Chapter 29

1.5K 26 3
                                        

Chapter 29

Ingrid’s POV

“Raya!” malakas kong sigaw.

“Nay?” patanong na saad nito bago nanakbo patungo sa akin. Matamis na ngumiti naman siya sa akin nang lumapit. Agad na sumilip ang dimple nito kaya hindi ko maiwasan ang panggigilan.

“Ang tagal mo, kanina pa kita hinihintay,” ani ko. Nakita ko ang ipit niya na iba’t iba ang kulay.

“Sorry, Nay,” aniya na napanguso sa akin.

“Ang tagal po kasi ni Tita Jolie,” sambit niya kaya natawa si Irah na siyang nakasunod sa kaniya. Ngumuso lang naman ang anak ko bago niya ako hinawakan.

“Bye, Tita!” aniya na kumaway pa kay Irah na siyang gusto pa itong panggigilan.

“Nasaan na si Sandro at Jolie?” tanong ko.

“Itinakas na ni Sandro ang motor mo, Ate, nakaalis na,” ani Irah kaya agad napaawang ang labi ko. Aba’t ang batang ‘yon habang pinagbibigyan ay mas lalo namang nagiging pasaway.

“Nag-aarjud pa si Jolie, Ate,” aniya na tinuro si Jolie na siyang nagmemake up pa.

“Julieta, ang tagal mo, late ka na! Sa sasakyan ka na magmake up,” natatawa kong sambit sa kaniya.

“Here na, Ate!” aniya na tumakbo pa patungo sa akin. She’s already in high school katulad ni Sandro.

Nang mabalitaan ni Papa na lumipat kami sa Nueva Ecija. Nagtungo rin sila rito, ilang sumbat ang narinig ko sa kaniya nang malaman niyang buntis ako subalit sa huli’y wala rin naman siyang nagawa. Lumipat na rin dito kasama si Jolie para tulungan kami. I’m kinda thankful about that. Noong una malayo ang loob ko sa kapatid subalit sa huli’y napagtanto na wala naman talaga siyang kasalanan sa akin. She also become my source happiness. Sila ng mga kapatid ko lalo na nang dumating ang baby namin na si Raya.

“Ikaw, Irah? Hindi ka pa ba sasabay?” tanong ko sa kaniya.

“Commute na lang ako, Ate, mamaya pa ang class ko,” aniya na ngumiti sa akin. Tumango naman ako.

College na si Irah, kaunting kembot na lang ay gagraduate na rin ako matutulungan na rin kami ni Papa sa pagpapaaral ng mga kapatid namin.

“Osiya sige, mag-ingat ka,” sambit ko.

Nang nasa sasakyan na kami, natawa na lang ako sa kapatid na si Jolie dahil talagang todo ang pag-aayos nito. I don’t really mind it. She felt confident when she’s wearing make ups and when she’s wearing her clothes. Kung may pera lang din kami noon, why not?

“Behave lang, Raya, huh?” paalala ko sa anak ko. Inihatid ko lang siya sa elementary department. 

“Bye, Nanay! Bye, Tita Jolie!” nakangiti siyang kumaway sa amin. She’s really hyper. Our source of happiness.

Cut You OutTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon