Chapter 18

938 14 2
                                    

Chapter 18

Ingrid’s POV

It’s been 4 months since Mama left us pero araw-araw mas lalo ko pa ata ‘tong naalala. Minsan ay hindi maiwasang matulala at maalala ang lahat ng mga memoryang kasama ko siya.

“Hey, tulala ka na naman,” ani Indigo sa akin nang madaan siya sa harap ko. Ibinigay niya sa akin ang kape.

“Madami ka pang tatapusin, aba, galaw-galaw,” aniya sa akin bago nangalumbaba pang tinignan ang mga schoolworks ko.

“Then give me a reason to keep going," sambit ko sa kaniya.

Napakunot ang noo ko nang makita siyang nagsusulat sa isang tabi. Iniabot niya naman ang pinunit na papel galing sa notebook niya

"Reason"

"Alam mo tangina mo," ani ko kaya napatawa siya sa akin.

“Akala ko ba bawal magmura kapag nasa bahay niyo?” tanong niya.

“Tulog na mga kapatid ko,” ani ko kaya mas lalo lang siyang natawa.

“Bakit ba nandito ka pa? Umuwi ka na nga, may tatapusin ka pa rin, hindi ba?” tanong niya sa akin.

“Yup, pinagtimpla lang kitang kape,” aniya kaya napailing na lang ako. Minsan kasi’y kakatatok ‘yan sa bahay kapag katapos niya akong tawagan para lang magbigay ng kape sa akin lalo na kapag kailangan kong tapusin ang maraming bagay.

“Oh, may text ka,” ani Indigo sa akin na ipinakita pa ang cellphone kong kanina niya pa kinakalikot. Hinahayaan ko lang dahil wala rin naman akong kahit na anong importanteng bagay na naroon. Mabuti na ring reply-an niya ang mga nag-iinquire sa business namin.

“Bukas daw 6:30 ang alis natin,” aniya pa kaya agad akong napatingin sa kaniya at kumunot ang noo.

“Anong natin? Kasama ka?” tanong ko na nakataas ang kilay.

“Oo, sasama kami nina Sandro at Irah,” aniya pa kaya hindi ko siya makapaniwalang tinignan.

“Siraulo! Project ‘yon, hindi kami bastang maggagala lang,” reklamo ko sa kaniya. Magtutungo kasi kami sa kalsada bukas para magturo sa mga batang lansangan.

“Alam namin? Hindi naman kami manggugulo. Grabe ka, ano namang palagay mo sa amin?” tanong niya sa akin. Siya rin ang humigop sa kape’ng tinimpla para sa akin. Mayamaya lang ay tumayo na siya at lumabas. Ni hindi man lang nagpaalam ang kupal. Naiiling na lang akong tumayo para sana isara na ang pinto subalit patakbo siyang pumasok habang may dala-dalang unan at pati ang laptop niya.

“Pasleep over. Dito ko na tatapusin ang project ko para may inspirasiyon.” Malapad pa siyang ngumisi sa akin kaya sinamaan ko lang siya ng tingin. Siguradong isisiksik niya na naman ang sarili sa kama ko. Parang nagaacrobatic pa naman kung matulog. Para akong nakipagkarate pagkagising ko dahil sa hinayupak na ‘yan.

Cut You OutTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon