Chapter 14
Ingrid’s POV
“Woah, sana all new phone,” nakangising sambit ni Indigo sa akin. Tuwang-tuwa ito para sa akin na nakabili na ako ng cellphone. Ayaw ko na rin kasing hiramin ang phone niya dahil nakakahiya pero dahil kailangan din ng phone para kausapin ang mga buyers namin, nagipon ako kahit na mumurahin lang.
Nailing na lang ako habang pinupuno niya ng kaniyang litrato ang phone gayong mas maganda naman ang camera ng kaniya. Halatang nakatrip lang talaga. Hindi ko tuloy maiwasang mapailing na lang habang pinagmasdan siya. Bahagya pa akong napangiti dahil dito kaya hindi ko maiwasang kurutin ang sarili.
When he said that he likes me? ‘Yon ‘yong highlight ng first year college ko. Hindi niya nga lang binabanggit sa akin ang tungkol do’n. Hindi ko tuloy alam kung nabingi lang ba ako no’ng araw na ‘yon pero bakit ang linaw? Nailing na lang ako sa sarili dahil habang patagal nang patagal, mas lalo lang lumilinaw.
“So, are you going to create a twitter account now?” tanong niya sa akin. Ang tagal niya na akong kinukulit doon. Madalas ko rin siyang nakikitang nakatambay sa bird app na ‘yon.
“Gawan na ba kita?” natatawa niyang tanong.
“Ano bang mapapala ko riyan, Indigo?” tanong ko na pinagtaasan pa siya ng kilay.
“You’re not good when it comes on expressing yourself kaya baka lang gusto mo,” aniya.
“Para lang online diary,” panghihikayat niya pa.
“Na nakikita ng maraming tao?” tanong ko. Sa ideya pa lang ‘yon ay hindi ko na agad gusto.
“Ayoko, wala akong oras para riyan,” ani ko.
“Sayang, akala ko makakapagparinig na,” bulong-bulong niya kaya pinagkunutan ko siya ng noo. Iniba niya na rin ang usapan pagkatapos niyon.
“Are you sure na kaya mong tapusin lahat ng ‘yon?” tanong niya na tinutukoy ang mga orders sa amin. Tumango naman ako dahil dito.
“Kakayanin,” ani ko. Kasisimula pa lang din naman kasi ng klase ngayong second year college na kami kaya may oras pa. Lumalago na rin kasi ang negosiyo naming dalawa kaya parami rin ng parami ang order. Idagdag mo pa na magaling na editor ang kasama kaya talagang nakakatakam ang mga tinda kapag ipinopost niya sa social media accoung namin.
“Ikaw ba matatapos mo ang mga design? Baka maging abala na kayo?” tanong ko sa kaniya.
“Patapos na rin, basic,” aniya kaya inirapan kp siya. Well, he put an effort in everything kaya wala rin talaga akong masasabi sa kaniya.
Noong una’y Sweet Foods lang ang pangalan ng page pero ngayong lumalago kahit paano. Napagpasiyahan na rin naming gawing Ing&Ind ang pangalan ng business. Minsan nga’y nakakaproud lang kapag tinitignan ang pambalot dahil naroon ang tatlong letra ng mga pangalan namin.
Nang matapos naming dalhin ang ilang orders sa convenience store dahil maski si Aling Gloria gustong-gusto na ang mga tinda namin, dumeretso na si Indigo sa bahay. Ano pa bang bago? Tambay na ito sa amin noon pa.
Dahil hindi pa ako gaanong tapos sa trabaho ko, naging abala lang ako buong araw samantalang si Indigo’y tinutulungan ako at paminsan-minsa’y nakikipaglaro sa mga kapatid ko.
“Anong ml? Ml-in ko mukha mo riyan, Indigo. Huwag mo ngang turuan kapatid ko,” ani ko.
Nang tignan ko ang cellphone, kung ano-ano na ang pinagdadownload ni Sandro. May mobile legends, tiktok, games at kung ano-ano pa. Hindi ko alam kung paano nagkasiya ‘yon sa storage.
BINABASA MO ANG
Cut You Out
RomancePlay The Set #5 Hard. That's how Ingrid describes her life. She has a sister and brother that need her support, and a paralyzed mother whom she doesn't know how to take care of. A father that doesn't even want to support them. She thought that she'...