Chapter 44
Ingrid’s POV
“Excited na naman ang batang bulinggit,” natatawa kong sambit nang makita si Raya na siyang hindi mapakali dahil tutungo kami ngayon sa panibagong field na pagtataniman. Nandoon na ang mga kasama namin sa org kaya minamadali na niya kami ni Indigo.
Nang makarating doon ay agad siyang tumakbo nang makita ang mga kaibigan niya. Susunod na sana ako nang hawakan ni Indigo ang palapulsuhan ko.
“Sintas mo,” aniya na siya na mismo ang nagtali. Agad na rin siyang humabol kay Raya.
“Good morning, Ma’am,” bati sa akin ni Viva, ang handler ng org na sinalihan namin.
“Kaya pala ang taas ng standard mo, tinaasan pala talaga ng todo ni Sir,” nakangisi niyang saad na mukhang nakita ang pagsisintas ni Indigo nang sapatos ko kanina. Agad naman akong nakaramdam ng hiya dahil doon. Ngumiti na lang ako dahil hindi ko rin naman alam ang sasabihin.
Lumapit naman na ako sa kanila, nakita kong pinapakilala na ni Raya ang ama sa mga kasama namin dito sa org, maski sa mga kaibigan niya. Malapad lang naman ang ngiti ni Indigo roon. Bakas sa mukha ang saya. Hindi ko mapigilan ang malungkot dahil pinagkait ko sa kanila ng ilang taon ang kasiyahang iyon.
Napansin ni Indigo ang pagtitig ko sa kaniya kaya agad niya akong pinagtaasan ng kilay. Kita ko pa ang kaniyang pagngisi kaya hindi ko na mahirapan ang pag-irap. Para talagang sira.
Mayamaya lang ay nagsimula na rin ang tree planting activities namin. Nagkakatuwaan din silang lahat. Bukod sa nakabawi ka na sa kalikasan and lessen your anxiety, talagang magkakaroon ka pa ng kaibigan. Halos lahat naman dito’y magkakakilala na.
“Ma’am, sama ka kina Raya at kay Sir, picture-an ko kayo,” sambit nina Viva. Nilingon ko naman si Raya at Indigo.
Hindi ko naman mapigilan ang mapangiti habang pinagmamasdan ang mag-ama ko. Tinuturuan lang siya ni Raya habang si Indigo’y mukhang walang alam doon.
Automatic na kasama niya ang phone niya kapag kasama si Raya dahil ang may mga tinatanong talaga ito na hindi rin namin nasasagot. Hindi ko nga alam kung saan niya nakukuha ang mga ‘yon.
“Sir, picture!” sambit nila kaya agad namang sumang-ayon si Indigo.
We enjoy the rest of the morning planting trees, sa kabila ng tirik ng araw ay malapad pa rin ang ngiting ibinigay sa akin ng anak ko nang lumapit siya. Hindi ko naman mapigilan ang mapangiti bago hinaplos ang buhay niya.
“Nag-enjoy ka ba?” tanong ko sa kaniya. Sunod-sunod naman ang naging tango niya. Niyakap pa niya kaming dalawa ni Indigo roon.
“Thank you, Nay, Tay!” aniya na malapad ang ngiti. Ngumiti lang naman kami at ginulo ang buhok niya.
Nang makabalik kami sa bahay ay agad kumurba ang ngiti ko nang makita sina Chora at ang mga kaibigan ni Indigo, talagang natuloy nga ang gusto nilang pagbabakasiyon dito.
BINABASA MO ANG
Cut You Out
RomancePlay The Set #5 Hard. That's how Ingrid describes her life. She has a sister and brother that need her support, and a paralyzed mother whom she doesn't know how to take care of. A father that doesn't even want to support them. She thought that she'...