Epilogue

2.9K 48 25
                                    

Hi!! Akalain mo 'yon tapos na ang CYO. Thanks for being with me in this journey! Salamat at sinubaybayan niyo ang story ni Indigo at Ingrid.

Gusto ko lang din na sabihin na huwag kayong magalit kay Indigo dahil pinili niya ang pangarap niya. Siguro noon kinikilig pa ako kapag may nababasang ganern pero as I grow older, narealize ko lang na kung mahal ka talaga ng isang tao they'll be willing to grow with you. So I would like to say lang na huwag niyong gawing mundo 'yong isang tao. Kapag hindi willing na makita kang naggogrow as an individual, cut them out.

I also want to say na proud ako kay Ingrid sa lahat ng pinagdaanan niya. Sa mga nanay na piniling maging ina, saludo po ako sa inyo.

Epilogue

Indigo’s POV

Napangiti ako nang makita ang anak na kumakaway sa gawi ko. Napatawa naman ang ilang guest sa kaniya. She’s the epitome of happiness to us. I’m glad that she was there when Ingrid need someone the most. Sa palagay ko’y paniguradong palihim na umiiyak si Ingrid hanggang sa makakatulog na lang siya. Naninikip ang dibdib ko sa isipang wala ako noong mga panahon na ‘yon.

I still vividly remember when her mother died, wala atang araw na hindi siya tulala at malalim ang iniisip. Wala atang araw na hindi niya kakailanganing umiyak para makatulog. Lagi, kailangang mabigat ang talukap ng mga mata para lang kainin siya ng antok. That’s how she is.

“Love, kain ka na rin,” saad ko sa kaniya dahil she always think about her siblings habang nakakalimutan niya namang alagaan ang sarili niya.

“Wala akong gana…” mahinang saad niya na tulala lang sa isang tabi. Naalala ang Mama niya at maski na rin siguro ang bahay nila.

“Hindi naman pupwedeng magpalipas ka na lang ng gutom. Kumain ka kahit kaunti,” sambit ko sa kaniya. I can’t help but to be worried about her. Minsan ay maski sa pagkain, bigla-bigla na lang din siyang umiiyak. But she always act strong kapag kaharap na ang kaniyang mga kaatid. Mas lalo lang akong nanindigan na I want to stay by her side. I want to be that someone na maiiyakan niya whenever she needs to.

“Mama’s in heaven now, huwag na kayong umiyak. She’s probably happy right now,” nakangiti niyang saad subalit kita ang kungkot sa kaniyang mga mata. Maski siya’y para ring isang batang gustong umiyak. Inalo niya lang ang mga kapatid.

“Pabati ako kay Papa, Ma, narecieve niyo na po ba ang regalo ko kay Paa?” tanong ko kay Mama mula sa kabilang linya.

“Oo, anak! Nakita na ng Papa mo, salamat! Nasaan ka na ba? Pauwi ka na? Ang tagal mo. Kanina ka pa namin hinihintay,” sambit niya sa akin kaya napatingin ako kay Ingrid na siyang tulala sa visual na hawak niya.

“Ma, hindi po ko makakauwi,” sambit ko kay Mama. Kadalasan kasing umuuwi ako ng linggo para bumisita sa bahay kahit na madalas ay ayaw naman akong makita ni Papa roon. Isa pa ay birthday niya ngayon subalit kailangan ako ni Ingrid. Hindi ko gusto na araw-araw itong umiiyak.

“Kailanman ay hindi ka nawala sa birthday ng papa mo…” Bakas ang pagtatampo sa tinig ni Mama kaya nakaramdam ako ng kirot. Bahagya rin akong naguilty dito pero hindi ko gugustuhing umalis. Baka kapag alis ko’y wala na akong maabutan. Alam ko kung paano maglaro ang isip ni Ingrid. Hindi malabong maisip niya rin ‘yon.

“Sorry po, Ma, babawi na lang po ako… I love you…” ani ko. Matagal na katahimikan ang bumalot sa aming dalawa. Mukha ngang nagtatampo talaga ito sa akin.

“Date tayo sa susunod na linggo, Ma,” nakangiti ko pang saad kahit hindi niya ako nakikita. Narinig ko naman ang buntonghininga nito.

“Fine, bakit ba kasi hindi ka na naman uuwi? Ilang linggo ka ng hindi bumibisita rito, huh?” tanong niya sa akin.

Cut You OutTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon