Chapter 22

1K 15 5
                                        

Chapter 22

Ingrid’s POV

“Ingrid,” tawag sa akin ni Alexandro habang nag-aayos ako ng gamit ko. Nilingon ko naman siya dahil do’n. Hindi agad siya nagsalita. Ilang tikhim pa ang ginawa bago tuluyang ibinuka ang bibig.

“Pupwede ka ba ngayon?” tanong niya sa akin.

“Uy, si Alexandro sa wakas kumilos din! For the past four years ngayon lang nagkalakas ng loob!” natatawang sambit ng ilang blockmates kong lalaki. Kumunot lang ang noo ko habang pinapakinggan sila.

“Buti nga siya nakaipon na. Ikaw kaya, Tres, kailan?” natatawang tanong nila rito.

“Tangina niyo.” Narinig ko pang sambit nito.

“Ano ba ‘yon, Alexandro?” tanong ko dahil nawawalan na ng pasensiya. Ang tagal kasing magsalita. Kailangan ko ng umuwi, marami pa akong trabahong gagawin.

“Uh… sorry about that,” aniya na nahihiya. Tumango lang ako.

“Do you want to go with me? Naghahanap kasi ng mga batang gustong mag-aral ang pamilya namin and I know na madalas ka sa same street na pinuntahan natin niyon,” sambit niya. Nahinto naman ako sa pagpasok sa mga gamit ko sa bag dahil do’n. Bahagyang nakaramdam ng excitement dahil sa kaniyang sinabi.

“Talaga ba? Of course I can go with you!” nakangiti kong saad. Paniguradong matutuwa sina Cheska kung sakali. They want to study, talagang desidido ang mga ‘yon.

“Yes, Papa’s charity are looking for 5 students and I know na you have some recommendation,” aniya sa akin kaya agad akong napatango.

“Tara?” tanong sa akin ni Alexandro.

“Ngayon na?” tanong ko. Tumango naman siya sa akin dahil do’n.

“Sorry kung biglaan, ngayon lang din kasi ako nasabihan,” aniya sa akin.

“Ah, it’s fine,” ani ko na ngumiti sa kaniya. Hindi pa rin nawawala ang excitement na nadarama.

“Akin na,” aniya na kukunin pa ang gamit na hawak ko subalit nilayo ko lang at nginitian siya.

“No, it’s fine. Kaya ko naman. Salamat,” ani ko bago nagpatuloy sa paglalakad.  Nakita ko naman ang tipid niyang pagngiti bago ako sinabayan.

Narinig ko pa ang usapan nina Steffanie nang madaanan kami sa tapat nila.

“Ang harot talaga, may boyfriend na nga nagagawa pang lumandi,” anito kaya hindi ko maiwasan ang tignan siya. Hindi ko alam kung ako ba ang pinaparinggan nito but it was really obvious na ako nga sa paraan pa lang ng tingin niya.

“True lang, kunwari pa-inosente,” dagdag naman ng mga kaibigan niya. Wala akong oras para pansinin pa ‘yon kaya naman tuloy-tuloy na ako sa paglabas.

Cut You OutTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon