Chapter 15

1.1K 22 4
                                    

Chapter 15

Ingrid’s POV

“Parang tanga kasi! Umayos ka nga!” reklamo ko kay Indigo nang ilagay niya sa tabi ko ang ice cream na binili niya. Alam niyang mayroon ako ngayon kaya mas lalong nang-aasar. Kapag dinadatnan pa naman ay talagang hindi pupwede ng malamig dahil ako rin ang kawawa buong araw.

"Hayop ka!" natatawa kong saad na nailing pa nang talagang sa harap ko pa siya kumain, halatang nang-iinggit.

"Mas hayop ka, pinatay mo ang anak ko! Hindi ako titigil sa huling hininga ko hangga't hindi ka bumabagsak!" aniya kaya napakunot ang noo ko. Awang na awang lang ang labi dahil sobrang random nito.

Pinanood niya pa ang vid na 'yon para lang makarelate ako. Hindi ko naman mapigilan ang matawa sa kaniya dahil kabisadong-kabisado niya pa ang linya.

“Halatang tambay sa socmed,” ani ko na sa kaniya na natawa pa nang mahina.

“Medyo lang,” aniya na napanguso pa. Napailing na lang ako sa kaniya.

Simula no’ng manligaw ito, madalas ay kung ano-anong tinutweet kaya hiyang-hiya rin ako. Hindi ko na lang pinapansin dahil pakiramdam ko kakainin na ako ng lupa sa kahihiyan. Ang kokorni pa ng mga banat, parang sira.

“Hala, paano ‘to? Ang hirap makahanap ng grab. Ang dami pa nito!” ani ko na itinuro pa ang nga order sa amin mula sa cavite. Bultuhan kasi ‘yon at kanina pa rin hinihintay ng may-ari sa amin. Hindi ko naman mapigilan ang mapanguso at hindi na rin talaga alam ang uunahin.

“Motor ko na lang kaya?” tanong niya. Naglabas ito ng bago niyang motor na hindi rin naman niya halos nagagamit dahil sabay pa rin sa akin nang sabay na magjeep. Pangcommute niya lang talaga pauwi ng cavite. Mas sanay din kasi kaming maglakad. Sobrang traffic ba naman dito sa amin.

“Ang dami niyon, kaya mo bang buhatin lahat?” tanong ko sa kaniya. Nilingin niya naman ako dahil do’n.

“Sinabi ko bang ako lang ang pupunta?” tanong niya.

“O sino pa?” tanong ko sa kaniya.

“Ikaw,” aniya naman sa akin.

“Gago, walang kasama sina Irah at Sandro,” ani ko.

“Ayos lang, Ate, saglit lang naman po kayo. Mas matagal pa nga po kayo minsan sa may convenience store,” ani Irah na siyang kumakain din ng ice cream sa isang gilid. Ganoon din si Sandro na lumingon lang sandali. Kumpara no’ng mga nakaraang araw. Mas lumusog naman na ang kapatid ko. Paano’y isa rin si Indigo sa nang-sspoil sa mga ito. Laging may dalang pagkain at kung ano-ano pa.

“Saka kahapon ka pa sinusungitan ng customer mo, ‘di ba? Ako na pong bahala kay Sandro at Mama,” sambit ni Irah na ngumiti pa sa akin na tila kayang-kaya niyang gawin ‘yon. Ilang beses niya pa akong sinabihan na talaga ngang kaya niya kaya sa huli’y napapayag din ako lalo na’t nakita na naman ang tawag mula sa kliyente.

Cut You OutTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon