Chapter 37

1.8K 36 8
                                        

Chapter 37

Ingrid’s POV

Hanggang sa pagtulog ay hindi talaga nilubayan ni Indigo ang anak. Nakatingin lang ako sa kaniya habang pinagmamasdan niya ‘tong natutulog. Halos mataranta naman ako nang tumayo siya kaya nagkunwari lang akong pumasok sa cr. Halos magtagal ako roon kahit wala naman talagang gagawin.

Nakapaglinis naman na ako ng katawan kanina pa, hindi ko lang talaga alam kung saan ako matutulog ngayon. Baka kasi tabihan niya ang anak, alangan naman tumabi pa ako sa kanila.

Nang lumabas ako’y halos mapatalon ako sa gulat nang makita ko si Indigo na nakatayo lang sa tapat ng cr habang nakahalukipkip. Hindi ko naman mapigilan ang pagkagat sa aking mga labi nang makita ko ang seryosong mga mata nitong dumeretso sa akin. Nunuot tingin niya sa aking kalamnan.

“Let’s talk.” Nanindig ang balahibo ko sa deklerasiyon nito. Napakagat na lang ako sa aking mga labi bago tumango. Para akong tuta na may nagawang masama nang magtungo kami sa may veranda ng hotel. Pinaglalaruan ko lang din ang aking mga daliri dahil hindi ko rin naman alam ang sasabihin ko sa kaniya.

“What do you want to talk about?” tanong ko. Ni hindi makatingin sa kaniya habang ramdam na ramdam ko naman ang mga mata niyang nasa akin.   

“You can conduct a DNA test If you—” Hindi pa ako natatapos magsalita ay may nasabi na ito.

“Sa tingin mo hindi ko paniniwalaan na anak ko si Raya gayong ako lang naman ang lalaking dumaan sa buhay mo?” Putol niya sa sinabi ko. Napakagat lang ako sa aking mga labi at hindi rin alam ang sasabihin sa kaniya.

Narinig ko pa ang mahinang mura nito, halata ring pinipigilan lang ang sariling magalit sa akin. Alam ko naman na nakakagalit talaga ang ginawa ko. Hindi ko lang talaga alam kung paano sasabihin or should I say hindi ko alam kung dapat bang sabihin. Baka nga ang totoo’y natakot lang talaga ako. Natakot ako sa maraming posibilidad na mangyari kasi masaya kami ngayon. Masaya naman ‘yong nga buhay namin kaya natakot ako na maging komplikado.

“I’m sorry… hindi ko lang alam kung paano ko aaminin… hindi ko lang alam…” Ni hindi ko maituloy ang sasabihin dahil ramdam na ang paninikip ng dibdib.

“Hindi lang talaga ako handa… pasensiya na…” ani ko na nakatingin pa rin sa kamay ko.

“Kailan ka magiging handa, Ingrid?” tanong niya.

“Sasabihib ko rin naman…”

“Kailan? Kapag tumanda na siya? Kapag hindi na ako mabibigyan ng pagkakataon na alagaan siya? Kailan, Ingrid?” tanong niya. Bakas ang galit sa mukha nito nang lingunin ko siya subalit sinusubukan pa ring pakalmahin ang kaniyang sarili. Tahimik ko lang tinanggap abg galit niya.

“Tangina naman, Ingrid…” bulalas niya. Kita pa rin ang galit mula sa kaniyang mukha.

“Maraming pagkakataon na pupwede mong sabihin na may anak tayo pero pinili mo pa ring…” Ni hindi niya maituloy ang sasabihin dahil sa paninikip ng dibdib.

Cut You OutTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon