Chapter 27
Ingrid’s POV
“Ingrid,” tawag ni Indigo. I refuse to talk. Nanatili lang ang tingin ko sa pagkain. Tahimik lang naman na nakasubaybay si Irah habang si Sandro lang itong kumakausap kay Indigo.
Narinig ko ang buntonghininga niya bago niya ako pinaglagay ng pagkain sa pinggan. Hindi ko ‘yon kinain. Ipinokus ko lang ang atensiyon sa ibang bagay. Ayaw kong stress-in ang sarili dahil kawawa ang bata kaya as much as possible ayaw kong mag-isip ng kung ano.
“Ako na,” malamig kong saad nang tulungan niya akong ayusin ang lamesa.
“I’ll help,” aniya na ngumiti pa sa akin.
“Kaya ko na,” ani ko. Sinasanay na ang sarili na wala siya.
“Kaya ko ring tumulong,” sambit niya naman.
“Pwede ba?” Nagsisimula ng mairita. Narinig ko ang buntonghininga niya bago sa huli’y napatango na lang.
For the past few days ay mas naging malamig ang trato ko rito. Sa tuwing gusto niyang mag-usap kami’y lagi akong may palusot. Laging umiiwas. Tanga ako dahil ako rin naman ang nasasaktan sa ginagawa.
“Ako na, Ate,” sambit ni Irah. Hindi sana ako papayag nang ibulong niya ang tungkol sa baby.
“Hindi maganda sa buntis ang magpakaagod at mastress, Ate,” aniya sa akin. Kita ko rin ang nag-aalalang tingin niya sa akin. Hindi ko pinapasabi kay Indigo ang tungkol dito. Hanggang ngayon ay hindi niya pa rin alam dahil wala pa akong lakas ng loob na sabihin.
Tumayo na ako at nagtungo sa loob ng kwarto. Sumunod naman si Indigo nang pumasok ako.
“Love, kausapin mo naman ako,” bulong niya sa akin nang makahiga kami. Nakatalikod lang ako sa kaniya. Walang balak na kausapin pa ito. I just want to rest kasi sa totoo lang? Paubos na ako. Pagod na ako.
“Inaantok na ako, pakipatay na lang ang ilaw,” malamig kong saad sa kaniya. Simula noong araw na pinili niya ‘yong training niya sa ibang bansa kasama si Tina? I can’t afford to look at him. Pakiramdam ko mas lalo pa akong madudurog, he choose her over me. Katulad ng tatay ko, pinili niya rin ito.
Hindi ko alam kung paano ako nakatulog sa dami kong iniisip. Mga bagay na mangyayari sa hinaharap.
“Love,” tawag ni Indigo nang makita akong palabas ng bahay. Nilingon ko siya dahil doon.
“Ot kami ngayon sa kompanya, baka late na akong makauwi. Mayroong celebration,” aniya sa akin.
“Kahit huwag ka ng umuwi,” malamig kong saad kaya kita ko ang titig niya sa akin.
“Kahit ayaw mo, uuwi at uuwi pa rin ako sa’yo,” aniya na kunot na ang noo sa akin ngayon.
“Paano ako aalis kung ganiyan ka?” tanong niya sa akin. Edi huwag ka ng umalis.
BINABASA MO ANG
Cut You Out
RomancePlay The Set #5 Hard. That's how Ingrid describes her life. She has a sister and brother that need her support, and a paralyzed mother whom she doesn't know how to take care of. A father that doesn't even want to support them. She thought that she'...