Chapter 26

1.1K 21 7
                                    

Chapter 26

Ingrid’s POV

“Ingrid…” tawag sa akin ni Indigo.

“Hmm?” tanong ko na nilingon siya.

“May offer sa akin…” Halos hindi niya matuloy ang sasabihin kaya kumunot ang noo ko sa kaniya.

“Tutungo sa US for training, isang taon lang naman,” aniya sa akin. Nahinto naman ako dahil sa sinabi niya.

“Tina’s offer?” tanong ko sa kaniya. Dahan-dahan naman siyang tumango. Napatitig lang ako sa kaniya dahil do’n. He knows how much I hate Tina at sa isipan pa lang na magkasama sila sa US ng isang taon ay para akong masisiraan ng bait. But I know how much Indigo likes me, nasa kaniya na kung sisirain niya ang tiwala ko o ano.

US. Isang taon. Ang hindi ko lang ata kaya ay ang malayo si Indigo sa akin. Siguro’y masiyado na nga akong naging dependent sa kaniya. Hindi na ‘yan maganda, Ingrid.

“But it’s an offer pa lang naman,” aniya sa akin. Malamig ko lang siyang tinignan. Hindi ko ata maatim na makita itong unti-unting lumalayo sa akin. He’s considering it. Alam ko kung gaano niya kagustong patunayan ang sarili sa Papa niya at ito na ‘yon. This is his chance.

“Okay. Bahala ka,” ani ko sa malamig na tinig. Alangan naman sabihin kong huwag dahil lang gusto ko. Ramdam ko ang tingin niya sa akin subalit pinili na hindi magsalita na mas lalo lang ikinasama ng loob ko. Hindi ko alam kung bakit.  

Sa loob ng ilang linggo ay naging malamig ang trato ko kay Indigo. Talagang hindi matanggap na aalis nga talaga ito. Katulad ng mga taong akala ko’y hindi ako iiwan, iiwanan niya rin pala talaga ako. Hindi ko mapigilan ang pagkagat sa aking mga labi nang sabihin niyang tatanggapin niya ang offer sa kaniya.

“For the past few weeks, pinag-isipan ko ang tungkol sa offer, Ingrid…” panimula niya. Nanatili lang akong nakatingin sa mga isinusulat. Humigpit lang din ang pagkakahawak ko sa pentel pen tila alam na ang sasabihin nito.

“I’ll take it,” aniya kaya napalingon ako sa kaniya.

“1 year lang naman,” sambit niya kaya napatitig ako sa kaniya. Bakit parang ang dali lang para sa kaniya? 1 year lang… hindi ‘yon basta isang taon lang… paano ako? Ipinangako niyang hindi niya ako iiwan. But here he is, katulad nila’y aalis din siya. Sana pala hindi ko na lang sinanay ang sarili ko na kasama siya sa araw-araw.

Simpleng tango lang naman ang ibinigay ko sa kaniya. Ramdam ko ang titig niya sa akin samantalang nagkunwari akong abala lang sa aking ginagawa kahit na nagkandaletse-letse na ang utak. Kahit na nagkakabuhol-buhol na sa sobrang dami ng iniisip. 

“Galit ka ba?” tanong niya sa akin.

“Bakit naman ako magagalit?” tanong ko na tumawa pa sa kaniya.

“It’s fine,” ani ko na nginitian lang siya. Nanatili naman ang titig niya.

Cut You OutTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon