Chapter 47

1.6K 31 2
                                        

Chapter 47

Ingrid’s POV

I can’t believe that I’ll be marrying the man of my dream today. Ramdam ko ang kabog ng tibok ng puso. Para bang gusto nitong kumawala sa aking dibdib. Tila isang kabayong desididong manalo sa isang karera.

“Ang ganda naman ng anak ko,” ani Papa habang nakatitig sa akin. Nginitian ko naman siya dahil dito. I remember hating my father so much na wala na akong pakialam kung siya ba ang maghahatid sa akin sa altar o ano but he’s here. Siya ang mag-aabot ng palad ko sa lalaking nakikitang makasama habang buhay.

Hindi ko maitatanggi na kapag naaalala ko si Mama’y nakakaramdam pa rin ako ng galit kay Papa. Panibugho dahil wala siya noong mga panahong kailangan namin siya subalit kahit paano’y bumabawi naman ngayon lalo na sa anak ko.

“You’re really strong woman, you know?” ani Papa habang nakangiti sa akin. Kita ko ang paglandas ng luha mula sa kaniyang mga mata.

“I can’t believe I’ll remember your Mom today,” bulong niya. Bahagya namang kumuyom ang kamao ko dahil sa sinabi nito. Kapag nababanggit na si Mama’y naalala ko lang ang mga bagay na nasabi namin sa isa’t isa noong nakaraan.

“I felt really bad na iniwan ko kayo noong kailangan na kailangan niyo ng taong makakapitan. Pasensiya na, Anak, kung nagpadala ako sa bugso ng damdamin. Pasensiya na kung masiyado akong nabigatan sa responsibilidad na pagiging Nanay at Tatay sa inyong magkakapatid,” aniya sa akin.

“Sa takot mo’y tinalikuran mo kami at pinasa sa akin ang responsibilidad,” ani ko. Napatawad ko naman na siya subalit hindi ko pa rin makakalimutan ang lahat. Tila nakatatak na talaga sa aking isipan.

“Patawarin mo ako, Anak, sa lahat-lahat. Deserve mong sumaya, kayo ni Raya… ang dami niyo ng napagdaanan… mas matatag ka pa sa akin, Nak… I wish for your happiness,” aniya sa akin na umiiyak na ngayon.

“Napatawad naman na kita, Pa… noon pa man… pero hindi ka lang sa akin dapat humihingi ng patawad,” ani ko. Alam na alam niya naman na ‘yon dahil alam kong araw-araw rin siyang bumibisita kay Mama nang malipat namin ang labi niya rito sa Nueva Ecija.

“No more dramas na, Pa, dapat masaya lang tayo rito e,” natatawa kong sambit na tumayo na. Nakita ko namang ngumiti lang sa akin si Irah na nakatayo sa isang gilid. Si Irah ang pinakamatigas sa amin dahil hanggang ngayon ay hindi pa rin niya napapatawad si Papa. Hanggang ngayon ay malamig pa rin ang trato niya.

“Congrats, Ate, alam mo naman na lagi ko lang gusto ang ikasasaya ng puso mo, ‘di ba?” tanong niya na ngumiti pa sa akin.

“I know, thank you, Irah. For being there with me noong mga panahong hindi ko na kilala ang sarili ko,” sambit ko na niyakap pa siya nang mahigpit.

“Nah, that’s nothing compare to your sacrifices, Ate, mahal kita sobra,” aniya na binalik ang yakap ko sa akin.

“Ano ba ‘yan? Nagdadrama na naman kayong dalawa! Masisira mga make up niyo!” ani Sandro na nakisingit pa sa amin. Hindi ko naman maiwasan ang matawa nang lumapit siya para makiyakap din. Parang punong-puno ang puso ko ngayon.

Cut You OutTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon