Chapter 24

1K 14 11
                                    

Chapter 24

Ingrid’s POV

“Aalis ka?” tanong ko sa kaniya.

“Yup, day 1 ng shoot today, I told you last week, ‘di ba?” tanong niya sa akin.

“Pwedeng sumama?” tanong ko dahil bukod sa wala kaming pasok ngayong araw, wala rin sina Sandro dahil nasa eskwela. Natapos ko na rin naman ang mga gagawin ko kahapon kaya pahinga talaga ako ngayon.

Bahagya naman siyang nagulat dahil sa tanong ko subalit sa huli’y agad ding napatango.

“Patay na patay ka na talaga sa akin ngayon, no?” natatawa niyang tanong.

“Ang kapal mo,” ani ko kaya mas lalo pa siyang natawa.

“Nagmamadali ka ba?” tanong niya.

“Aagahan ko sana para madouble check pa ang mga kailangan,” aniya.

“Okay. I’ll move faster,” ani ko. Katulad ng sabi’y naging mabilis lang din ang pagkilos. Nang lumabas ako’y nagsusuot pa lang naman ng sapatos si Indigo. Lumapit ako sa kaniya para ayusin ang buhok niya. Nang matapos ay sumakay na rin naman kami ng jeep para magtungo sa paggaganapan ng shoot.

“Mabait ba sa personal si Cruix?” tanong ko sa kaniya. Si Cruix kasi ang isa sa pinakasikat na nakuha niya sa casting. Hindi ko alam kung paano niya nauuto ang mga ‘yon.

“Mabait naman kahit paano,” aniya na naningkit pa ang mga mata sa akin.

“Huwag mong sabihing interesado ka roon gayong mas gwapo ako roon kung tutuusin,” mayabang na saad niya kaya hindi ko mapigilan ang matawa. Napakaseloso. Mabuti na lang din talaga ay hindi niya naman pinapatulan ang pang-iinis ni Alexandro kapag nagagawi siya sa school. Alam din kasi na sa kaniya lang talaga ako. Mataas na ang kumpiyansa sa sarili.

“Kapal mo, kulang ka pa ng isang daang paligo,” ani ko kahit na para sa akin ay iba talaga ang dating ni Indigo. He always have this playful aura around him. Hindi ko rin maipagkakaila na sobrang lakas ng dating ng dimple niya. Idagdag mo pa na matangkad ito. Ni hindi nga ako abot sa balikat niya.

Kita kong nakasimangot lang siya kaya natawa ako habang nang-aasar. Minsan ang sarap niyang asarin dahil saka lang siya natatahimik kapag nagseselos subalit mas gusto ko pa rin ang random na pinagsasabi niya. Kapag siya ang kasama? Hindi ako napapanisan ng laway.

Nang makarating kami sa pagdadausan ng shoot, agad siyang binati ng mga kasama nila. Mukhang respetado na rin siya kahit na bumubuo pa lang ng pangalan sa industriya.

“Oh, you’re here,” ani Eunice. Sa hindi ko malamang dahilan, tunog disappointed ito. Kumunot lang ang noo ko subalit sa huli’y hindi ko na lang din pinansin.

“Hi, ikaw ‘yong madalas imyday ni Kuya Indigo, ‘di ba?” tanong sa akin nang ilang kasama ni Indigo. Tipid lang naman akong ngumiti at hindi alam ang sasabihin. Hindi ko alam kung pinagsisisihan ko na ba ang pagtungo rito o ano. Paano’y lahat sila sa akin na ang mga mata.

Cut You OutTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon