Chapter 8

1.1K 27 13
                                    

Chapter 8

Ingrid’s POV

“Thank you,” pasasalamat niya nang abutan ko siya ng palamig. I should be the one saying thank you to him. Maski sa pag-eenroll ay sinamahan ako nito.

“Salamat,” ani ko ngunit ngumiti lang siya sa akin.

“Sus, parang hindi kaibigan,” aniya na nagkibot pa ng balikat. Hindi ko naman mapigilan ang mapangiti roon.

‘Shit, Ingrid, delikado ka na talaga.’

“Tara na?” tanong niya sa akin. Agad naman akong tumango roon. Maghahanap kasi kami ngayon ng mga bultuhan kung magtinda ng mga damit and we’ll sell it online.

Napanguso naman ako para pigilan ang ngiti nang makita ang payong na dala-dala ni Indigo. Ginamit naman namin ‘yon habang naglalakad sa gitna ng initin.

“Are you really sure you can do this?” tanong ko sa kaniya.

“Oo naman?” patanong na saad niya na bahagya pa akong kinunutan ng noo dahil nga sa tingin ko sa kaniya.

Tagaktak ang pawis namin nang matapos at nakahanap din naman ng pagbibilhan. Talagang tinignan kung ano ang mura.

“Medyo nanakit paa ko roon, ah,” natatawa kong sambit nang makaupo.

“Let me see,” aniya at balak pa sanang hilutin kaya lang ay butas ang medyas ko kaya agad kong itinago nang alisin niya ang sapatos.

“Hala, ano ba? Ano bang akala mo nasa teleserye tayo?” natatawa kong tanong bago siya sinamaan ng tingin dahil nahiya.

“It’s fine, I don’t judge. Ang hindi fine ay ang paltos mo,” aniya bago sinubukang lagyan ‘to ng band aid. Hindi ko naman mapigilan ang palihim na pagngiti dahil do’n. Nakakainis dahil ang sabi ko, hindi na ulit ako magtitiwala pa sa kung sino but here I am now, smiling because of this man small gesture.

“So, my house or yours?” tanong niya sa akin nang parehas kaming nanahimik.

“Sa bahay na lang,” ani ko dahil bukod sa mas kumportable ako roon, mababantayan ko pa ang mga kapatid ko. Isa pa, nakakatakot ding magtungo sa bahay nito baka mamaya’y masama pala siyang tao which is I highly doubt pero syempre pag-iingat pa rin kahit na ilang buwan ko na ‘tong kilala.

Nang makarating kami sa bahay ay agad akong sinalubong ng mga kapatid ko.

“Nakabili po kayo, Ate? Magkano? Titindahan ko rin po ang mga kaklase ko!” ani Irah sa akin. Ginulo ko naman ang buhok nito. Talagang negosyante ang kapatid kong ‘to.

Mayamaya lang ay napalingon sila kay Indigo, sabay pa na nanliit ang mga mata ng mga ito nang lingunin siya.

“Sino ‘yan, Ate? Boyfriend mo?” tanong ni Sandro sa akin.

Cut You OutTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon