Chapter 12

1K 23 20
                                        

Chapter 12

Ingrid’s POV

“Anong problema mo?” tanong ko sa kaniya nang makita siyang nakasubsob lang ang mukha sa lamesa. Ginulo niya naman ang buhok dahil do’n kaya napatitig ako sa kaniya.

“Madumi riyan,” ani ko na pinapatayo pa siya. Kita ko naman na nakasimangot lang ‘to nang nangalumbaba.  

“Anong problema?” tanong ko na nagtataka.

“You know the film that I made?” tanong niya sa akin. Napatango naman ako sa kaniya dahil do’n. Sobrang ganda ng short film niyang ‘yon. Ang alam ko’y ipapasa nila sa isang subject.

“They said that it’s not good enough… I’m not good enough,” pabulong niyang sambit na napasimangot pa.

“I don’t think they said that for you to know that you’re not good. They said that for you to improve,” ani ko na tipid pa siyang nginitian. Napatingin naman siya sa akin dahil do’n.

“Wala ka bang tiwala sa sarili? It’s already good, just make it better and I know how wild your imagination is. You can do it, Loads,” nakangiti kong sambit sa kaniya.

“Nagtitiwala ako sa’yo,” ani ko.

Napatitig naman siya sa akin dahil do’n. Mayamaya ay kumurba ang ngiti mula sa mga labi.

“The best ka talaga, Lodicakes ko.” Pinanggigilan niya pa ang ilong ko kaya naman hinampas ko siya ng mahina. Natawa naman siya sa akin dahil do’n bago malapad ang naging ngiti sa akin.

“Para kang tanga. Lagi ka namang confident sa gawa mo kaya hindi ko gets kung bakit ka pinanghihinaan ng loob ngayon,” natatawa kong sambit. Napanguso naman siya dahil do’n.

“Well, I just realize na marunong lang pala ako, hindi magaling,” natatawa niyang sambit.

“Paano ako kung ganoon?” natatawa ko ring tanong sa kaniya. Ang galing kaya niya! I know someday he’ll be big. Hindi na ako magtataka kung sakaling ganoon nga.

Madalas ay tinuturuan niya rin ako tungkol sa mga pinag-aaralan nila dahil alam niyang interesado ako roon. Hindi ko nga alam kung paano niya napagsasabay ang lahat ng ‘yon.

“Huwag ka na munang pumunta sa amin bukas, I know na may tatapusin ka pa. Ako ng bahala sa business natin,” sambit ko. Tumango naman siya. Ganoon naman kasi ang nakasanayan namin kapag ako ang may mga project, siya ang bahala sa small business namin and vice versa. Mabuti nga’t nagagawa na naming masanay ngayon kahit nakakapagod din talaga dahil pumapasok, naghahandle ng business at nagtatrabaho.

“Ako na, kakatapos mo lang sa trabaho mo,” ani ko. Mas maaga kasi siya ng isang oras sa part time niya sa isang café sa labas. Siya ang closing at alam ko na maraming nililigpit doon.

“Para mabilis trabaho,” natatawa niyang sambit. Sa huli’y dalawa kaming nag-ayos niyon. We are busy talking with each other nang makitang may pumasok sa loob ng convenience store.

Cut You OutTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon