooting with them. First movie ko ito kaya parang lahat ata ng nakikita ko ay maganda para sa akin.
Sa day 2 ng shoot, maaga akong nagising para magtungo roon. As usual, excited at hyper na naman.
“Good morning,” bati ko sa kanila. Agad naman akong sinalubong ni Lisa.
“Ms. Galang! Naaksidente po si Mr. Polido!” anila sa akin kaya napaawang ang mga labi ko. Hindi ko naman maiwasan ang mag-alala.
BINABASA MO ANG
Cut You Out
RomancePlay The Set #5 Hard. That's how Ingrid describes her life. She has a sister and brother that need her support, and a paralyzed mother whom she doesn't know how to take care of. A father that doesn't even want to support them. She thought that she'...