Chapter 11
Ingrid’s POV
“Ingrid, paper mo?” tanong ng isang kaklase ko sa akin. Iniabot ko lang ang papel na sinagutan bago isinubsob ang sarili sa desk ko. Lamig na lamig ako. Hindi ko mapigilan ang pag-ubo habang yakap-yakap ang sarili.
Pinilit kong tumayo kahit na gusto ko na lang pumikit sa pananakit ng ulo.
“Grabe, Ingrid. Ang galing mo talagang manungkit ng lalaki ‘no? Paturo naman,” ani Steffanie sa akin nang tumayo ako. Wala ako sa mood at lakas para makipagtalo rito kaya naman nagdire-diretso lang ako sa paglalakad palabas ng classroom subalit bago ko pa ‘yon nagawa ay masamang tingin na ang ibinigay sa akin.
“Masiyado ka na atang mapagmataas!” sambit niya na sinamaan pa ako ng tingin.
“Pupwede bang bukas mo na lang ako sumbatan, Steffanie?” tanong ko dahil nahihilo na talaga. Patuloy pa rin naman siya sa pang-iinsulto sa akin na siyang tinanggap ko na lang din.
Saka lang ako tuluyang makalabas ng matapos siya. Pinilit ko lang maglakad palabas. Sana naman ay makauwi ako ng buo.
When I was young, gustong-gusto ko na nagkakasakit ako. Bukod sa naibibigay ang mga gusto ko, nakukuha ko ang atensiyon ng aking magulang. But now? I fucking hate being sick. Mas lalo ko lang napagtatanto na mag-isa lang ako. Na hindi ako pupwedeng dapuan ng kahit anong sakit. Na kahit may sakit kailangan ko pa ring kumilos dahil ako ang panganay at ako lang ang inaasahan ng mga kapatid ko.
“Ingrid.” Napatingin ako kay Indigo nang makita siyang naghihintay sa tapat ng school. Ngumiti lang din naman ako sa kaniya. Magsasalita pa sana siya nang may magsalita sa likod ko.
“Uy, Indigo!” Nilapitan pa siya ni Steffanie para kausapin.
“Nandito ka ulit,” nakangiti nitong sambit.
“Ah, yeah, sinusundo ko si Ingrid.” He tried to be nice kahit na nasa akin ang mga mata tila ba nanantiya.
“I need to go,” I murmured. Hindi ko na kasi kakayanin kung magtatagal pa ako rito. Gusto ko ng mahiga at matulog.
Ayaw ko namang mangyari ulit ang kahapon lalo na’t napagtanto ko rin kung gaano ‘yon kamali.
“Upfilm ka—” Hindi pa natutuloy ni Steffanie ang sinasabi nang magsalita si Indigo.
“Sorry but we really need to go,” aniya rito at tipid na ngumiti bago ako nilapitan.
“What’s wrong?” nag-aalala niyang tanong sa akin.
“Wala naman. You’re still talking, nakakauwi na ako,” mahina kong sambit.
“Uwi na tayo,” aniya naman bago kinuha sa akin ang bag ko.
Ramdam ko pa ang tingin sa amin ni Steffanie nang paalis kami. Hindi ko na lang pinansin dahil wala na rin naman akong panahon oara roon.
BINABASA MO ANG
Cut You Out
RomancePlay The Set #5 Hard. That's how Ingrid describes her life. She has a sister and brother that need her support, and a paralyzed mother whom she doesn't know how to take care of. A father that doesn't even want to support them. She thought that she'...