Chapter 25
Ingrid’s POV
“Love! Nag-email sa akin si Mr. Torre, he want me to be part of his team. Sa tingin mo dapat akong mag-intern sa kaniya?” tanong niya sa akin. Mr. Torre is one of those famous producer in the industry, ang pumasok doon ay isa ng malaking karangalan.
“Of course! You should!” ani ko na malapad ang ngiti sa kaniya. I always want the best for him. Napangiti rin siya sa akin dahil do’n.
“Where’s my congrats?” tanong niya.
“Siraulo, kakatapos mo lang kanina, ah!” reklamo ko sa kaniya. Hindi lang isang beses na naulit ang nangyari noong nanalo sila ng best film. Nasundan pa ng ilang beses dahil sa sunod-sunod na achievements ni Indigo. Naiisahan ako ng hinayupak kakatanong kung nasaan ang congrats at reward niya. Ulol, isa ka rin, Ingrid, huwag kang magmalinis. Gusto mo rin.
“Uy, ikaw ‘tong kung ano-ano ang iniisip diyan! Congrats lang naman hinihingi ko,” aniya na natatawa.
“Hindi ako naniniwalang congrats lang,” natatawa ko namang saad sa kaniya.
“Lumayo ka nandiyan si Sandro,” ani ko na tinulak siya.
“Sa gabi ka lang talaga malambing,” aniya kaya kinurot ko siya sa tagiliran. Natatawa naman siyang lumayo sa akin. Napailing na lang din ako at hindi rin naman mawala ang kurba ng ngiti sa akin. He really deserve kung ano mang natatamasa niya ngayon. Ang dami ng gustong kumuha sa kaniya bilang intern at kung sakaling makagraduate na’y may trabaho na rin agad. I’m genuinely happy for him. Sobra.
May nakakakilala nga sa kaniya sa school, alam na alam ang pangalan niya. ‘Yon nga lang ay hindi nila alam ang mukha nito.
“Sayang, ‘di sila aware na gwapo producer,” mayabang niyang sambit kaya hindi ko maiwasan ang matawa.
“Kapal mo talaga,” ani ko.
“Hindi ba?” tanong niya na nagtaas pa ng kilay sa akin.
“Pwede na,” sagot ko kaya tumawa siya.
“Kunwari pa, patay na patay naman sa akin,” aniya kaya hindi ko maiwasan ang mapairap.
“Nga pala, I already choose a company where can I intern,” aniya sa akin.
“Saan?” tanong ko.
“Media star,” aniya kaya nanlaki ang mga mata ko.
“Wow! Bigatin ka na talaga Mr. Producer!” natatawa kong sambit sa kaniya.
“Ako lang ‘to, Ingrid,” mayabang niyang sambit kaya napailing na lang ako.
“Dami mong sinasabi, tara na nga,” ani ko na nauna ng maglakad patungo bilihan ng street food. Sa hindi ko malamang dahilan, parang bumabaliktad ang sikmura ko, naamoy pa lang ang mga tinda ni Aling Loisa.
BINABASA MO ANG
Cut You Out
RomancePlay The Set #5 Hard. That's how Ingrid describes her life. She has a sister and brother that need her support, and a paralyzed mother whom she doesn't know how to take care of. A father that doesn't even want to support them. She thought that she'...