Chapter 38

1.7K 33 5
                                    

Chapter 38

Ingrid’s POV

“That’s all for today, you may go. Good day, class,” paalam ko sa kanila. Sabay-sabay naman silang bumati pabalik.

Nasa elem department na ako at balak na sanang sunduin ang anak nang may isa akong estudyante na lumapit sa akin.

“Good day po, Teacher Ingrid,” aniya kaya napangiti ako at binati rin siya.

“Good day, Vince,” ani ko na ginulo pa ang buhok niya.

“Hi, Ma’am.” Nahinto lang ako nang lapitan siya ng Tito niya. Ngumiti lang din ako para bumati sa kaniya.

“Good day po, Mr. Pontanes.”

“Ang ganda mo talaga, Ma’am, nabasa niyo po ba ang text ko?” tanong nito sa akin. Nagkunwari lang naman akong hindi nabasa dahil kadalasan na nirereply-an ay ang mga importanteng mensahe lang.

“Kung may concern lang po kayo tungkol sa pamangkin niyo po, you can text me,” ani ko na ipinagdiinan pa ang pamangkin niya.

“Can’t we talk about us?” natatawa niya pang biro. Palihim naman akong napangiwi roon. I was about to say something nang may humawak na sa baywang ko. Alam na alam ko kung sino ‘yon. Sa amoy pa lang nito na talaga namang parang laging fresh. Hinapit pa ako ni Indigo papalapit sa kaniya.

“You can’t text her unless it’s work related,” malamig niyang saad sa kausap. Sa tinig nito’y parang tataasan ka ng balahibo maski sa kinatatagu-taguan mo.

Kumunot naman ang noo sa kaniya ni Mr. Pontanes.

“Bakit sino ka ba?” mayabang pang tanong nito.

“He’s my Tatay… po!” ani Raya na siyang nakahawak pa sa kamay ni Indigo. Napatingin naman sa kaniya. Indigo is holding her sa kabilang kamay. Bakas naman ang gulat ni Mr. Pontanes doon. Nilingon niya pa ako kaya simple lang akong ngumiti.

“We need to go, Mr. Pontanes, good day po,” bati ko dahil ayaw ko naman na maging rude. Nang tignan ko si Indigo, salubong lang ang kilay niya.

Hindi ko alam kung bakit ako nadisappoint ng bitawan niya ako. Tanga ka, Ingrid? Natural papasok na sa kotse.

“Sa kotse ko na ako,” sambit ko. Dadalhin namin sa bahay si Indigo ngayon dahil sa kagustuhan ni Raya. Ipapakita niya raw ang mga halaman niya at ipakikilala raw sa Lolo niya. Aba’t mas nauna pa siyang magpakilala samantalang noon ay hindi ko man lang ‘to naipakilala sa ama.

Tumango naman siya kaya akala ko’y nagkaintindihan kami na gagamitin ko ang sasakyan ko at ganoon din naman siya subalit sumakay na lang din sila sa kotse ko. Parehas silang nasa backseat. Paminsan-minsan ko silang tinitignan sa salamin at minsan nagkakasalubong ang mga mata namin ni Indigo. Ako rin naman ang unang nag-iiwas ng tingin dahil sa hiya.

Nang makarating kami sa bahay, doble-doble ang kaba na nararamdaman ko. Hindi naman ako ang dapat kabahan pero kasi hindi ako mapalagay kay Indigo.

Cut You OutTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon