Chapter 13
Ingrid’s POV
“Halika rito,” senyas ni Indigo sa akin. Nagawa niya pang kunin ang suklay sa bag ko. Dahan-dahan niyabg sinuklay ‘yon.
“Aray, dahan-dahan naman!” reklamo ko sa kaniya.
“Ge, makipag-away ka pa,” aniya na naiiling pa sa akin.
“Wow, ah, ni hindi mo nga ako pinigilan!” sambit ko naman. Dinadahan-dahan niya na ngayon ang pagsusuklay sa akin.
“Oks lang ‘yon, handa naman akong suklayan ka pagkatapos. Ang hindi ayos, ito,” nakasimangot niyang sambit na hinawakan pa ang baba ko para makita ang ilang kalmot mula sa mukha ko. Mukha agad siyang galit habang pinagmamasdan ‘yon. Imbis na umuwi na agad ay dumaan kami sa apartment niya dahil ang arte ng mokong, gusto pang gamutin.
Sa huli’y hinayaan ko na lang din. Mabilis lang din naman kami dahil alam niyang hinihintay din ako ng mga kapatid ko.
“Hindi ka ba magtatanong?” tanong ko sa kaniya. He’s always that type of person na madalas kuryoso sa madaming bagay subalit kapag personal na’y hindi rin naman siya nagtatanong. Nilingon niya naman ako dahil do’n.
“I won’t. I’ll wait for you to finally open up. Saka na kapag kumportable ka na,” aniya sa akin. Napatitig naman ako sa kaniya dahil do’n. Mayamaya lang ay kumurba ang ngiti sa akin. Tahimik lang kami nang magpatuloy sa paglalakad.
“They were my friends since high school,” ani ko. Napatingin naman siya sa akin dahil sa biglaan kong pagsasalita. Hindi ko alam kung dapat ko bang ikwento gayong pakiramdam ko’y masisiraan ko ang mga ito kung sakali. But I want to open up with someone, para akong sasabog kapag walang napagsasabihan ng tunay na nararamdaman. Lagi kasing nakatago at ayaw malaman ng iba ang nasa isip.
“At first they were good to me. Kaibigan kasi ako ni Jayvee,” ani ko.
“Subalit habang patagal nang patagal they starting to do things that I didn’t know they’ll do. Ang sabi nila magkakaibigan kami pero hindi ko ramdam. They were joking about things that it’s not even funny. Joke na ginagamit ang insecurity ko para may mapagtawanan. Mga joke na offensive pero kailangang itawa mo pa rin dahil nga kaibigan ko sila. Kung hindi, magmumukha akong kj,” ani ko na kapag naalala ang mga joke nilang years na ang lumipas subalit naalala ko pa rin.
“When it’s not funny, it’s not a joke. When it’s not funny, you don’t need to laugh. Let them feel that it’s wrong. Hindi mo resposibilidad ang patawanin sila gamit ang sarili mong kahinahan,” aniya kaya nahinto ako roon.
“I never thought that I need to hear that until you said it,” hindi ko mapigilang sambitin.
“Remove those toxic people in your life, Ingrid,” sambit niya.
“It’s not easy,” ani ko na umiling-iling pa.
“Kahit paano’y malaki rin ang utang na loob ko sa kanila. They were always the one who help me financially at malaki ang pasasalamat ko dahil nakakatikim din ng masasarap na pagkain ang mga kapatid ko dahil sa mga ito,” sambit ko kaya siya naman ang nahinto. Nilingon niya ako roon na may seryosong mukha.
BINABASA MO ANG
Cut You Out
RomancePlay The Set #5 Hard. That's how Ingrid describes her life. She has a sister and brother that need her support, and a paralyzed mother whom she doesn't know how to take care of. A father that doesn't even want to support them. She thought that she'...