Chapter 17
Ingrid’s POV
“Kumain ka na muna, Irah,” sambit ko kay Irah na ayaw ding kumausap ng ibang tao.
“Opo, Ate,” aniya na tumango sa akin.
“Kumain ka na rin, Sandro,” ani Indigo kay Sandro na nakikipaglaro sa ibang bata.
“Wait lang po,” ani Sandro bago niya pinhiran ng pulbos ang isa sa mga anak ng kaibigan ni Mama.
“What about you?” tanong ni Indigo sa akin.
“Mamaya na ako, magbabantay ako kay Mama,” ani ko kaya matagal niya akong tinignan bago siya napabuntonghininga at tumayo na para ipag-ahin ang mga kapatid ko. Tahimik lang akong napatitig sa kabaong ni Mama. Parang ulit-ulit na nagrerewind sa akin ang itsura nito nang mamamatay siya. Kung hindi ko lang siya iniwan ng ilang minuto baka nandito pa rin siya sa tabi ko. Baka sakaling hindi niya ako iniwan.
“Ma, iniwan na nga ako ni Papa, iniwan mo rin ako.” Nanatili akong walang kahit na anong emosiyong mababasa.
“Hindi mo man lang nahintay na maging succesful anak mo, ipapagamot pa kita sa ibang bansa, Ma,” ani ko. Nagpatuloy lang ako sa pakikipag-usap dito hanggang sa bumalik na si Indigo.
“You should eat now, ako na sandali rito,” aniya sa akin.
“What about you?” tanong ko.
“Kumain na ako,” aniya kaya tinitigan ko siya. Ngumiti pa siya sa akin nang tipid just to assure me. Mabilis lang ang naging pagkain ko dahil ayaw kong sayangin ‘yong mga araw na kasama ko pa ang katawan ni Mama rito.
“Ate, talaga bang wala na si Mama?” tanong ng mga kapatid ko sa akin.
“Hmm, pupunta na si Mama sa heaven, Sandro,” ani ko kay Sandro na bigla na lang umiyak kaya niyakap ko silang dalawa ni Irah dahil maski ito’y naluluha rin. Nakatulog sila sa akin kaiiyak kaya dinala ko na muna sila sa kwarto dito sa bahay. Dito lang namin binurol sa bahay si Mama kaya nakakadalaw din ang mga kapitbahay.
Tahimik naman akong bumalik sa pwesto ko. Magkatabi lang kami ni Indigo. Katulad ko’y ni hindi ito umaalis dito. Lagi lang nakabantay sa tabi ko. Ni hindi niya ako hinayaang mag-isa rito. Nang wala na ang mga tao. Hindi ko na rin namalayan ang panghihina at pag-iyak dahil sa bigat na nararamdaman. Isinandal lang ako ni Indigo sa kaniya habang hinahaplos lang abg likod at hinahayaang umiyak.
“Kaiwan-iwan ba talaga ako? Bakit lahat ng taong mahalaga sa akin, umaalis? Bakit parang ang dali ko lang iwanan?” tanong ko na mas lumalakas ang paghagulgol.
“No, hindi ka kaiwan-iwan, Ingrid. Nagkataon lang na kailangan ng Mama mong umalis ngayon,” bulong niya sa akin.
“Maybe, she’s tired now, baka gusto niya ng tuluyang magpahinga,” sambit niya.
BINABASA MO ANG
Cut You Out
RomansaPlay The Set #5 Hard. That's how Ingrid describes her life. She has a sister and brother that need her support, and a paralyzed mother whom she doesn't know how to take care of. A father that doesn't even want to support them. She thought that she'...